CHAPTER 29
RIEUKA
Paglabas ko ng opisina ni Tito Fidel ay naglingunan sa ‘kin ang mga tao at nagbulungan sila. Ipinagsawalang bahala ko na lamang sila at dire-diretso akong naglakad papunta sa elevator.
Nagmamadali ako sa pagsakay ng elevator at pinagpipindot ko ng sunod-sunod ang close door button sa pagbabakasakaling mapapabilis nito ang pagsara ng pinto.
Halos isang dangkal na lamang ay magsasara na ang elevator ng may biglang humawak na kamay sa pagitan nito. Bumukas itong muli at pumasok siya ng hindi inaalis ang tingin sa ‘kin.
Mariin niya akong tinititigan habang pinipindot ang ground floor. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at sinubukan kong abutin ang mga pindutan pero pinigilan niya ang mga kamay ko.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya na naging sanhi ng muling pagtatama ng mga mata namin.
Dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin at ikinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap nang sumara ang pinto ng elevator.
Walang nagsasalita sa aming dalawa, pero sapat na ang mapayapang katahimikan na naka paligid sa ‘min para maramdaman kong ligtas ako sa gitna ng mga bisig niya.
Patuloy lamang siya sa pagpindot ng close door button habang magkayakap kami para hindi huminto ang elevator sa ibang palapag, at para na rin walang ibang makapasok sa loob.
Tinuro ko sa kaniya ang CCTV na nakalagay sa gilid ng bubong ng elevator. “Hindi ba nila tayo makikita? Baka mapagalitan tayo kasi ayaw natin magpapasok ng iba,” bulong ko habang nakayakap sa kaniya.
“Nakalimutan mo na ba, Zy? Our family own this building, it would took them a lot of courage to attack me here,” pagmamayabang niya. Napairap na lamang ako dahil sa kahanginan niya.
“Kidding aside. Do you want to go somewhere?” tanong niya. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng panga niya na nakapatong sa ibabaw ng ulo ko.
Umiling ako at napahinga ng malalim. “As much as I want to leave here, I still have so much to do in the office.”
“I’ll just help you then,” sabi niya bago pinindot ang numero ng palapag ng opisina ko.
Lumayo siya ng kaunti sa ‘kin pero hindi niya pa rin ako pinapakawalan mula sa pagkakayakap niya. “Kumain ka na?” tanong niya habang nakayuko sa ‘kin para magtama ang mga mata namin.
Ngayon ko lang napansin ang pagkakalayo ng tangkad namin, na kahit pala matangkad ako ay di hamak na mas matangkad pa rin siya sa ‘kin.
Tumango ako. “Yup, I actually came there to say thank you.” Binaon ko ang ulo ko sa dibdib niya at yinakap ko siya ng mahigpit. “But I wasn’t able to do so. So, Thank you so much, for everything!” bulong ko.
“Did it taste good?” tanong niya na may tunog kagalakan.
Tumango ulit ako. “Yup, it’s perfect for my taste. We should order it again next time.”
“I’m sad to say, Zy, but we can’t order it again.”
Kumunot ang noo ko. “Why? Where did you buy it?”
“I didn’t buy it.” Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “I was the one who cooked that.”
Napabitiw ako sa yakap niya at nilayuan ko siya. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala ko siyang tinignan. “For real?” kumpirma ko pa.
“Yep, the one and only me.” Kinindatan niya ako.
Pinagkrus ko ang mga braso ko sa may dibdib ko. “At kelan ka pa natutong magluto Mr.?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagkibit balikat siya. “I’ve practiced cooking after I came back here in the Philippines.” Kumunot ang noo niya. “Wala na kasing nagluluto para sa ‘kin, kaya ako na ang nag-adjust,” pagpaparinig pa niya.
Napangiti na lang ako sa mga hirit niya at napailing-iling. “At least you’ve learned how to cook, right?” Tinaasan ko siya ng kilay. “But I still need to see that with my own two eyes before I believe you.”
“Want to see it now?” Nakangiti niyang tanong sa ‘kin.
Binatukan ko siya. “I’ve already told you that I need to finish some things today.” Sinimangutan ko siya.
Tinuro ko ang bumukas na elevator. “We’re here,” sabi ko bago ko siya hatakin palabas ng elevator.
Nagmamadali ako habang hinihila ko siya at baka mamaya ay may makakita pa sa ‘min na magkasama at pag-usapan na naman kaming dalawa.
Mahirap na at baka wala pang matapos na trabaho ang mga tsismosa na ito sa kauusap tungkol sa buhay ng ibang tao na hindi naman na nila dapat pinapakealaman pa.
Nagmamadali kong binuksan ang pintuan ng office ko. Nag-iwan ako ng maliit na awang para silipin kung may nakakita ba sa ‘min ni Damien bago ko ito tuluyang isinara.
Pagharap ko kay Damien ay muntik na akong atakihin sa puso. Sa halip kasi na si Damien ang makita ko ang nakakatakot na mukha ni Abby ang nakita ko.
Kung swineserte ka nga naman talaga. Kahit anong tago ko sa mga tsismosa sa labas, mayroon pa pala akong isang kailangan lagpasan. That’s the first stage and this was the second and final stage.
Ngiting-ngiti siya ngayon habang palipat-lipat ang tingin sa magkahawak na kamay namin ni Damien, dahil sa paghila ko sa kaniya kanina.
Tumikhim ako. Hindi pa pala ako bumibitaw sa kaniya simula nang pumasok kami dito.
Pasimple akong bumitaw kay Damien. “We’ll talk for a while to clarify some things,” paliwanag ko kay Abby.
Baka mamaya ay kung saan-saan na naman lumipad ang utak niya kapag hindi ako nagbigay ng matinong eksplenasyon. Wala pa namang limitasyon ang imahinasyon niya.
“Hmm?” Nakangiting humarap sakin si Abby. “Talk about what? Personal stuffs?” Halos maghugis puso na ang mga mata ni Abby sa kakatingin sa ‘ming dalawa ni Damien.
Sa halip na patulan ko ang mapang-asar niyang tanong at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin ay hinila ko na lamang si Damien papasok ng opisina ko.
Pinanlakihan ko ng mata si Abby, at binigyan ng ‘watch your mouth’ look bago ko nagmamadaling itulak si Damien papasok.
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makapasok na ako sa opisina ko. Daig ko pa ang nag-marathon sa sobrang bilis nang paghabol ko sa hininga ko.
“So, what are the things that you have to do?” Damien asked while he roamed around my office.
Pumunta ako sa lamesa ko at binuksan ang laptop ko. Nang bumukas na ito ay iniharap ko ito sa kaniya.
“I’m planning to finish this one today so that I can start with another work tomorrow,” sabi ko habang lumalapit ako sa kaniya. Ipit-ipit ko sa isang braso ko ang laptop na gamit ko para sa trabaho at sa kabilang kamay ay ang cellphone ko na pangtrabaho lang din.
I’ll help you so that we can have an early dinner later,” he said while sitting beside me.
Nagtataka ko siyang tinignan. Kanina lang ay nakaupo siya sa harapan ko at hindi ko makita ang magandang dahilan kung bakit siya tumabi sa ‘kin ngayon kahit maayos naman na ang pwesto niya kanikanina lamang.
Tinuro ko ang upuan sa tapat ko. “Aren’t you going to sit there?”
Umiling siya at ngumiti sa ‘kin ng makalaglag panty. “Nope, I prefer to sit beside you than in front of you,” sabi niya habang tinutulungan akong ayusin ang mga papel na nakakalat na lamesa ko.
Nagkibit balikat na lamang ako sa naging komento niya at ibinaling ko ang atensyon ko sa aking trabaho.
“I’m sorry for this mess,” hingi ko ng paumanhin nang malinis na niya ang lamesa.
Natawa siya. “What’s that? You know that I’m already used to seeing your mess,” he said, and he patted my head while still smiling from ears to ears.
Nakita kong nagsalubong ang kilay niya nang takpan ko ang bibig niya. “Stop smiling like that. I don’t want to die from a heart attack, Damien. Not yet,” pabiro kong sabi.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa sinabi ko.
Natatawa siyang napailing-iling. Napahawak pa siya sa kanang dibdib niya bago ibinalik ang atensyon sa laptop ko. “Let’s start?” tanong niya habang nagsisimula nang basahin ang mga nakasulat sa screen ko.
Tinanguan ko lamang siya at pinagpatuloy ko na ang paggawa sa trabaho kong kanina ko pa ipinagsasawalang bahala.
Alas sais y medya na rin kami ng gabi natapos ni Damien sa paggawa ng trabaho ko.
Nag-inat ako. “At last we are done,” sabi ko bago ako napahikab. “I’m sleepy,” bulong ko. Ipinikit-pikit ko ang mata ko at pasimpleng idinantay ang ulo ko sa balikat ni Damien.
“Kanina ka pa chumachansing ah. Nakahahalata na ako,” sabi ni Damien sa nang-aasar na tono.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. “Ikaw nga may payakap-yakap ka pa kanina. Kunwari gusto akong i-comfort pero ang totoo gusto lang makaisang yakap sa ‘kin—“
Tinakpan niya ang bibig ko. “Shh, that’s my secret,” he whispered as if it’s his top secret.
Natatawa akong tinapik ang braso niya para pakawalan niya na ang bibig ko.
“Manyak,” bulong ko bilang pang-asar pa sa kaniya.
“Gustong-gusto mo naman,” ganti nito pabalik.
“Aww, Zy!” sigaw nito ng kurutin ko siya sa tagiliran.
Kiniliti niya naman ako bilang ganti. “Stop it, Damien. Para kang bata,” sabi ko habang tinatapik-tapik ang kamay niya tanda ng pagsuko.
“Let’s eat dinner now?” tanong ko nang mahimasmasan na kami. Halos kalahating oras na rin kasi kaming naghaharutan sa loob ng opisina ko.
Baka mamaya ay hindi pa pala umuuwi si Abby at makita niya pa kami ni Damien dito na naghaharutan.
He looked at his wrist watch. “Yeah, we should. Para makapagpahinga ka na rin,” sabi niya habang nililigpit ang lamesang ginamit namin.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa upuan ko. Hinintay ko siyang tumayo bago ko ikawit ang braso ko sa braso niya.
“Are you exercising? Your muscles feel more pumped now than before,” sabi ko habang pinipindot-pindot ang biceps niya.
Napailing na lamang ako ng sa halip na mahiya siya dahil sa komento ko ay lalo lamang niyang flinex sa ‘kin ang biceps niya.
“Yabang.” Kinurot ko siya muli sa tagiliran.
We got out of the elevator when it stopped on the first floor of the building.
Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa ‘kin. “Ar. Collin,” sigaw ni Akira habang naglalakad siyang papalapit sa ‘min.
“Hm? What is it?” tanong ko sa kaniya.
Nakita kong napatingin siya sa nakakapit kong braso kay Damien. “Nothing,” bulong nito bago umiwas ng tingin sa ‘min at napatingin siya sa may bandang gilid niya.
Noon ko lamang napansin na may kasunod pala siya sa likod niya. Dalawang metro mula sa kinakatayuan namin ni Damien ay nakasalubong ko nang tingin ang mapanghanap na mata ni Roman.
Matalim ang titig niya sa braso ni Damien na hawak-hawak ko, pero hindi kagaya ng mga naunang pagkakataon na nakikita niya kaming magkasama, sa halip na bitawan ko si Damien ay lalo kong hinigpitan ang hawak ko rito, at matapang akong nakipagpalitan nang tingin kay Roman.