Chapter 16

1109 Words
CHAPTER 16 RIEUKA Ilang araw ko ng sinusubukang kausapin si Damien, pero para akong may dala-dalang virus sa tuwing nakikita niya ako. Malayo pa lamang ako ay nagmamadali na siya laging umalis. Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin ay palagi niyang sinasabi na busy siya. Today was the initial start of my project with Ar. Collin, Engr. Reign and Engr. Hayes and I plan to reach out to Damien again today. Siguro naman hindi niya na ako maiiwasan nito, dahil kailangan naming magkita araw-araw para sa proyekto. Hindi niya rin pwedeng sabihin na busy siya dahil kahit papaano ay pareho na kami ng magiging schedule.   Pagkapasok ko ng meeting room ay nakita ko si Damien na nakaupo sa may dulo ng conference table habang kausap niya si Akira. May pinapakita sa kaniya si Akira na booklet ng designs ng bawat kwarto sa gusali. Nagkapalitan na kami ng ideya ni Akira noong isang araw. Siguro ngayon ay tinatanong lamang niya ang opinyon ni Damien dahil siya ang head ng project. Tatabi na sana ako kay Damien para makisingit sa usapan nila, dahil kahit papaano ay konektado naman ako sa pinag-uusapan nila ng may biglang tumulak sa akin pagilid at siya ang umupo sa tabi nila Damien. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng tumulak sa akin. Gusto atang makatikim nito ah. Ang dami-dami pa namang bakanteng upuan, bakit ba sa tabi pa ni Damien niya naisipang umupo. “Good morning Ar. Auclair,” sabi ng babae kay Akira bago naglahad ng kamay rito. “Good morning,” nagtatakang sabi ni Akira. Tumingin siya kay Damien at binigyan ito ng ‘what the heck is she doing here’ na tingin. Hindi ko narinig ang sagot ni Damien sa tanong ni Akira dahil ibinulong niya lamang ito. Napasimangot na naman tuloy ako. Pwede namang sabihin ng malakas bakit kaya may pabulong-bulong pa na akala mo naman ay napakalaking sekreto nito.   Hindi pa nagsisimula ang meeting ay nakasimangot na ako. Sino ba namang hindi. Kanina pa dikit ng dikit itong higad na ito kay Damien, at si Damien naman ay walang pakealam at hinahayaan lamang ito. Siguro ay tuwang-tuwa ang loko na may babae na namang dikit ng dikit sa kaniya.   Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga kasamahan namin sa meeting. Nagsisiksikan sila sa kabilang banda ng meeting room at walang gustong tumabi sa akin. Para bang natatakot silang tabihan ako dahil ang dilim ng aura ko. Magkasalubong ang mga kilay ko ngayon habang nakaekis ang dalawa kong kamay sa dibdib at nagliliyab ang tingin ko sa white board sa harapan ng conference room. Nang dumating si Roman ay tanging ako na lang ang walang katabi kaya dumiretso na siya sa upuang nasa kaliwa ko. “Good morning, Rieuka. Not in a good mood, huh?” he asked while arranging his things above the table. “Good morning,” simpleng bati ko. Hindi ko na pinansin ang tanong niya dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa babaeng katabi ni Damien. Ako dapat ‘yon kung hindi lang bida-bida ang babaeng ‘to. Nang kumpleto na kami ay tumayo na si Damien sa harapan, at inayos ang presentation niya. “Good morning, everyone. Today is our official first day of this project, but before we start, I want to introduce you to someone.” Tumayo yung babaeng katabi niya at lumapit sa kaniya sa may harapan. Sinundan ko ng tingin ang babae at parang pamilyar siya sa akin. Teka nga, parang nakita ko na siya dati ah. Saan ko nga ba nakita ang babaeng ‘to na hapit na hapit ang suot na parang mawawalan na siya ng hangin ano mang oras simula ngayon. “This is Ar. Diane Fania, and she will be with us throughout the project for field experience.” Pakilala ni Damien sa babaeng dikit ng dikit sa kaniya. Isa-isa siyang nakipagkamay sa mga kasama namin sa conference room. Nang ako na ang nasa harapan niya ay nagsalita siya. “Good morning, Ar. Collin,” bati niya sa akin na para bang hindi niya ako tinulak kanina. Tinanguan ko lamang siya. She really looked familiar. What the heck! Siya ba talaga ang Diane na kakilala ko? Dahan-dahan akong tumingin kay Akira at nakatingin rin siya sa akin na para bang hinihintay niya akong tumingin sa kaniya. ‘Is she?’ I mouthed at her. Hindi ko pa natatapos ang tanong ko ay tinanguan na niya agad ako. What? So she was really the girl on a double date where Damien and I first met. Nagsimula at natapos ang meeting na lumulutang ang isip ko. Ibig bang sabihin nito tatlong buwan namin siyang makakasama? No way. I can’t even last a day with her flirting with everyone. Well, not everyone. It seems like her hawk-like eyes were already fixed in Damien. But still, it was Damien. “Damien!” tawag ko kay Damien ng matapos na ang meeting. Sa halip na si Damien ang sumagot ay ang bida-bidang babae sa tabi niya ang nagsalita. “Geez, Ar. Collin. Have some respect to Engr. Hayes.” Tinignan niya ako ng masama. Hindi naman ako nagpatalo sa kaniya at tinignan ko rin siya ng masama. Napairap na lamang ako sa ere dahil sa inis ko sa kaniya. Hindi naman ako makasagot sa kaniya dahil sa hiya. Andami kasing napatingin sa akin dahil sa sinabi ni Diane. Baka akalain ng iba ay wala talaga akong respeto nito. Ang kapal niya, ako pa ngayon ang walang respeto samantalang siya ang kanina pa tawag ng tawag sa pangalan ni Damien na akala mo naman ay matagal na silang magkakilala. “Ar. Collin, I’ll drop by your office later to finalize our design,” agaw ni Akira sa atensyon ko na nakay Diane. Nang tumango lang ako ay dinugtungan ni Akira ang sinasabi niya. “I’ll go there after lunch,” she said before she walked out the office. “Sabay na tayong mag-lunch?” tanong ni Roman sa gilid ko. Tinignan ko sina Damien at Diane na nag-uusap sa gilid ko, at si Akira na papalabas na ng pinto. Umiling ako kay Roman at bumulong, “I don’t think that’s appropriate to do in our current situation, Roman.” Tumang-tango siya. “Okay, I’ll just accompany you to your office. I think I can do that much, right?” Nginitian niya ako. Sinuklian ko na lamang siya ng isang maliit na ngiti bago sumabay sa kaniya palabas ng conference room. Bago tuluyang lumabas ay tumingin muna ako kina Damien at Diane sa huling pagkakataon. Bagsak ang balikat ko na lumabas ng conference room nang hanggang sa huling tingin ko ay masaya pa rin silang nagkwekwentuhan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD