Chapter 31

2324 Words
CHAPTER 31 RIEUKA Tahimik kaming sumakay ni Damien sa sasakyan. Pinagmamasdan ko lang siya. Wala siyang imik habang inaayos ang seatbelt ko. “Where are we going to eat?” basag ko sa katahimikang pumapalibot sa ‘min. Nagkibit balikat siya. “What do you want to eat?” malamig niyang sabi sa ‘kin. Hmm, ano bang masarap kainin ngayon? I’ve been eating healthy meals this past few days, and I missed eating my favorites. “I’m craving for something like a burger or pizza.” Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng masama. Sa halip na magbigay siya ng kumento ay nagbuntong hininga na lamang siya at ibinalik ang atensyon sa daan. Nagtataka ko siyang nilingon. Ano na naman kayang masamang elemento ang sumapi sa kaniya at ganiyan ang naging reaksyon niya. Nakanguso ako sa buong byahe namin. Paano ba naman ay matapos noong una niyang tanong ay hindi niya na ako muling kinausap. Ayos naman kaming dalawa kanina sa opisina ko. Nag-aasaran pa nga kami. Bakit kaya biglang naiba ang disposisyon niya? Nang huminto kami sa isang malaking mall ay naghanap muna siya ng mapaparadahan. Napansin ko ang kamay niyang nakapatong sa gear selector habang pumaparada siya sa isang bakanteng pwesto. Pinindot-pindot ko ang kamay niyang nakapatong sa gear selector para magpapansin. Umaasang baka sakaling kausapin niya akong muli. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan nang alisin niya ang kamay niyang nakapatong sa gear collector. Pinatay niya na ang makina ng kaniyang sasakyan. Sinadya kong hindi sumunod sa kaniya pababa. Ipinagkrus ko ang aking mga kamay sa aking harapan habang pinagmamasdan siyang naghihintay sa aking lumabas ng sasakyan. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago humakbang papunta sa passenger side ng kotse at pagbuksan ako ng pinto. Tahimik siya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Kahit isang salita ay walang lumalabas sa kaniyang labi. “I’m not hungry anymore,” matapang kong sabi sa kaniya kahit na ang totoo ay gusto ko lang naman siyang makausap. “Come on, Zy. Get out of the car. I’m already hungry,” sabi niya habang tinatanggal ang pagkaka-seatbelt ko. “I didn’t eat lunch earlier,” he added. Wala na akong nagawa kundi bumaba ng kaniyang sasakyan. Baka naman mamaya ay totoong nagugutom na siya. Ayoko namang ma-guilty kapag nalipasan siya ng gutom, ano. Tahimik akong naglakad sa tabi niya. Hindi ko alam kung saan kami kakain. Wala naman kasi siyang sinabi sa akin. Ang alam ko lang ay kung ano ang kakainin namin. Kaya ayon wala akong ibang pagpipilian kundi sumunod lamang nang sumunod sa kaniya. Nang pumasok siya sa loob ng restaurant ay pumasok na rin ako kasunod niya. Para lang naman akong asong nakabuntot sa kaniya. Mabuti na lamang at wala masyadong tao ngayon sa mall kaya hindi na namin kailangang maghintay pa ng mauupuan. Wala naman kasi kaming reservation kaya kung maraming tao ay wala kaming choice kundi maghintay. Lumapit sa amin ang isang waiter para tanungin ang order namin. He ordered an eight-inch pizza and two burgers, just like what I requested earlier. Nilingon niya ako. “Do you want to add something?” “Pasta,” simpleng sabi ko bago ko iniwas ang tingin sa kaniya. Tinanguan niya lang ako at muling binalik ang kaniyang atensyon sa waiter. Buong oras na nasa loob kami ng restaurant ay hindi kami nag-iimikan. Napapabuntong hininga na lamang ako sa inis ng kahit isang beses ay hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin. Magkasalubong lang ang kaniyang mga kilay habang kumakain na para bang gusto niyang patayin ulit ang luto ng baka sa kaniyang burger. “Let’s go?” aya niya sa ‘kin nang matapos na kaming kumain pareho. Napayuko ako. Ayoko pang umuwi. Sigurado akong hindi ako makatutulog kakaisip sa kung anong kasalanan ko at ang lamig-lamig nang pakikitungo niya sa ‘kin. Umiling ako. “I’m planning to buy grocery stocks…” Tinaas ko ang tingin ko sa kaniya. “Wala na akong stocks sa condo,” palusot ko. “Okay,” simpleng sabi niya sa ‘kin. Nang matapos siyang magbayad ay tumayo na kaming dalawa at lumabas ng restaurant na kinainan namin. Kung kanina ay ako ang nakasunod sa kaniya papunta sa restaurant ngayon naman ay siya ang nakasunod sa akin habang naggro-grocery. Kanina pa kami paikot-ikot sa loob ng grocery store pero halos wala pang laman ang cart na tulak-tulak ni Damien. Ang totoo kasi niyan ay mayroon pa talaga akong stocks sa bahay. Ayoko lang talagang umuwi nang pakiramdam kong hindi kami okay kaya ako nag-aya dito. Hindi kasi ako patutulugin ng isip ko sa kakaisip kung saan ako nagkamali. Canned goods na lang siguro ang bibilhin ko tutal matagal naman ‘yun masira at wala rin talaga akong stock na ganoon. Pumunta ako sa hilera ng mga canned goods. Tahimik namang nakasunod sa akin si Damien pero bakas pa rin ang inis sa kaniyang mukha. Kumuha ako ng tig-iisa ng mga nakita kong mukhang masasarap na de lata. Nilingon ko ang cart para tignan kung gaano na karami ang nakuha ko. Nagtaka ako ng wala akong makitang kahit isang de lata rito. Nagtataka kong inangat ang tingin ko kay Damien. He just shrugged his shoulders when our eyes met and pushed the cart passed at me. Pumunta siya sa parte kung saan nakalagay ang mga frozen na pagkain. He remained silent while he was busy getting meats and vegetables and putting them in the cart. Nanatili naman akong nagmamasid sa kaniya habang abalang-abala siya sa pagpuno ng cart ko. Pinigilan ko siya ng halos mapuno niya na ang cart ko ng kung ano-anong hindi ko naman kailangan. “That’s enough, Damien. Hindi ko naman mauubos lahat ‘yan at baka masira lamang dahil hindi naman ako madalas magluto,” awat ko sa kaniya. “I’ll cook for you, then,” he simply said before turning back his attention to my cart. Kung mayroon lang sigurong langaw sa loob ng mall ay kanina pa ito pumasok sa bibig ko. Paano ba naman ay napanganga ako sa gulat dahil sa sinabi niya. He’ll cook for me? Kahit ‘yon lang ang sinabi niya ay naramdaman ko ang iba’t ibang uri ng hayop na naglalaro sa tiyan ko. Hindi ko na namalayan na ngiting-ngiti na pala ako habang pinagmamasdan siyang mamili. Nang sa wakas ay matapos na siya sa pagho-hoard ng mga tinda sa grocery ay dumiretso na siya sa may counter. Aabot ko na sana ang card ko sa kahera nang maunahan ako ni Damien. “I’ll pay,” sabi niya ng hindi man lang lumilingon sa ‘kin. Bagsak ang balikat ko habang nakasunod sa kaniya papunta sa parking lot. Ambilis naglaho ng kasiyahang nadarama ko kani-kanina lamang. Wala naman kasi akong ginawang mali bakit ba ganiyan na lang siya kung umakto ngayon. Inilagay niya sa likod ng kaniyang sasakyan ang mga pinamili namin. Sa halip na pumasok sa may passenger’s seat ay mas pinili kong manatili sa labas. Akmang papasok na siya sa loob ng passenger’s seat nang mahuli ako ng mga mata niyang nanatili sa labas ng kotse. “Get in, Zy,” utos niya sa ‘kin. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Inilahad ko sa kaniya ang aking kamay. “Give me some cash. I don’t have any cash with me. Babayaran ko bukas…” Iniwas ko ang tingin ko sakaniya. “I’ll just take a cab from here,” wala sa sariling sabi ko. “What are you talking about?” naguguluhan niyang tanong sa ‘kin. “I don’t want to make you uncomfortable…just…please give me cash so I can go home,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ko siya matignan sa mga mata niya. Natatakot akong makita niya ang nagbabadyang mga luha sa gilid ng aking mga mata. He sighed heavily and walked towards me. He opened the door and guided me to come inside his car. Hindi ko siya sinunod at nagmatigas ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. “What is it, Zy? Care to explain?” Tinignan ko siya ng masama. “Why are you acting like I’m the one who has a problem?” singhal ko sa kaniya. “I just want to know why you’re acting like this? Why do you want to ride a cab all of a sudden when I have a car?” he asked. “Why are you acting so cold to me? Why aren’t you even looking at me? Why aren’t you talking to me?...Bakit ka ganiyan? Okay naman tayo kanina, ah,” sunod-sunod kong tanong sa kaniya na naging dahilan nang tuluyang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Shh, Zy. I don’t want to see you cry,” he said while wiping my tears. “You’re the one who’s making me cry,” pang-aakusa ko sa kaniya. He hugged me. “I’m sorry,” sabi niya habang hinahagod ang likod ko. “I’m just…I know I’m not in a position to….” Bumuntong hininga siya. “Let’s just talk when we get home,” he said before letting me go and guiding me to go inside the car. Hindi na ako nakipagmatigasan sa kaniya at sumakay na ako sa kaniyang sasakyan. Pagala-gala ang tingin ko sa loob ng sasakyan. Hiyang-hiya ako sa naging reaksyon ko kanina. May ‘I’ll just take a cab’ at paiyak-iyak pa akong nalalaman sa isang yakap at ‘I’m sorry’ lang pala bibigay na ako. Nang makaparada na kami sa parking space kung nasaan ang condo ko ay bumaba na kaming dalawa ng kotse. Bitbit niya ang mga pinamili ko este niya kasi siya ang namili habang nakasakay kami sa elevator. Nakayuko lang ako habang hinihintay ang floor kung nasaan ang condo ko. Hindi ko maiangat ang tingin ko dahil sigurado akong magtatama ang mga mata namin kung titingin ako sa pinto ng elevator. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nawawala ang kahihiyang nadarama ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Nang makapasok na kami ng condo ko ay dumiretso siya sa may kusina. Nagtataka niya akong nilingon nang pagbukas niya ng refrigerator ko ay halos puno pa ito ng mga pinamili ko noong isang araw. Nagmamadali kong kinuha sa kaniya ang mga kailangang ilagay sa refrigerator. Tumawa ako ng peke. “Nakilagay nga pala sa refrigerator ‘yung nakatira diyan sa tabi muntik ko nang makalimutan,” palusot ko. Nakagat ko ang aking labi. Pinilit kong isiksik ang mga pinamili namin sa refrigerator. “I didn’t know that there’s someone can live in a condo but can’t buy a refrigerator,” pang-aasar niya sa ‘kin. Inirapan ko siya. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin,” matapang kong sabi kahit na ang totoo ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Nang matapos ko na ang pagsiksik ko ng mga bago naming pinamili sa refrigerator ay kumuha ako ng malamig na tubig at uminom. Pinagpapawisan na ako. Hindi lamang dahil sa pagod kundi dahil sa kaba na baka nahuli ako ni Damien sa kasinungalingan kong wala na akong stock. Sa sobrang pagmamadali kong uminom ng tubig ay natapunan ako nito sa damit. “Ang lamig!” sigaw ko nang maramdaman ko ang pagdaloy ng lamig sa may leeg ko pababa sa aking dibdib. Nagmamadaling kumuha ng tissue si Damien at tinulungan akong punasan ang natapong tubig sa akin. Pigil ang hininga ko siyang pinagmamasdan habang abalang-abala ito sa pagpunas sa tumapong tubig sa ‘kin. Nang iangat niya ang kaniyang tingin sa akin ay nanatiling nakapako ang mga mata niya sa mamula-mula at medyo basa kong labi dahil sa pag-inom ko ng malamig na tubig. Napapikit ako ng bigla niyang sunggaban ang aking labi ng halik. Napakapit ako sa kaniyang damit ng lalo niyang laliman ang paghalik sa akin. Naramdaman ko ang pagmasahe niya sa aking batok habang abala ang kaniyang labi sa paghalik sa akin. Nang tumigil siya ay pareho kaming naghahabol ng aming hininga. He looked at my lips that were slightly parted. He touched my lips using his thumb and moved it left to right. “I really hate the idea of that brute having the taste of your lips,” he said irritatedly. Muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay kagaya noong pagsasalubong nito noong nasa mall kaming dalawa. “…and I hate it more that I don’t have a say about it.” Iniwas niya ang tingin sa akin. “For years, I sometimes hate what I’m feeling about you, Zy...but I f*****g love it most of the time,” he thoughtfully said while he was resting his chin on my shoulder. I felt his hand move at my back and hug me tight. “I saw you kissed that day, Zy…I saw it…but I can’t do anything about it. I always remember what I saw whenever I see him,” he said in a low voice. “I can’t even say anything about it…cause I know you’re not mine to keep,” he added. “Own me then….” I simply said. Dahan-dahan siyang bumitiw sa pagkakayakap sa ‘kin at nagtataka akong tinignan. Para bang hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. “I crossed the line first, and I’ll cross it again for you, Damien.” Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. “…cause I know that what I’m feeling for you is way more than what I should be feeling for a friend.” I tiptoed and reached for his lips until they met mine. I closed my eyes to savor this feeling. Noong una ay para siyang tuod na nakatayo habang hinahalikan ko, pero hindi rin nagtagal ay dumapo ang kanang kamay niya sa aking batok at ang kaliwa naman ay nakadantay sa aking bewang. He pinned me on the refrigerator, and we shared a kiss full of the feelings that we tried to suppress for years instead of stopping it…it grows and grows until we can’t take to hide it anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD