CHAPTER 28
RIEUKA
Kanina pa ako abalang-abala sa pagtratrabaho. Kailangan ko kasing tapusin ngayong linggo lahat ng nakatambak kong trabaho.
Napatingin ako sa phone kong nasa gilid ng computer ko nang tumunog ito. Nang buksan ko ito ay nakita kong may mensahe na pindala si Damien.
‘Lunch???’ Napangiti ako. Isang salita lang at tatlong tandang pananong and mensahe niya pero para na akong tangang nakangiti sa cellphone ko.
Tinignan ko ang orasan sa loob ng opisina ko at alas onse y medya na pala ng umaga.
Napahinga ako ng malalim nang mapatingin ako sa mga kailangan kong tapusin ngayong araw para hindi ako matambakan sa susunod na mga araw.
'Let's just have dinner later. I'm still finishing up some things.'
Ipinadala ko sa kaniya ang mensahe ko bago ako seryosong bumalik sa pagtratrabaho. Hindi na rin naman siya nag-reply kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang muna siya.
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok dito.
“Come in,” sigaw ko sa kumakatok habang titig na titig pa rin ako sa monitor ng computer ko.
Pumasok si Abby sa loob ng opisina ko. Paghinto niya sa may harapan ko ay may nilagay siyang isang tray sa gilid ng lamesa ko.
Sumilip ako sandali sa dala-dala niya. “What’s that?” tanong ko bago ko muling ibalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
“Lunch po. Pinabibigay po sa inyo ni Engr. Hayes.” Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Nag-aalala raw po kasi siya na baka makaligtaan niyo na naman ang pagkain dahil sa nakatambak mong trabaho.”
Sumilip ako sa pinto para tignan kung nandoon pa siya sa labas. Magpapasalamat sana ako kung andiyan pa siya.
Napansin ata ni Abby ang pagsilip ko sa may bandang pintuan kaya nagsalita siya. “Umalis na po siya, Ar. Ayaw daw po niya kasi kayong istorbohin.” Nakangiti niyang sabi sa ‘kin.
Tumikhim ako. “Thank you! You may leave now,” sabi ko na parang wala lang sa ‘kin ang ginawa ni Damien kahit na sa kalooblooban ko ay gustong-gusto ko nang buksan ang pagkaing ipinadala niya.
Tinusok ako ni Abby sa tagiliran. “May something na kayo ni Engr. Hayes no,” pang-aasar nito sa ‘kin.
Sinamaan ko siya nang tingin. Napatikhim naman siya nang makita niyang masama na ang tingin ko sa kaniya.
“Sorry po, Ar,” sabi nito bago nagmamadaling lumabas ng opisina ko.
Nang makalabas na siya ay napailing na lamang ako. If she only knew how much I also wish to be with him, she might die out of excitement.
Pinagpatuloy ko ang pagtapos sa trabaho ko, pero paminsan-minsan ay napapatingin ako sa ipinadalang pagkain sa ‘kin ni Damien.
Napahinga ako ng malalim. I’ll just finish my work later, I’ll eat first. Sa takip ng lalagyan ng pagkain ay may nakadikit na dilaw na sticky note.
'Hope that this will boost your mood.' He wrote it in neat cursive penmanship, and he even added a smiley face at the end of the note.
Ngiting-ngiti kong binuksan ang Tupperware na naglalaman ng pagkain. Nang buksan ko ang ipinadala niyang pagkain sakin ay halos maging hugis puso na ang mga mata ko. Damien always knew what food I like to eat when I’m stressed out.
Kinuha ko ang kutsara’t tinidor para tikman ito. Hala, ansarap. Tamang-tama yung anghang sa panlasa ko.
Ganito yung gusto kong anghang sa pagkain. Hindi siya ganoon kaanghang sa umpisa kapag kinain mo, pero may mainit kang mararamdaman sa bibig mo kapag nakarami ka na.
Paubos ko na ‘yong ipinadala niyang pagkain ay hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe.
'Thanks for the meal. This Spicy Sesame Rice Bowl is the best mood booster that I've tasted.'
I was about to click the arrow next to my message when I had a better idea. I should say thank you in person for him to know that I'm really thankful for the meal.
Nagmamadali akong ubusin ang pagkain ko ng may ngiti sa labi ko. Niligpit ko ang pinagkainan ko at nag-retouch muna ako ng make-up bago ako lumabas ng opisina ko.
“Abby, I’m just going to stop by somewhere,” sabi ko sa kaniya nang makita ko siyang nakaupo sa pwesto niya.
Ngiting-ngiti siya nang inangat niya ang tingin niya sa ‘kin. “Magpupunta po ba kayo sa nagpadala ng lunch niyo, Ar.?” usiserang tanong niya sa ‘kin.
“Nope, I’m about to pass your letter of resignation to Mr. Hayes,” sabi ko sa mapang-asar na tono bago ko siya tinalikuran.
“Si Architect talaga masiyadong palabiro,” pahabol nitong sigaw sa ‘kin bago ako tuluyang makalabas ng opisina ko.
Hindi ko na lamang siya pinansin at dire-diretso na lamang akong naglakad papunta sa elevator.
Ang alam ko ay sa palapag ng opisina ni Tito Fidel ang siyang pinaglagyan maging ng opisina ni Damien dito sa gusali. Hindi kasi pumayag si Tito Fidel na makihati lang sa ‘kin si Damien ng office.
Hindi na ako umangal kasi pabor rin naman sa ‘kin na mapalayo kahit papaano kay Damien, para mas makapag-focus kaming dalawa sa trabaho.
Nagkibit balikat na lamang ako at pinindot ang palapag ng opisina ni Tito Fidel.
Nanlaki ang mga mata ko ng hindi ko inaasahan kung ano ang aabutan kong kaganapan pagbukas ng elevator.
Pagbukas ng elevator ay nandoon si Momma sa gitna at parang may inaanunsyo habang sa paligid niya ay nandun sina Akira, Damien, Tito Fidel, at maging si Roman.
Dumapo ang tingin sa ‘kin ni Momma. “Oh she’s here.” Tinuro niya ‘ko.
Napatingin sa ‘kin lahat ng tao na nasa palapag na ‘yon. Nang makita nila ako ay nagbulungan sila.
Nakita ko rin ang pagbulong ni Akira kay Damien at itinuro ako ni Akira rito bago siya lumapit sa ‘kin.
“Why are you here?” pabulong na tanong sa ‘kin ni Damien.
Sasagot na sana ako kay Damien ng bigla akong hilahin ni Momma palapit sa kaniya.
“Mom, what’s happening?” tanong ko sa kaniya, pero sa halip na sagutin niya ako ay hinila niya ako papunta sa gitna ng mga nagkukumpulang empleyado.
Nang nasa gitna na kami ay nakangiting hinarap ni Momma ang mga tao.
"My daughter is back from studying at the state. She'll soon inherit the properties from her Father." Pinalibot niya ang tingin niya sa mga tao.
"So you don't have any choice but to give us the same amount of respect that you gave to Ar. Auclair, Engr. Hayes, and Mr. Hayes, because we are a family, therefore we have a fair share of power in this company." Tinignan niya ako. "Right, Ar. Collin?"
Iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya at napangiti ng mapait. Now were doing this? I couldn’t believe that Mom was this thick faced until this moment.
“You’re dismissed,” sabi nito sa mga tao ng hindi ko siya sinagot.
Nag-alisan na ang mga nakapalibot sa ‘min. Binawi ko ang kamay kong hawak-hawak ni Momma at lumayo ako ng kaunti sa kaniya.
Nang makabalik na sila sa kaniya-kaniya nilang pwesto ay lumapit sa ‘min si Tito Fidel.
"Can we talk inside my office?" tanong nito kay Momma.
Tinawag niya rin ang atensyon ni Damien at ni Akira. Nakayuko naman akong nakasunod kay Tito Fidel dahil sa kahihiyan.
“I’m sorry, Tito!” sabi ko pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng office niya.
“You don’t have to, iha,” sabi niya at tinapik ang balikat ko. Hinarap niya si Momma. “What happened, Sherilyn? Why were you causing a ruckus earlier?” tanong ni Tito Fidel kay Momma.
Nanatili lamang akong nakyuko dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ni Momma kanina.
“I was just trying to find Rieuka’s office and they disrespected me,” sabi ni Momma bago padabog na umupo sa sofa na nasa gitna ng opisina ni Tito Fidel.
“They should know how powerful I am and my daughter in this company,” mayabang nitong sabi. “That’s what they get after disrespecting me.” Pinagkrus niya ang mga braso niya sa kaniyang dibdib.
"You shouldn't do that next time. You’re delaying their work because of personal issues, Sherilyn,” sabi ni Tito Fidel kay Momma sa seryosong boses.
"What do they get, Mom? Another reason why they'll bad mouth me and talk about me when I'm not here?" Hindi ko makapaniwalang sabi kay Momma.
Hindi ako pinansin ni Momma. Inikot niya lamang ang mga mata niya at umayos nang upo sa sofa.
Naramdaman ko ang paglapit ni Damien sa likod ko. Hinimas-himas niya ang likod ko para pakalmahin ako.
“And to top it all off, we both know that you know where’s my office is located, Mom,” sabi ko sa galit na tono. “Nakapasok ka pa nga doon ng hindi ko alam, eh.”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Why are you accusing me? I’m your Mom, Rieuka,” she shouted at me.
"Yes, you're my Mom, but please at least have some decency." Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop spreading false information about your so-called family and me. I'm not buying it, Mom. I will never be a part of it," matigas kong sabi.
Napapikit ako nang makita ko ang kamay ni Momma na umangat at palapit na ito sa pisngi ko. Hinihintay ko itong tumama sa pisngi ko, pero lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin ito tumatama.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang kamay ni Damien na nakahawak sa kamay ni Momma.
“That’s enough, Tita,” sabi ni Damien na nasa likod ko habang hawak-hawak niya ang kamay ni Momma.
Galit na binawi ni Momma ang kamay niya mula kay Damien. “How dare you!” sigaw nito sa ‘min ni Damien.
"Stop using me as your weapon and shield, Mom. And please stop using your mother's card at me. I'm tired of pretending that it is effective," I said before I turned my back at her.
“I’m sorry,” sabi ko kay Tito Fidel at kay Akira bago ako nag-walk out paalis sa lugar na ‘yon habang may nagbabantang luha sa gilid ng mga mata ko.