CHAPTER 24
RIEUKA
*FLASHBACK 5 YEARS AGO*
I was cleaning the house on a Sunday morning when I heard someone knock on my door.
Ibinaba ko ang mga hawak-hawak kong gamit panglinis at lumapit sa may pintuan. Sumilip muna ako sa may peep hole bago ko ito buksan. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung sinong nasa labas ang kumakatok ng pinto ko.
“Mom, what are you doing here?” tanong ko nang mabuksan ko na ang pinto. “What made you come here?” tanong ko pa habang tinutulungan ko siyang bitbitin papasok ang mga dala-dala niyang gamit.
Umupo siya sa sofa at pinindot-pindot ang upuan nito. “You can already move out from this shabby place,” sabi niya habang iniikot ang paningin niya sa condo ko.
Kumunot ang noo ko. “Po? What do you mean, Mom?”
Tinaasan niya ako ng kilay. “I’ll find you a better place than this,” sabi niya na para bang diring-diri siya sa tinitirahan ko.
Lumapit ako sa kaniya. “But I’m already fine here, Mom. I’m used to living here.”
Napatayo siya dahil sa sinabi ko. “What do you mean? You’re used to living in this scruffy place?” Tinaasan niya ako ng boses.
Napayuko na lang ako at hindi na ako sumagot pa. Ayoko ng pahabain pa ang usapan namin, dahil alam kong sa huli siya rin naman ang mananalo.
“You’re Dad also wants you to move to a better home,” she said and crossed her arms in front of her chest.
“I don’t have a Dad, Mom. He’s long gone,” matapang kong sabi habang nakatingin sa kaniya.
“I don’t care about what you want to think, but you’ll have no choice in the end but to accept him as your father.” Kinuha niya ang mga gamit niyang nakapatong sa lamesa.
Hinarap ko siya. “Why, Mom? Wala na ba akong karapatan na magkaroon ng sariling desisyon?”
“Joseph and I will soon get married,” nakangiting sabi niya.
Kumunot ang noo ko. “But he’s already married with Akira’s mother,” bulong ko.
“They’ll soon split up.” Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang mga kamay ko. “And both of us, my dear, will inherit a lot of their properties. I promised you that,” she said while she smiled at me softly.
“How about Akira, Mom? She would be hurt,” bulong ko.
Binitawan niya ang mga kamay ko. “Stop worrying about that girl. Let her and her mother mind their own business. You’re not even her family,” sabi niya sa galit na tono. “We’ll, not yet, but soon you will be her family,” sabi nito bago dumiretso sa may pintuan.
“Get ready to leave this place, okay?” Binuksan nito ang pinto at tuluyan nang lumabas ng condo ko.
Pabagsak akong napaupo sa sofa at kasabay rin nito ang pagbagsak ng mainit na likido sa mga mata ko.
Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa lamesa nang tumunog ito. It was a call from Akira.
I answered it immediately and faked my voice. “Hi, Akira,” I said happily.
“Hello, Riri. Can we move our best friend date some other time? Tumawag kasi ‘yong boyfriend ko at inaaya niya akong lumabas,” sabi nito nang masagot ko na ang tawag.
Magkikita nga pala kami ngayon muntik nang mawala sa isip ko.
Tumikhim ako para matanggal ang nakabara sa lalamunan ko. “Yeah, it’s fine,” sabi ko sa mahinang boses.
“Pasensya na talaga. Alam mo namang minsan lang kami makalabas dahil busy siya lagi sa trabaho diba?”
Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ko. “It’s fine, Aki. You probably need that too after all the things.” My voice broke. “After all that’s happening in your life,” dugtong ko.
“Are you fine? You’re voice sounds like you just finish crying?” tanong nito sa kabilang linya. “I’ll come to your house.”
Narinig ko sa kabilang linya ang pagbukas at pagasara ng pintuan.
“You don’t have to, Akira. I’m fine, trust me. You should see your boyfriend.” Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko. “I also need to run some errands today.”
“Really? Are you really okay?” tanong nitong muli.
Napangiti ako. How can I be so cruel to someone like her? How can I lie to the single genuine friend that I have? “I’m okay. You should go now.”
“Okay. Take care, Rieuka. I love you!”
Tumango ako. “Uhm, take care,” sabi ko bago ko pinutol ang linya.
I couldn’t be like this, and I couldn’t be someone that Akira couldn’t trust. I should stop hurting her before I wrecked her.
Pagkababa ko ng tawag niya ay nagmamadali akong naghanap ng numero sa contacts ko.
I gathered all my strength to send him a message.
‘Good morning po! Can we see each other today?’
It took a lot of my courage to send to him that short message.
Wala pang limang minuto ay nag-reply na siya.
‘Sure, iha. When are you free, and where do you want to see me?’
‘I’ll just go to your office today.”
Nang mai-send ko na ang mensahe ay naligo na ako at nag-ayos. Kinuha ko na ang mga gamit kong nasa ibabaw ng lamesa at lumabas na ako ng condo.
I didn’t even have the time to finish cleaning my condo, but I think that this was way more important than that.
Tinignan ko ang building na nasa harapan ko at huminga ako ng malalim bago ko ihinakbang ang mga paa ko papasok ng building.
“What is it, Miss?” tanong sa ‘kin ng babae sa reception table.
“I’m Rieuka Collin. I came here to see Joseph Auclair.”
Tinignan niya ako sa mapangmatang tingin. “Let me accompany you to his office.” Nginitian ko lang siya ng tipid at tahimik na sumunod sa kaniya.
Napakabilis ng t***k ng puso ko habang sakay-sakay kami ng elevator. Parakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
“We’re here. This floor is his whole office. You can roam around here and wait for him to come,” sabi nito bago pindutin ang pindutan ng elevator pababa.
Nilingon ko siya para makapagpasalamat. Nagkibit balikat na lamang ako ng hindi na ako nakapagpasalamat sa kaniya dahil nagsara na agad ang elevator.
Sa halip na magikot-ikot ako ay dumiretso na lamang ako sa isang sofa at kinalikot ang mga daliri ko. Kinukutkot ko ang gilid ng kuko ko habang hinihintay siyang dumating sa opisina niya.
Maya-maya pa ay para akong robot na awtomatikong tumatayo kapag bumukas ang elevator. Mula roon ay lumabas ang taong gusto kong makausap kaya ako pumunta dito.
Lumapit siya sa ‘kin at bumeso. “Good morning, iha. What made you come here?” tanong nito sa ‘kin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil kahit maging ako ay hindi sigurado sa kung ano ang pinunta ko rito at kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
“Upo ka.” Tinuro niya ang sofa na inuupuan ko kanina. “Coffee? Tea?” tanong niya.
Umiling lang ako at yumuko. Kinalikot kong muli ang kuko ko habang nakayuko.
“What is it?” tanong niyang muli sa ‘kin.
Nakagat ko ang labi ko. I didn’t know where to start telling him all the feelings that I had bottled up inside.
“Spill it, iha. Wag kang mahiya sa ‘kin at para na rin kitang anak.” Nakangiti nitong sabi sa ‘kin.
“I want to talk to you about my Mom.” Napahinto ako. “No, it’s about Akira.”
“What about my daughter?”
Yumuko ako. “I don’t think that she will like it if you split up with her mother especially if it’s because of my Mom,” sabi ko sa mahinang tono na sana ay narinig niya dahil hindi ko na kayang ulitin ‘yon dahil sa kahihiyan.
Sumandal ito sa upuan at tumingin sa ‘kin. “I’m sure she’ll understand. I know that you’ve already seen how understanding Akira is as a person,” sabi nito habang nakangiti pa rin sa ‘kin.
Tumango ako. “Alam ko po, pero hindi po ibig sabihin noon na hindi na po siya nasasaktan. Yes po, she’ll understand but she’ll also try her best to hide the pain she’s feeling.” Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “So please, contemplate po on what is the better choice that will cause a less damage to your family.”
“I’ve made up my mind about that.” Inabot niya ang kamay ko. “I’m not doing it just for my sake or your Mom’s sake, Rieuka. I’m also doing it for you.”
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What was he talking about?
“Your Mom and I were college sweethearts, but we broke up due to some circumstances.” Huminga siya ng malalim. “She met your Dad, and she got pregnant, so they get married. I also met Akira’s mom, got her pregnant, and we got married.” Tumigil siya at tinignan ako.
“Hindi porke ‘t kinasal ako sa iba, iba na rin ang laman ng puso ko, iha. Pero hindi rin noon ibig sabihin na handa na akong iwanan ang pamilya ko dahil lang sa dati kong kasintahan.” Lumapit siya sa ‘kin at muling hinawakan ang kamay ko. “But then I saw you, Rieuka.”
Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tinignan.
“I saw how vulnerable you are growing up without a family. Without a father, and without a mother who genuinely cares about you.” He gave me a soft smile.
“I know that it’s my fault why your Mom chose to marry your father. It’s my fault why you’re living like this, and that’s why I want to correct it, but your mom won’t allow me to go near you if I wouldn’t marry her.”
Huminga ito ng malalim. “I’m not blind nor stupid, Rieuka. I know that she’s using you to get near me in the first place, but it’s fine if she would choose that path as long as I save you from your misery.” Ngumiti ito ng mapait. “But that’s before I fell for her over again like how I fell hard for her the very first time I met her.” Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
“I’m sorry that I can’t help myself but to marry her, Rieuka. I’m sorry that I’m hurting my daughter, and I’m sorry for putting you in a difficult situation.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “But I can’t stop but to follow my heart.”
Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya pabalik.
“If you can’t stop marrying her, then at least don’t adopt me.” Inangat niya ang tingin niya sa ‘kin at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya. “I want to maintain my Father’s name, because that’s the only thing I got from him. So please don’t take that away from me,” sabi ko bago tumayo.
Nginitian ko siya at yinakap. “Thank you for loving my mother behind all her incapability, and thank you for caring about me,” I paused. “…Mr. Auclair.” I smiled at him one last time before I walked towards the elevator.
Lakad takbo ang ginawa ko palayo sa lugar na ‘yon habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.
*END OF FLASHBACK*