Chapter 27

1562 Words
CHAPTER 27 RIEUKA Napalingon kami pareho ni Akira sa pintuan ng opisina ko nang bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok mula rito si Damien at inikot ang paningin niya sa loob ng opisina ko. Dire-diretso siyang lumapit sa ‘kin nang mahanap ako ng mga mata niya. “Hey, what happened?” nag-aalala niyang tanong sa ‘kin habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko. Niyakap niya ako at inalo niya ako sa pamamagitan nang paghimas-himas sa buhok ko. Tumingin siya ng masama kay Akira. “Akira!” matigas niyang sabi na may pagbabanta sa tono.  Tinaasan naman siya ng kilay ni Akira. “What? I didn’t do anything.” Napairap si Akira ng hindi siya tinantanan ng masamang tingin ni Damien. “Look Damien, I’m your cousin so believe me if I say that I didn’t do anything to her,” sabi nito habang nakasimangot kay Damien. “It’s not my fault if she is a cry baby,” dagdag pa nito habang nakakunot ang noo na nakatingin sa ‘min. “Why does she look like she cried then?” tanong nito kay Akira. Umirap si Akira. “You’re crazy,” sabi nito bago padabog na inilabas ang mga gamit niya mula sa kaniyang bag. Tumingkayad ako. “She didn’t do anything,” bulong ko kay Damien para hindi niya na patulan si Akira na mukhang tinotoyo na. Napalingon kaming tatlo sa pintuan ng bumukas ito at iluwa nito si Roman. Napatayo si Akira nang makita niyang pumasok si Roman. Dumako ang tingin niya samin ni Damien na magkayakap pa rin at bumalik kay Roman na napatingin na rin sa ‘min ni Damien. Dumako ang tingin niya sa kamay ni Damien na nakapulupot sa ‘kin ng yakap. Tumikhim ako at unti-unti akong lumayo at itinulak si Damien. Inayos ko muna ang sarili ko at baka mamaya ay may luha-luha pa ako sa magkabilang pisngi ko bago ako humarap kay Roman. “Good morning!” bati ko sa kaniya at binigyan ko rin siya ng isang tipid na ngiti. Pinagmamasdan niya ako at si Damien. “Good morning, Rieuka for the second time of the day,” sabi nito bago umupo sa harapan ni Akira. Nagtataka akong tinignan ni Damien pero nginitian ko lamang siya bago ko siya hinila palapit sa sofa. Naunang umupo sa ‘kin si Damien, at nang makaupo na siya ay kinuha ko muna ang mga gamit ko sa kabilang lamesa bago makisalo sa kanila. Hindi ko alam kung ako lang ba pero ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming apat. Magkatabi kami ngayon ni Akira sa sofa habang sa harapan ko ay nakaupo si Damien at sa tabi niya naman nakaupo si Roman. Tumikhim si Akira. “So we’ll stay in the field next week until we finish the project?” panimula ni Akira. Tumango si Damien. “Yes, and it will be better if you finish your remaining project or projects before we completely focus on this one by next week,” sabi niya habang may tinitignan sa laptop niya. “Since the four of us is the main man on this project, I hope that there will be no complex in your schedule during the whole duration of the project,” dagdag pa nito. Inangat ni Damien ang tingin niya sa ‘min. “Does any of you have other projects in hand than this?” tanong ni sa ‘ming apat. “I have, but I’m just an advisor, so it would not affect my schedule for this project,” singit ni Roman habang may tinitipa sa laptop niya. Nagtaas ng kamay si Akira. “I also have another design coming up and a photoshoot,” sabi nito habang tinitignan ang schedule niya sa iPad. “Photoshoot?” singit ko. “Yeah, but that would be at least for a day or two. It won’t be much of a problem,” sagot naman ni Akira sa ‘kin. “Is that the photoshoot for your father’s architectural firm?” tanong ni Roman kay Akira. Nanlaki ang mga mata ni Akira. Halatang nabigla siya sa naging tanong sa kaniya ni Roman o di kaya ay nabigla siya na tinanong siya ni Roman. Tumikhim si Akira at umiwas nang tingin. “Yup, it’s for his firm,” pabulong nitong sagot. Tinapik-tapik ni Roman ng mahina ang lamesa sa tapat ko. “Pwede ka rin sigurong sumama doon, Rieuka. Kasi parte ka na ng pamilya nila, diba?” Hinarap niya ako. “Isn’t it a bright idea?” Nakangiti niyang tanong sa ‘kin. Yumuko ako at nagsalubong ang kilay ko. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil hindi ko alam kung paano ito sasagutin. Ayoko rin namang sumagot dahil ayoko ng lumala pa ang tensyon sa pagitan naming apat. Kay Damien naman niya ibinaling ang atensyon niya ng hindi ako umimik. “Am I right Engr. Hayes? Rieuka is a part of your family now and she’s also your cousin like Akira?” Nakangisi niyang tanong kay Damien. Nakita kong nagkuyom ang kamao ni Damien. Napatingin si Damien sa akin nang hinawakan ko ang kamay niya. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti na nagsasabing ‘ayos lang ang lahat’. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin si Roman sa magkahawak naming kamay ni Damien at napangisi. Tumikhim si Akira sa tabi ko. “I’ll see about that,” simpleng komento nito. “How about you, Cous? Any project other than this?” tanong ni Akira kay Damien. Umiling si Damien. “I don’t have other project coming up, but since I’m the current director on one of the sub-company of my father, I plan to spend three days in the field as well as in the office,” sabi nito habang inabot sa ‘min ang tig-iisang papel. “I’m planning to make the three of you in charge for the days that I’ll be gone. Just tell me what schedule or day do you prefer,” sabi niya habang binabasa namin ang papel na binigay niya. “I’m fine with that. You can make your schedule in the field and the office alternately, so you don’t need to catch up that much with the work,” komento ni Akira na sinang-ayunan rin namin ni Roman. “Ar. Collin, are you handling other projects besides this one?” tanong sa ‘kin ni Akira. Umiling ako. “Don’t worry, I’m already done with my other projects, and I can finish all of the remaining paperwork by this week.” Tumango-tango siya. “Can you fill up my place then during the times that I can’t work on the fiels?” tanong niya sa ‘kin bago nagtipa sa ipad niya. Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na agad si Roman. “How about Diane, Akira? She’s also a great architect, and I’m sure she’ll have time to fill in your place and Riueka’s place during the family firm photoshoot,” singit niya. Napahinga ako ng malalim at napayuko. What was wrong with Roman today? I didn’t remember that he was this disrespectful before and didn’t know when was the right time to make comments and what is the correct statement. Nang hindi kami umimik ni Akira sa pagsingit niya ay si Damien naman ang kinulit niya. “Engr. Hayes, when will Diane come?” tanong nito kay Damien na nagbabaga na ang mga mata habang nakatingin kay Roman. Tumayo ako. “I’ll order my secretary to call her, just in case we also need her.” Palabas na sana ako ng opisina ko nang pigilan ako ni Damien. “I’ll call her,” sabi nito at lumabas na ng opisina ko. Maya-maya ay tumunog ang telepono ko tanda na may nag-message sa akin. Nang tignan ko ito ay nakita kong si Damien ang nag-message sa ‘kin. ‘I’ll just get some fresh air for a while.’ Simpleng mensahe nito. Hindi ko na siya ni-replyan at napahinga na lamang ako ng malalim habang nakatitig sa mensahe niya. Nang lumipas ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming tatlo ay hinarap ni Akira si Roman. “Next time don’t make unnecessary comments about my family,” matapang nitong sabi kay Roman. Nagsalubong ang kilay ni Roman. “What? Wala na rin ba ako ngayong karapatan na magsabi ng opinyon ko?” sabi nito sa galit na tono. Ngumisi si Akira at napailing. “Sharing your opinion and being disrespectful has a very thin line in between, and you just crossed it earlier,” Akira said before she stood up and left my office.    “Tss, I’m not dumb. I know what I’m doing,” bulong nito bago siya humarap sa ‘kin. “Do you like him?” diretsong tanong niya sa ‘kin. “Did you fall for that guy in the states?” mariing tanong niya sa ‘kin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sagot sa tanong niya sa ‘kin. Gusto ko siyang sagutin para matapos na ang lahat ng ito, pero takot ako sa pwedeng mangyari. Umiling ako. “I don’t want to hurt you, Roman,” sabi ko habang nakayuko. Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nakarinig ako ng iilang mura na lumabas sa bibig niya. “That’s bullshit!” sigaw nito bago padabog na lumabas ng opisina ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD