IZA’s POV Pagdating namin sa bahay nina Daddy Dougz at Mommy Ivy, maingay na ang sala. May halakhakan, may malakas na nagsasalita, at may tuksuhan. Kung sino ang kanilang tinutukso – hindi ko pa alam. Nagtinginan kaming dalawa ni Doz, bago tuluyang pumasok. Nakahanda na ang aking ngiti. Napatingin sila sa aming dalawa. May tumayo at sumalubong sa amin – kay Doz lang pala. Isang malapad na ngiti ang ibinigay ni Eulyn at diretso siya sa boyfriend ko. Humalik siya rito pagkalapit niya. “Nandito na pala sila. Kumpleto na tayo, kaya tara na at let’s have our dinner.” Malakas na sambit ni Daddy Dougz. Hindi ko na nilingon ang dalawa sa likuran ko. Sumunod ako sa kanila. Si Kuya Ivez ang lumapit sa akin at inakbayan ako. “How are you? Ngayon lang tayo nagkita. Bigayan na ng grades. Kukuni

