CHAPTER 26
RIEUKA
Nang sumunod na araw ay inagahan ko ang pagpasok sa office para sana sopresahin si Damien. Hindi kasi kami nakapag-usap kahapon dahil may iba pa siyang kailangan asikasuhin noong hapon.
Naglalakad na ako ngayon papasok ng building. Napatigil ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko at nang lingunin ko ito ay nakita kong si Roman pala ang pumigil sa ‘kin.
“Good morning!” bati nito sa ‘kin.
Nginitian ko siya. “Good morning!” bati ko pabalik.
Sumabay siya sa ‘kin maglakad papasok ng building papunta sa elevator.
Sumakay na kaming dalawa ng elevator. “Aga natin ah,” simula niya habang pinipili ang palapag ng opisina ko at ng sa kaniya sa pindutan ng elevator.
“Yeah, I’m planning to do something before working hours,” sabi ko sa mahinang boses.
Humarap siya sa ‘kin. “I also need to finish some things urgently before our meeting today.” Nakangiti niyang sabi.
Kumunot ang noo ko at nagtataka ko siyang tinignan. “Our?” ulit ko sa sinabi niya.
Tumango siya. "Yup, today is our scheduled meeting for our project."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Ngayong araw? Abby did not tell me that it was my schedule for today. She said that I had a meeting today but didn't tell me that it was with them.
Hindi na ako nakapagsalita ng maraming sumunod sa ‘min sa pagsakay ng elevator.
I even thought that the overloaded passenger's warning signal would light up because of the jam-packed people inside.
“Aw!” sigaw ko ng may nakatapak sa paa ko. Mataas pa naman ang takong nito kaya masakit talaga.
Nagkatulakan na kami sa loob kaya napasiksik ako sa gilid ng elevator. Naramdaman ko ang paggalaw ni Roman sa gilid ko at lumipat siya sa harapan ko. Humarap siya sa ‘kin at iniharang niya ang buong katawan niya para hindi ako masiyadong magitgit sa gilid.
“Thank you!” bulong ko sa kaniya.
Nginitian niya lamang ako at hindi na siya nagsalita. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang makaramdam ako ng pagkailang.
Parang mas gusto ko pa tuloy ngayon ang nakakainis na pakiramdam ng magitgit kaysa sa nakakailang na sitwasyon namin ngayon ni Damien.
Nang bumukas ang elevator ay nabawasan ang siksikan sa loob nito. Nagsalubong ang mga kilay ko ng hindi pa rin umaalis si Roman sa harapan ko.
Tinignan ko siya at nagkasalubong ang mga mata namin. Titig na titig siya sa mga mata ko pero unti-unting bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Napahawak ako sa dibdib niya para pigilan siya nang maramdaman ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa ‘kin.
“Good morning po, Ar. Collin!” bati sa ‘kin ng isa naming katrabaho na nasa loob din ng elevator.
Inipon ko ang buong lakas ko para matulak papalayo sa ‘kin si Roman. Nang matulak ko siya ay umayos siya ng tayo sa gilid ko.
Tumikhim ako. “Good morning!” bati ko sa katrabaho namin at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Tinignan ko kung nasa pang-ilang palapag na kami. Nang makita kong malapit na ang palapag ng opisina ko ay inayos ko na ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko.
Sa opisina pa naman sana ako ni Damien didiretso kaso nagbago na ang isip ko. Matatagalan pa ako sa nakakahiyang lugar na ‘to pag nagkataon.
“Bye. See you later, Ri.” Narinig kong sabi ni Roman sa likuran ko nang bumukas ang elevator sa palapag ng opisina ko.
Sa halip na lingunin ko siya para magpaalam ay dirediretso akong naglakad palabas ng elevator.
Nagtaka ako nang lumabas rin ng elevator ang nakasabay naming katrabaho na bumati sa ‘kin kanina. Nakakunot ang noo kong tinignan siya.
Nginitian lamang niya ako bago nauna nang maglakad sa ‘kin. Nakita kong huminto siya sa isang lamesa. Sinulyapan muna niya ako at nginitian bago siya umupo sa upuan na nasa pwesto niya.
Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad papunta sa opisina ko. Nang makapasok ako sa opisina ko ay ibinaba ko muna ang mga gamit ko at kinuha ko lamang ang cellphone ko.
Nag-type ako ng mensahe para kay Damien. ‘Damien, nasa office ka na?’ Sinend ko muna ito bago naglakad palabas ng office.
Napahinto ako ng may marinig akong usapan ng mga katrabaho ko. Nagtago ako sa likod ng pader at nakinig sa usapan nila.
“Sabi sayo hindi si Ar. Collin at saka Engr. Hayes eh,” sabi noong isang babae.
“Pano mo naman nasabi?” tanoong noong pangalawang babae.
“Sabay silang pumasok kanina ni Engr. Reign. Nakasabay ko sila sa elevator,” sagot naman noong unang babae.
“Nagkasabay lang sila na agad? Baka naman nagkataon lang. Alam mo ‘yon sabay pumapasok ng trabaho as a friend,” singit naman noong pangatlong babae habang natatawa-tawa.
“Halos maghalikan na sa loob ng elevator magkaibigan lang? Nakalimutan ata nilang nasa public place sila. Hay nako mare wag ako,” sagot ulit noong babaeng nakasabay namin sa elevator ni Roman.
“Narinig ko na magkapatid pala sa papel sina Ar. Auclair at Ar. Collin,” singit naman noong isang lalake.
“Talaga ba?” sabay-sabay na tanong ng tatlong babaeng kanina pa nag-uusap.
“Kaya ba hindi sila ni Engr. Hayes dahil magpinsan sila sa papel?” tanong naman noong pangatlong babae.
“Oo, usap-usapan ‘yon sa buong office simula nang bumalik si Ar. Collin. At ito pa ha ang sabi ng girlfriend ko na ka-batch nilang dalawa matalik na magkaibigan pala ‘yang dalawa noong college, kaso nalaman ni Ar. Auclair na kabit pala ng tatay niya ang nanay ni Ar. Collin kaya sila nag-away,” sabi noong lalake. “Ayon friendship over na,” dagdag pa nito.
“Eh diba bumisita yung nanay kahapon ni Ar. Collin?” tanong noong pangalawang babae.
“Kaya siguro nag-walk out kahapon si Ar. Auclair sa—“ Hindi natapos noong isang babae ang sinasabi niya nang bumukas ang elevator at iluwa noon si Akira.
Nagyukuan silang apat nang makitang si Akira ang sakay-sakay ng elevator.
“Good morning po, Ar. Auclair!” bati nilang tatlo kay Akira na parang hindi nila pinag-uusapan kani-kanina lamang.
Tinanguan lang sila ni Akira at naglakad na siya palapit sa opisina ko.
Nagsalubong ang mata naming dalawa ng dumapo ang tingin niya sa sinasandalan kong pader.
Tumingin siya sa ‘kin at saka siya lumingon sa apat na katrabaho naming nakamasid pa rin kay Akira.
Inikot lang niya ang mga mata niya at umirap bago dumiretso sa opisina ko na parang walang nangyari.
Nang makapasok si Akira sa opisina ko ay nagsisihan pa ang apat na nagtsitsismisan kanina bago sila bumalik sa kani-kanila nilang pwesto.
Sumunod na ako papasok kay Akira nang makita kong abala na ang apat sa kani-kanila nilang trabaho.
Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ng opisina ko ay nagsalita si Akira. “Busy torturing yourself?” tanong niya sa ‘kin habang nakataas ang kilay.
“Ha? Napadaan lang naman ako don,” sabi ko at yumuko. Nang hindi siya magsalita ay inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Aren’t you angry or even irritated with them?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.
Sinalubong niya ang tingin ko. “Have you forgot? Three years ago you leave the country as if nothing happened, and for those years I continuously heard gossips where my name is always included.” Napayuko ako dahil sa sinabi niya.
“Luckily, the gossips subsided after months, then it grew again when you came back to the Philippines,” sarkastiko niyang sabi. “Don’t worry it will subside again after months as long as you don’t add fuel to the fire,” dagdag niya na parang wala lang sa kaniya ang lahat.
How did she overcome all of this alone? How did she handle all of this while still hurting and trying to heal?
I couldn't imagine how much I caused pain to her three years ago. I felt really guilty for those years that I was in the U.S. I never knew that I would feel more guilty than I was back here in the Philippines.
“I know that it’s long overdue, but I’m really sorry for everything I’ve caused you Akira.” Sinalubong ko ang mga mata niya habang may nagbabantang luha sa mga mata ko.
Matapang niya ring sinalubong ang tingin ko. “The damage has been done, Rieuka. Sorry is not enough to remove all the pain I’ve felt years ago,” sabi niya ng hindi pinuputol ang titigan namin.
"But if there's something I learned after those issues years ago, it was to forgive the people that pained me," she paused. “You, Dad, and Roman,” dagdag niya sa mahinang boses.
Iniwas niya ang tingin niya sa ‘kin. "But I'm sorry to say that I'm still learning to forgive your Mom. You can't easily forgive someone who continuously hurt you and didn't even ask for forgiveness." Ngumiti siya ng mapait. "That will take a lot of time, right?" Nakangiti niyang inangat ang tingin sa ‘kin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. “I want to say sorry on behalf of my Mom,” bulong ko.
Umiling siya. "Nah, you don't have to. Don't be sorry when the person is not sorry for even an inch."
“I’m really sorry,” hingi ko ulit ng tawad sa mahinang boses.
“I’ve already forgiven you even before you came back here. But you know what’s harder to do, Rieuka?” tanong niya sa ‘kin habang hinahanap ang mga mata ko.
Umiling ako bilang sagot.
"It's to forgive yourself and to stop continuously beating yourself up for all your mistakes," she said while smiling softly at me. "I hope that you've passed that stage," she said before she avoided my gaze.
Hindi ako nakasagot sa kaniya at yumuko na lamang ako. May nakita akong tumulong tubig sa itim kong sapatos.
Would Akira be disappointed if, after all these years, I didn't pass that stage? I'm still finding that forgiveness within me for how long, but I continuously beat myself up for it instead of forgiving myself.