Chapter 25

1053 Words
CHAPTER 25 RIEUKA “Hindi mo man lang ba muna ako kakamustahin?” sabi ni Momma habang nakangiti sa ‘kin at hawak-hawak ang magkabila kong braso. Humigpit ang pagkakahawak ko sa sling bag na nakasukbit sa braso ko. Hannga‘t maaaari ay pinipigilan kong sagutin siya. Ayokong sumama sa akin ang loob niya dahil ito pa lamang ang unang beses na pagkikita namin matapos ang tatlong taon. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglagpas sa amin ni Akira at pagdiretso niya sa pwesto ni Damien. Kinuha niya ang naiwan niyang maliit na lagayang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Didiretso na sana siya sa may pinto nang harangin siya ni Momma. “You should stay, iha. Ang tagal na rin nating hindi nagkikita,” sabi ni Momma habang nakangiti kay Akira. Pero kahit nakangiti siya ay alam kong iba na naman ang nasa isip niya, at kabaligtaran ito nang ipinapakita niya ngayon. “Hindi ka na kasi umuuwi ng bahay,” dugtong pa nito. Napairap si Akira bago humarap kay Momma. “Do you think that’s all a coincidence?” Tinaasan niya ng kilay si Momma. Tumango-tango si Momma. “Of course, iha. I understand that you’re very busy at work, and your condo is nearer to your workplace. That’s why you chose not to go home.” “Mom.” Hinawakan ko ang kamay ni Momma para pigilan siya at baka mamaya ay kung ano pang masabi niya kay Akira. Mahirap na at baka pati ang unti-unti naming pagiging ayos ni Akira ay maapektuhan rin.   “Well, I guess that you don’t really know me then.” Ngumiti si Akira kay Momma ng nakakaloko. “Next time, Damien. You should ban trashes roaming around your building. Iyong tipong tinapon na kapat pa rin nang kapit,” sabi nito habang may nakakalokong ngitin sa labi.   Tumalikod na ito at akmang lalabas na siyang muli sa office ko nang hawakan ni Momma ang braso niya para pigilian siyang muli. Nakita ko kung papaanonagtangis ang bagang ni Akira bago siya huminga ng malalim na prang pinipigilan niya ang sarili niya. “You should stay at least for a while,” kulit pa nito kay Akira. “Kahit saglit lang, ngayon lang naman tayo ulit nagkita eh. Pagbigyan mo na,” pagmamakaawa pa nito kay Akira. “Mom,” sita ko rito. “Did you think I live far away from my home for the past years just to catch up with you today?” sabi ni Akira bago tabigin ang kamay ni Momma na may hawak sa kaniya at padabog siyang lumabas ng pinto. Umirap si Momma nang makalabas na si Akira ng office ko. “Ang babaeng ‘yon, masiyadong mapangmataas.” Umupo mulo si Momma sa sofa habang nakatayo naman si Damien sa gilid niya. “Kung alam lang niyang walang matitira sa kaniya ay baka gumagapang na ‘yon ngayon pabalik dito,” sabi nito bago tumawa ng nakakaloko.  Tumingin siya kay Damien na nanatiling nakatayo sa pwesto niya. “Ikaw ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi mo pa sundan ang matapobre mong pinsan?” sita nito kay Damien kahit na wala naman itong imik sa gilid. Tinignan ko si Damien at nagkasalubong ang mga mata namin. “You should follow, Akira,” I said and I gaved him a soft smile. Tumango lamang siya sa ‘kin bago naglakad palabas ng office ko. “Don’t you have anyone around you that have some manners,” sabi ni Momma habang nakatingin ng masama sa papalayon bulto ni Damien. “Mga hindi man lanag marunong magpaalam,” reklamo nito bago parang prinsesang sumandal sa upuan. Nang hindi ko na matanaw si Damien ay hinarap ko si Momma. “Mom, what is it this time?” tanong ko sa kaniya. “Imposibleng pumunta ka rito ng walang dahilan.” Hindi niya ako pinansin at inilibot lamang niya ang tingin niya sa office ko. “You should move your things to your new office at Auclair Architectural Incorporated,” sabi niya habang paikot-ikot pa rin ang tingin niya sa loob ng office ko. “I don’t want to, Mom. My job is here, and I’m planning to stay here until I retire,” matapang kong sabi. Sinamaan ako nang tingin ni Momma. “You should move to their Architectural Firm already so that you can easily acquire your property,” utos niya sa ‘kin. “I have a lot on my plate right now. I can’t take anything more, Mom. You should just leave now.” Tinuro ko sa kaniya ang pinto ng office ko. Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit ba ayaw mong umalis dito? Dahil ba sa lalaking ‘yon?” “Ano hindi ka pa rin maka-move on?” Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. “Sumagot ka,” sigaw niya sa ‘kin. “Ang arte-arte mo, pareho lang naman tayong mang-aagaw.” Dinuro-duro niya ‘ko. “Mom, you’re hurting me,” sabi ko habang sinusubukan kong bawiin ang braso ko sa kaniya. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Kung ayaw mong masaktan, sundin mo lahat ng inuutos ko sa ‘yo,” sabi niya bago pabalibag na binitawan ang braso ko. “Naiintindihan mo ba ‘yon?” Pinanlakhian niya ako ng mga mata. “I’ve already told you three years ago that I don’t want to be part of this family, Mom.” Hinimas-himas ko ang braso ko na hawak-hawak niya kanina. Sa sobrang higpit kasi nang pagkakapit niya sa ‘kin kanina ay hanggang ngayon pakiramdam ko ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Lumapit siya sa ‘kin ng unti-unti na nakapagpaatras naman sa ‘kin. Itinago ko sa likuran ko ang namumula kong braso. “I also told you three years ago that I wouldn’t allow you, and you don’t have any choice but to obey me,” bawat letrang lumalabas sa bibig niya ay dinidiin niya. Para bang gusto niyang itatak ko sa isip ko ang lahat nang sinasabi niya sa ‘kin ngayon. Padabog siyang lumabas ng office ko at pabalibag niyang isinara ang pintuan ko. Sapat na para malaman kong galit na naman siya sa ‘kin. Well, what’s new? I’m so used to being her biggest disappointment and mistake in life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD