100

1301 Words

DOZ’s POV Hindi pumayag si Mama Cindy na ikasal agad kami ni Iza. Paglabas na lamang daw ng hospital. Hindi pa raw tama ang panahon. Hindi ko rin naman ipinilit. Ang mahalaga sa akin, magising siya at bumalik sa dati o kahit hindi na sa dati, basta buhay at kaharap ko. Iyon na lang muna. Nalaman na rin ng mga kaibigan niyang babae na nagising na si Iza. Isa-isa silang dumating, may dalang prutas, bulaklak, at mga katanungan. Nakapalibot sila kay Iza, wari’y takot na baka bigla na naman siyang mawala. Ako naman ay naupo sa may sofa at inabala ang sarili ko sa pagbabasa. Hindi ako tumitingin sa kanila. Ayaw ko ring maging sentro ng atensyon. Ayaw ko rin silang ma-distract dahil sa presensiya ko. Nakatingin ako sa screen ng laptop ko, pero ang tainga ko ay nasa kanila. Kahit anong pilit ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD