DOZ’s POV Inilipat ko sa kama si Iza. Tinakpan ko agad ang kanyang katawan ng kumot, mula balikat hanggang paa. Ayokong may ibang matang tumingin sa kaniya. Baka pagmasdan pa ng mga taong nandito sa kwarto ang katawan niya, kahit hindi naman nila sadya. Sa akin lang dapat ang parteng iyon kahit halos tanggihan ko kanina. Kasalanan nila. Kung hindi nila kami ginulat, hindi ako tatayo. Hindi sana nahulog si Iza at hindi sana siya nauntog. Pero kahit anong sisi ang ituro ko sa kapatid ko at mga pinsan ko, alam kong ako pa rin ang may kasalanan. Ako ang nandito. Ako ang kasama niya. Ako ang dapat nag-ingat. Kakagising lang niya pero heto na naman siya—nakapikit na naman. Mahimbing, masyadong mahimbing para sa sitwasyon naming ito. “Babe, gising na,” bulong ko sa kaniya habang marahan kong

