CHAPTER 23
RIEUKA
Napakasakit ng ulo ko nang bumangon ako kinabukasan. Kinapa ko ang cellphone ko sa may bed side table. Kinuha ko ito at nakita kong may nakadikit ditong dilaw na sticky note na nakapagpangiti sa ‘kin.
‘I prepared breakfast for you. Eat it and take the medicine with it before going to work.” Para akong tangang nakangiti ngayon sa cellphone ko habang pinagmamasdan ang sulat sa sticky note na nakadikit dito.
Nagmamadali akong tumakbo papuntang kusina kahit na nahihilo pa ako. Muntik pa akong madapa sa kakamadali ko.
Nang nasa may kusina na ako ay may nakita akong nakatakip na pagkain sa lamesa. Nagmamadali akong lumapit dito at nakita kong sa itaas noong takip ay may nakadikit ulit na isa pang sticky note.
‘I’ve seen on the internet that these were the things you should eat in the breakfast if you have a hangover. Hope that it can help.’
Mukha na akong baliw ngayon dahil abot tenga ko na ang ngiti ko habang nakatitig sa pangalawang sticky note na nakita ko.
Hindi ko na kailangan pang alamin kung sinong gumawa nito para sa ‘kin.
Isang tao lang naman kasi ang sigurado akong handang gawin ang lahat ng bagay para sa ‘kin. At siya lang din naman ang nakakaalam ng passcode ko dahil nasa iisang bahay lang kami dati at hindi naman ako nagpalit ng passcode simula noon.
I messaged the person that I had in mind. “Thanks! Let’s have lunch later. My treat.” I sent the message after taking a photo of the breakfast he made for me and sent it too to him.
I happily ate the breakfast he made me. It was an omelet with veggies and an avocado toast. He also prepared a coffee for me. He put it above a mug warmer for the coffee to stay hot and freshly made until I drink it.
Nangangalahati pa lamang ako sa kinakain ko ay may na-receive akong message.
‘I’ll see you at your office. You didn’t forget that we have to talk about the project, right?’
Muntik ko nang maibuga ang kape ko dahil sa message ni Akira. s**t I almost forgot about it, I was too busy with Damien’s sweet efforts to me this morning.
‘Of course, I didn’t. See you at the office later.’ I sent it, and I quickly ran to the bathroom to take a shower.
Pagkalabas ko sa shower ay nakita kong may pahabol pa siyang message.
‘Really? I thought you forgot about it because you seem so wasted last night.’
Hindi ko na lamang pinansin ang message niya at nagmamadali na akong bumalik sa kusina para tapusin ang pagkain ko. Ayoko namang hindi ubusin kasi masasayang lang. Nag-effort pa naman si Damien para rito tapos hindi ko lang kakainin.
Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang gamot na nasa gilid at ang baso ng tubig na katabi nito.
Napakunot ang noo ko ng may makita akong kulay dilaw sa ilalim ng baso. Tinignan ko ito at nakita kong may isang sticky note pa pala na nakadikit dito.
‘Have a safe trip to the office. Take a cab instead of driving.’
Tumango-tango naman ako na para bang makikita niya ang pagtango ko sa kaniya.
Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aalaga sa ‘yo kapag may hangover ka ay lagi na akong magpakalulunod sa alak. Kahit pa masakit sa ulo ay ayos lang basta ‘t magiging ganito kasaya ang mararamdaman mo kinabukasan.
Abot tenga ang ngiti ko hanggang sa makarating ako sa building ng office namin.
“Good morning!” Nakangiti kong bati sa mga nakakasalubong ko.
Nang makarating ako sa office ko ay nakita kong nakaupo na si Abby sa pwesto niya. “Good morning, Abby!” bati ko rito.
“Good morning din po, Ar! Mukhang maganda ang gising natin ah,” bati niya sa ‘kin habang nakangiti.
Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti bago ako pumasok sa office ko.
Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi ko inaasahan ang madadatnan ko pagpasok ko ng office.
“You’re late,” sita ni Akira sa ‘kin habang nakaupo sa sofa ko.
Tinignan ko ang relo ko at sakto lang naman ang dating ko para sa office hours. Napaaga pa nga ako ng limang minuto.
“I’m not late. You’re just too early,” sabi ko bago ako dumiretso sa lamesa ko at inilagay ang mga gamit na dala-dala ko.
Pinagmamasdan niya ako mula sa pinto hanggang sa mailagay ko na ang gamit ko sa lamesa at makaupo sa harapan niya. “You and Damien seems so happy today. Care to share what happened last night?” tanong niya sa ‘kin habang nakataas ang kilay.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. “Nothing happened,” sabi ko habang nagpapanggap na abalang-abala ako sa pag-aayos ng mga papeles na nasa lamesa.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Let’s start.” Nginitian ko siya.
Nagkibit balikat lamang siya at nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa mga disenyo ng proyekto namin.
Nang matapos kami ay napahikab ako sa sobrang antok at sumandal ako sa may sandalan ng sofa. Halos dalawang oras din kasi ata kaming nag-uusap tungkol dito.
Tinignan ko ang wall clock sa loob ng opisina ko at nakita kong alas onse na pala ng umaga. “Kumain ka na?” tanong ko kay Akira na nakaupo lamang sa harapan ko habang pinagmamasdan ako.
Umiling siya. “Nope,” sabi niya habang nakatitig pa rin sa ‘kin.
Kumunot ang noo ko. “Even breakfast?” tanong ko.
Umiling lang siya. “I just drank coffee before I came here,” simpleng sabi niya. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.
Bumangon ako at kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng lamesa. “We should eat outside then,” aya ko sa kaniya.
Kinunatan niya ako ng noo at pinamewangan. “Have you forgot? We’ll have a lunch meeting today.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Lunch?” nagtataka kong tanong. “But I already made a plan with someone else,” bulong ko habang nakayuko.
Nag-message pa naman ako kanina kay Damien na sabay kaming mag-lunch.
“Is that more important than this project?” Tinaasan niya ako ng kilay.
Hindi ako nakasagot at nanatili lamang akong nakayuko.
“If it’s just Damien, I’m sure he will understand if you take a rain check for today’s lunch,” sabi niya na para bang wala lamang ito sa kaniya.
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “How did you know that?” tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
“Know what?” Kumunot ang noo niya. “That it’s Damien?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Duh girl, everyone who has eyes will know that it’s Damien, both of you looked so happy when you came to the office,” sabi niya bago kinuha ang cellphone niya at kinalikot ito.
Hindi ko siya sinagot at nakatulala lamang akong nakatingin sa kaniya. How come that she knew it by just that thing alone? Am I too obvious?
Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang nakatitig ako sa kaniya. “What?” sabi niya sa galit na tono. “Come on Rieuka. No one comes to work with a smile plastered on their faces,” she said before she rolled her eyes.
I just shrugged my shoulder. “What time are we going to meet the clients?”
Akira looked at her wristwatch. “I have a reservation at a nearby restaurant at exactly noon. We can leave here at eleven-thirty,” she said before she continued with what she was doing with her phone.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-message kay Damien. ‘I’m scared that we should move our schedule for today’s lunch. Ngayon ko lang nalaman na may lunch meeting pala kami ni Akira ngayong araw’ I typed and sent it to him.
My hands are trembling while waiting for his reply. What if he thought I didn’t want to be with him and I was having second thoughts, which was why he was not replying to my message?
“Don’t be so nervous. My cousin is the most understanding person when it comes to you,” she said while looking at my trembling hands then at my face.
Tumayo siya. “Tara na at baka ma-late pa tayo.” Kinuha niya ang mga gamit niya at naglakad na palabas ng office.
Nakasunod naman ako sa kaniya papuntang parking lot. Nang pinailaw niya ang kotse niya ay nagmamadali akong lumapit sa kaniya.
Pinigilan ko siya sa pamamagitan nang paghawak sa braso niya. “Wait, you’re driving? Wala ka bang hangover?” tanong ko habang palipat-lipat ang mata ko sa kotse niya at sa kaniya.
Umiling siya. “I’m not like you who can’t hold her alcohol. Sanay na akong malasing kaya parang wala na lamang ito sa ‘kin,” sabi niya bago naglakad muli papunta sa kotse niya.
“But it would be safer for us to take a cab,” pigil kong muli sa kaniya.
“Who told you that? Damien?” Tinaasan niya ako ng kilay.
Hindi ako sumagot sa kaniya at napanguso na lamang ako. Why did she always knew that it was about Damien.
She rolled her eyes. “Whatever, let’s just take a cab so you can stop complaining,” sabi niya ng hindi na inantay ang sagot ko sa tanong niya.
Hinila niya na ako papunta sa entrance ng building at siya na ang tumawag ng taxi. Sinabi niya na kay Manong Driver kung saan kami pupunta kaya pinaharurot na nito ang sasakyan palayo ng building.
Tinignan ko muli ang cellphone ko at wala pa itong bagong mensahe galing kay Damien.
Napansin ni Akira ang pagtingin ko maya ‘t-maya sa cellphone ko. “I told you to stop worrying about what he will react,” sabi niya sa ‘kin habang nakatingin ng diretso sa kalsada.
Napahinga na lamang ako ng malalim at ibinalik ko na ang cellphone ko sa aking bag.
Nang makarating kami sa restaurant na pagmi-meetingan namin ay wala pa ang mga kikitain namin.
Nang lumipas ang mga labin limang minuto ay dumating na rin sila at nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa mga final designs ng building.
Pinigilan ko ang sarili ko buong meeting, kahit na kating-kati na akong buksan ang cellphone ko para tignan kung may mensahe na si Damien sa ‘kin.
Nang matapos ang meeting ay nauna nang umalis ang mga kliyente namin dahil may susunod pa raw silang meeting. Kaya naman naiwan kami ni Rieuka na kumakain sa restaurant.
Nang matapos na kaming kumain ay tumayo na kaming dalawa at naghintay na ng taxi sa labas.
Tinignan ni Akira ang cellphone niya bago tumingin sa ‘kin. “Damien messaged me to tell you that he will see you at your office,” sabi niya habang nakatingin sa akin at parang hinahanap ang cellphone ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may mensahe siya sa ‘kin.
‘It’s fine. I’ll just see you at your office for an afternoon snack.’
Napangiti naman ako dahil sa mensahe niya. Magre-reply pa sana ako kaso nagsalita na si Akira sa tabi ko.
“You look so gloomy earlier at the meeting and now you’re back with that smiling face that irritates me,” sabi niya bago sumakay sa taxi na natawag niya.
Inismiran ko na lamang siya at nakangiting sumakay sa taxi kasunod niya.
“By the way. I think I left something on your office,” sabi ni Akira sa tabi ko habang may hinahanap sa bag niya.
Tumango-tango ako. “Let’s just get it when we get there,” sabi ko at ibinalik ang tingin ko sa daan.
“But I don’t want to go there with you,” sabi nito habang nakasimangot.
Kumunot ang noo ko. “Hmm? Bakit naman?”
“I don’t want to see you and Damien together. I don’t want to p**e at your office,” sabi nito sa sarkastikong tono.
Inismiran ko siya at inirapan. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. As if naman talaga may mangyayaring nakakasuka sa pagitan namin ni Damien.
Namula ako ng may ma-realize ako. Did she mean that she would p**e because she might see us being too sweet with one another? I kind of hope that she would.
Nang makarating kami sa building ay dumiretso na kami sa elevator at pinindot ang floor ng office ko. Nang huminto na sa tamang floor ay naglakad na kami papunta sa ‘king office.
Bumungad sa ‘kin si Abby na napatayo nang makita niya akong papasok ng office ko.
“Ma’am may bisita po kayo sa loob,” sabi nito habang nakatingin sa ‘kin. Lumagpas ang tingin niya sa ‘kin at napatingin siya kay Akira na nakasunod sa likuran ko.
“Yeah,” sabi ko habang nakangiti ng abot sa tenga, pero ang ngiti ko ay biglang naglaho nang buksan ko ang pinto ng office ko.
Nakita ko roon si Damien, pero hindi lamang siya mag-isa. He was with someone that I deeply knew since I was young.
I looked at Damien and I saw him avoiding my gaze and he looked at Akira who was behind me. Tinignan ko si Akira at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya habang nakatingin sa babaeng kasama ni Damien.
“Rieuka, sweetie. At last you came, it’s been so long since I last saw you,” sabi nito bago lumapit sa ‘kin at hinila ako para sa isang yakap.
Hindi ako yumakap sa kaniya pabalik. Nakatayo lamang ako na parang tuod sa harapan niya habang kinakausap niya ako.
Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap sa ‘kin. “Mom, what are you doing here?”