IZA’s POV Sa bahay nina Daddy Dougz at Mommy Ivy ang dinner ngayon. “Vane, ready ka na ba?” tawag ni Mama Cindy sa akin. Nasa may labas siya ng aking kwarto. “Ma, sunod na lang po ako,” sigaw ko sa kaniya. Pero lumapit pa rin ako sa pinto at sinilip ko siya. Hindi pa ako nakakabihis. Kakatapos ko lang mag-shower. “Hindi ka pa pala ready. Sige, mauna na kami ng papa mo. Sumunod ka at hahanapin ka nila roon.” Wika pa sa akin ni Mama, bago siya tumalikod. Sinadya ko naman na hindi makasabay sa kanila. Tumawag na si Doz, kanina. Siya ang susundo sa akin. Ilang araw din siyang busy. Nagkikita kami, dahil dumadaan siya rito tuwing umaga. Ang ikinakatwiran niya kay Mama, nasanay na raw siya. Kinukwento rin niya para hindi siya mahalata. Magaling din umisip ng paraan para makaisa siya s

