IZA’s POV Curious ako sa story na sinabi ni Kuya Bangkero. May katotohanan kaya ang alamat lalo na sa mga taong may lihim na nadarama at hindi kayang isatinig? Kung kasama si Kuya Doz, malalaman kaya niya ang nararamdaman ng puso ko kung makita namin ang bato ng pagpili? Hindi nawala sa isipan ko ang kuwento na sinabi ni Kuya Bangkero hanggang marating namin ang isla. Pagkatuntong ko pa lang dito ay may kakaiba na akong naramdaman. Kakaibang kaba, pero masaya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Sumama ako sa grupo, nakasunod lang ako sa kanila. Nagpapalinga-linga ako at tila may hinahanap ako base sa nararamdaman ko. Sumama si Kuya Bangkero dahil siya rin ang nagsilbing tour guide, dahil may sakit ang dapat na kasama namin dito. Wala kaming ibang makuha kaya si Kuya Ban

