IZA’s POV Mabilisan ang ginawa kong paghahanda, hindi puwedeng mangyari ang pagbabanta ni Kuya Doz na papasukin niya ‘ko rito sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ang mangyari kapag nagkaganoon. Baka hindi ko siya mapigilan at bumigay naman ako. Balot na balot ako paglabas. Nakasuot ako ng sweatshirt at jeans, sinigurong maayos ang bihis ko para wala nang kung ano pang mapansin. Ayokong bigyan siya ng kahit anong dahilan para titigan pa ako. Pagbukas ko ng pinto, akmang kakatok naman siya. Muntikan pang sa dibdib ko tumama ang mga palad niya. Mabilis din akong napaurong. “Sorry, akala ko kasi matatagalan ka pa.” wika niya sa akin. “Mali ang akala mo, tara na at kanina madaling-madali ka.” Sagot ko sa kaniya at iniwan ko pa siyang nakatayo sa may pintuan. May naglarong ngiti sa aking mg

