DOZ’s POV Abot-abot ang kaba sa dibdib ko. Matapang ako, ngunit may takot din na nananalaytay sa aking dugo. Hindi biro itong sinasalubong kong mga malalaking alon. Kung bakit napahiwalay ang aking Iza. Nangangamba rin ako para sa kaligtasan niya. Kung umiiyak na ba siya sa isla o kung nasa ligtas ba siyang lugar. Wala raw mababangis na hayop sa isla, pero walang kasiguruhan iyon lalo na’t hindi naman sila nagpapagabi sa lugar na iyon. Paano kung may maligaw na buwaya? “Doz, tigilan mo ang pag-iisip ng ganiyan! Hindi iyan nakakatulong. Dapat positibo ka na ligtas si Iza.” Nababaliw na ba ako? Sa sobrang takot ko na rin siguro ito. Wala naman ibang magpapalakas ng aking loob kundi ako. Basang-basa na ako. Sa patuloy na pagbuhos ng ulan at mga alon na sumasalubong sa akin, walang

