DOZ’s POV Dahil may lumabas mula sa dining area at may kailangan akong sagutin na tawag, mabilis kaming naghiwalay ni Iza. Hindi ko siya tinignan habang papalayo ako. Kung ginawa ko, baka hindi na ako umalis. Isang tawag lang iyon, walang laman, walang saysay—isang dahilan lang para makahinga at pigilan ang sarili. Mabilis lang ang pagkausap na ginawa ko. Pero kahit ilang segundo lang iyon, sapat na para maghanap ang mga mata ko pagbalik. Nagbabakasakali akong maabutan ko pa ang aking irog. Wala na siya sa kung saan kami naghiwalay. Wala rin siya sa kusina. Wala rin sa may restroom. May kung anong kumirot sa dibdib ko. Hindi kaba—kundi isang kakaibang pagkabahala. Hindi dahil mawawala siya, kundi dahil alam kong pareho na kaming hirap magpigil. “Sinong hinahanap mo?” tanong sa akin

