CHAPTER 30
AKIRA
Napahikab ako sa sobrang antok. Ilang araw na kasi akong napupuyat sa kakatrabaho kaya ngayon ay hinahanap-hanap na ng katawan ko ang tulog.
Nandito ako ngayon sa bar at para akong nanay na naghihintay sa anak niya. Hinihintay ko na matapos mag-emote ang kasama ko dahil sa nangyari sa kaniya kani kanina lamang.
*FLASHBACK TWO HOURS EARLIER*
Alas syete na ng gabi. Kanina pa dapat ako mag-oout kaso may nakalimutan akong gawin. Bukas pa naman na ang pasahan noon kaya hindi ko na pwedeng ipagpaliban pa.
Tinakpan ko ang bibig ko nang mapahikab ako sa may hallway. Naglalakad ako ngayon sa hallway habang linilibot ko ang paningin ko para makahanap ng restaurant na pwedeng i-take out na pagkain.
Ano kayang masarap kainin ngayon? Napahinga ako ng malalim ng wala akong nagustuhan sa mga nakahanda nilang pagkain.
“Akira!” Napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag ng pangalan ko.
Kumunot ang noo ko nang wala naman akong nakitang pamilyar sa ‘kin ang mukha.
Nagkibit balikat na lamang ako at nagsimula na lamang maglakad.
“Akira, woy.” Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa 'kin at may humawak sa magkabilang balikat ko. Nang lingunin ko ito ay nakasalubong ko ang mga mata ni Roman.
Inalis niya ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabila kong balikat. “Hindi mo ba ako naririnig? Tinatawag kita mula doon,” tanong niya sa ‘kin at may itinuro siyang pwesto na hindi ko naman pinagkaabalahan pang tignan. .
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
Nagtataka pa rin ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung totoo ba ito o imahinasyon ko lamang ulit ito.
Nagsalubong ang kilay ni Roman ng dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya. Tinapik-tapik ko pa ito para siguraduhin kung siya nga ang kaharap ko.
Hinawakan niya ang noo ko. “What are you doing? Are you sick?” tanong niya habang magkasalubong ang mga kilay niya.
Umiling ako. “No, no. Medyo inaantok lang kaya medyo lutang,” palusot ko habang nakangiti ng peke.
Apakatanga ko talaga. Isipin mong hinwakan ko pa ang pisngi niya para lamang siguraduhin kung totoo siya. Kung hindi nga ba naman ako nawawala sa katinuan, oh.
Akala ko alak na ang pinakadelikado sa mundo, antok pala.
“What are you doing here?” tanong ko para maiba ang usapan namin.
Lumingon siya sa elevator na pinanggalingan ko. “Hinihintay ko lang si Rieuka. I have something to give to her,” he said and raised his paper bag on her right hand para ipakita sa ‘kin.
It was a small white paper bag with butterflies as design.
Pasimple ako sumilip sa paper bag pero hindi ko pa rin nakita kung ano ang laman nito. “What’s that?” sabi ko habang sinisilip ko pa rin ang loob ng paper bag,
Inilayo niya na sa ‘kin ang paper bag at itinago ito sa likod niya. “Nothing. It’s just a simple gift,” sabi niya bago yumuko na parang batang nahihiya.
Nakita kong namula ang mga tenga niya. Napangiti na lamang ako ng mapait habang pinagmamasdan siyang namumula.
"Nothing my face. You're ears are showing it all," pang-aasar ko sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Pinindot-pindot ko pa ang mga namumula niyang tenga.
Napailing ako ng hindi man lamang siya makasagot sa pang-aasar ko. “Upo muna kaya tayo doon habang hinihintay siya,” sabi ko bago ko siya hilahin papunta sa bench na malapit sa ‘min.
Nang makaupo na kami ay hinimas-himas ko ang nangangawit kong mga paa. Kanina pa kasi ako kung saan-saan nagpupunta. Mataas pa naman ang takong na suot-suot ko ngayon dahil ito ang bagay sa dress na suot-suot ko.
Inilabas ko ang cellphone ko. “Should I text her?” tanong ko habang pinapakita sa kaniya ang phone ko.
Umiling siya. “Nah, let’s just wait for her here?” He looked at the paper bag he was holding before he looked at me. "Palabas na siguro 'yon." Nakangiti niyang sabi habang ngiting-ngiting nakatingin sa regalo niya kay Rieuka.
Tumango ako. “Okay,” sabi ko bago ibalik ang cellphone ko sa aking bag.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya sa ‘kin pero ang atensyon niya ay nasa may elevator.
Umiling ako. “Samahan muna kita habang wala pa si Rieuka.” Napangiti ako ng mapait.
Dito naman ako magaling eh, ang samahan siyang maghintay ng ibang tao kahit ako ang mas malapit sa kaniya.
Tumingin siya sa' kin. "Thank you!" he said and immediately looked at the elevator again.
That should be fine for me, right? At least the two of us are still talking, unlike other ex-couples that were dissing each other on social media.
Napatayo ako nang makita ko sa gilid ng mata ko ang paglabas ni Rieuka sa elevator. ”She’s here.” Tinuro ko kay Roman ang elevator na nilabasan ni Rieuka.
Hindi ko na napigilan si Roman na lumapit sa kanila, dahil uli na bago ko makita ang mag-krus na braso ni Damien at Rieuka.
Napayuko ako nang mapansin ko ang pagtago niya sa dala-dala niyang paper bag sa likuran niya habang nakakuyom ang kaniyang kamao at nakatingin ng masama sa braso ni Damien.
*END OF FLASHBACK*
“That fucker,” mura ni Damien habang tinutungga ang isang baso ng alak. “How dare him take Rieuka away from me,” reklamo nito.
Napailing na lamang ako at sinubukan kong kunin sa kaniya ang basong hawak-hawak niya.
“You should stop now. You’re already drunk,” sita ko sa kaniya.
Umiling siya at tumawa. “I’m not drunk. Rieuka’s the one who is drunk.” Umiling-iling siya. ”No, no, no! She’s not drunk. She’s just blinded by him,” sabi nito at tumawa.
Ang tawa niya ay unti-unting humina at nawala, dahil nabahiran na ito nang paghikbi.
“Damn, I even bought something special for her today, because I know that she had a rough day.” Tumawa siya ng sarkastiko. “If I only knew that he will be with that man," he paused and wiped his tears. "Kung alam ko lang edi sana pampamanhid na lang ang binili ko,” sabi niya bago padabog na binitawan ang paper bag na kanina pa niya hawak-hawak.
Tinapik-tapik ko ang likod niya. “Come on, Roman. Everything will be fine.”
He shrugged. "Hope so," bulong nito.
Pinalo ko ang braso niya. “Ano ka ba, Damien. Malalagpasin mo rin iyan. It's just a heart break, kaya mong buuin ulit yan. You’re a fighter, right?" tanong ko sa kaniya.
Tumango siya. "Keep fighting then." Hinila ko siya at yinakap ng mahigpit. Unti-unti, dahan-dahan at sobrang sakit sa puso ang pagdamay ko sa kaniya ngayon araw. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko.
It pained me to see him like this, but it pained me more that I can't do anything because I'm not his happy place anymore.