54

1046 Words

IZA’s POV Sweet na si Kuya Doz noon, pero ngayon, iba na. Mas maingat ang kilos niya, mas banayad ang mga tingin. Para bang bawat galaw niya ay may ibig sabihin, at ako ang laging tinatamaan. Sa tuwing nahuhuli ko iyon, kusa na lang umiinit ang pisngi ko, at kailangan kong pigilan ang ngiting ayaw magtago. Pilit kong binubura sa isip ko ang nangyari sa bahay nina Daddy Dax. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na nakainom lang siya noong gabing iyon. Pero ngayong malinaw ang isip niya, mas malinaw ko ring nararamdaman ang epekto niya sa akin. Mas mahirap iwasan. Mas mahirap kalimutan. Lalo na’t may kakaiba siyang karismang tila hinahatak ang puso ko palapit sa kaniya. Buong biyahe papunta sa resort ay hindi ako mapakali. Ibinabaling ko ang atensyon ko sa tanawin, sa alon, sa ingay ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD