DOZ’s POV Alam ko ang nararamdaman ni Iza. Naging tahimik siya kahit kasama ang barkada niya. Nakita ko rin ang pag-iwas niya kay Jabin, pati ang panlalamig niya sa akin, kahit na niyakap niya ako noong nasa labas kami ng opisina. Napanood ko sa CCTV ang nangyari habang nasa loob kami ng opisina, kasama ko si Mr. Jamaliel at ang mommy niya. Masakit ang mga binitawang salita para sa aking Iza. Alam ko ang totoo. Hindi naman malandi si Iza. Kahit may mga nagawa kami, hindi pa rin iyon basehan para tawagin siyang ganoon. Kahit ako ay nasaktan para sa babaeng aking mahal. Oo, mahal ko si Iza. Siya ang pinakamamahal ko simula pa noon. Kay Mr. Jamaliel ko na mismo narinig na wala silang relasyon ni Iza. Nanliligaw pa lamang siya. At sa pagkakakilala ko kay Iza, kung may ganitong

