DOZ’s POV Ang aga kong nag-celebrate. Habang naglalakad papunta sa bus, nakangiti ako na parang may sariling mundo. Pero pag-akyat ko, biglang nabura ang ngiti ko. May katabi na pala ang baby Iza ko. Si Ping, ang kaibigan niya. Hindi ko pala nasabi kanina na magtabi kaming dalawa. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tapat nila; lalaki ang nakaupo roon. Mas okay na doon ako umupo. Napatingin din ako sa tabi ni Miss Sy, pero agad ko ring inalis ang tingin. Hindi puwede. Baka magalit pa ang baby ko. Feelingero na ako. Pakiramdam ko, sinagot na niya ako; magtatampo siya kapag babae ang katabi ko. “Dito ako mauupo,” sabi ko, sabay tingin sa kaniya. Tumango siya. Simpleng tango lang, pero grabe, parang may fireworks sa dibdib ko. Tinginan lang kaming dalawa, pero sapat na. Nakaupo na ako

