CHAPTER 17
RIEUKA
Damien was not like that five years ago. He always…he always chose me.
*FLASHBACK 5 YEARS AGO*
Nandito ako ngayon sa may hallway kung saan nakahilera ang mga locker ng mga college students. Ibabalik ko na ang librong dala-dala ko para sa nauna kong klase, at kukunin ko naman ang mga kakailanganin kong gamit sa susunod kong klase isang oras simula ngayon.
Kakabukas ko pa lamang halos ng locker ko ay napairap na ako sa ere. Bigla na lamang kasi itong sinara ni Damien. Sa halip tuloy na ang mga gamit ko ang makita ko ay ang mukha niyang nakakapagpataas ng dugo ko habang ngiting-ngiti ang bumungad sa akin.
“What is it this time?” I asked in an irritated voice.
“What? It’s still morning, and you’re already pissed off.” I looked at my watch and saw that it was just eleven in the morning.
I sighed. “I’m not.” Binuksan ko ulit ang locker ko.
“Damien!” sigaw ko nang isara niyang muli ito.
“Lunch?” sabi niya habang nakangiti sa akin.
“No.” Binuksan kong muli ang locker ko.
Napairap ako nang sinara na naman niya ito. “Lunch?” he said in a teasing voice.
Ilang ulit pa kaming nagtalo tungkol sa lunch at sa locker ko. Tumigil lamang siya ng mayroong tumawag sa kaniya.
“Damien!” sigaw ni Diane habang patakbong lumalapit sa amin. “Have you had lunch?” sabi niya ng makalapit na siya sa kinatatayuan namin ni Damien.
Nang makuha nito ang atensyon ni Damien ay binuksan ko na agad ang locker ko at ginawa ko na ang kanina ko pang dapat gagawin.
“Nope, I haven’t. Why?” he said while facing Diane.
See? Napakababaero talaga. Kanina lang ako ang inaaya niyang mag-lunch tapos ngayon na may ibang babaeng lumapit sa kaniya ay naging hangin na lamang ako sa tabi nila.
“Sabay ka nang kumain sa ‘kin? I’m planning to eat in a restaurant nearby,” she said while clinging her arms to Damien’s arms.
Tinignan naman ako ni Damien, pero inirapan ko lamang siya. “I’m planning to eat in the cafeteria,” he said while looking at me. Tinaasan ko naman siya ng kilay ng hindi niya ako tinantanan ng tingin.
“We can eat in the cafeteria then—“ Hindi natapos ni Diane ang sinasabi niya nang sumingit si Damien.
“With Rieuka. Now, if you’ll excuse us,” sabi niya bago lumapit sa akin.
Kinuha niya ang mga gamit na yakap-yakap ko sa dalawa kong braso at hinawakan ito gamit ang kaliwang kamay niya habang ang kanang kamay naman niya ay ginamit niyang pang-akbay sa akin.
Siniko ko siya. “Damien, what are you doing?” Hindi niya ako pinansin at lalo lamang akong hinila palapit sa kaniya.
Nilingon ko si Diane sa huling pagkakataon at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang naka awang ang mga labi. Nagtataas baba rin ang balikat niya habang nakatingin ng masama sa akin.
Damn, it looked like I made an enemy without doing anything. Sana lang talaga hindi niya na ulit maging kagrupo si Akira para hindi ko na kailanganing magmakaawa sa kaniya sa susunod.
Nang makarating kami ni Damien sa cafeteria ay padabog akong umupo sa pwesto kung saan niya ako dinala.
“What are you doing Damien?” tanong ko kay Damien pero nagkibit balikat lamang siya.
“Dapat sumama ka na lang kay Diane, eh. Baka mamaya ay magalit pa sa akin ‘yon,” reklamo ko habang tinitignan siya ng masama.
“Do you really like me to eat with her right now?” Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. “Edi ikaw ang sumamang kumain sa kaniya, ikaw pala ang may gusto eh.”
“Aw!” sigaw niya nang sinipa ko ang paa niya na nasa ilalim ng lamesa.
I looked at him in disbelief and rolled my eyes as high as I could.
“You’re crazy,” sabi niya habang hinihimas-himas ang kaliwa niyang paa na sinipa ko.
Tinignan niya ang relo niya. “It’s almost your class time,” he said while looking at his watch, then he looked at me.
Nagtataka ko siyang tinignan. “How did you know that?” I didn’t remember telling him my class schedule for today.
He shrugged then asked me again, “Ako na ang oorder. Anong gusto mo?”
Tinanaw ko ang counter pero hindi ko makita kung ano ang mga tinda, dahil malayo ang pwesto na kinauupuan namin ni Damien mula roon.
Nagkibit balikat ako. “Kahit ano,” sabi ko bago ko abutin ang binder ko na may laman ng notes ko para sa susunod kong klase.
“Kahit ano? Sound delicious,” he said in a sarcastic tone before walking towards the counter.
Napangiti na lamang ako at napailing dahil sa kaniya.
Maya-maya pa ay bumalik na siya sa lamesa namin dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain.
“Here.” Pinatong niya isa-isa sa lamesa namin ang dala niyang pagkain bago ibalik ang tray sa may counter.
“Anong akin dito?” I asked.
Kinatok niya ang ulo ko. “Aw!” Sinimangutan ko siya.
“Naubos na ata ang brain cells mo kakaaral,” sabi niya habang may pailing-iling pa.
Nang ilagay niya sa tapat ko ang pagkain ko at nilagay niya naman sa tapat niya ang kaniya ay gusto kong matawa.
“Na-realize mo na yung katalinuhan mo?” sabi niya sa nang-aasar na boses.
Inirapan ko na lamang siya at nakangiting kumain. Paano ba naman parehong-pareho lang pala ang pagkain naming dalawa. Pareho kaming may tig-isang order ng menudo, tig-isang order ng kanin, at pareho rin kami na mayroong soup sa mangkok.
“Bakit hindi ka kumuha ng juice?” sabi ko habang nakatingin sa dalawang bote ng tubig sa gilid namin.
“Wag ka nang magreklamo at inumin mo na lang ‘yan.” Kinuha niya ang isang bote ng tubig at binuksan ito bago ilagay sa harapan ko. “I always see you drinking flavored drink drinks. You should stop that already or you’ll get sick,” sabi niyang habang nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin.
“Whatever, doc,” sabi ko sa nang-iinis na tono.
Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain namin habang paminsan-minsan ay nagkatitinginan ng masama.
Nagpantig ang tenga ko ng mayroon akong marinig na nagchichismisan tungkol sa amin sa may kabilang lamesa.
“Ay ang sweet naman ni Damien,” sabi noong isang babae na itago natin sa pangalang Babae 1.
Sumagot naman si Babae 2, “Kaya naman pala ang daming nauuto eh.”
“Sinabi mo pa Sis,” singit naman ni Babae 3.
“Baka si Rieuka naman ang balak niyang utuin ngayon. Palagi ko silang nakikitang magkasama eh,” dagdag ni Babae 4.
Tinignan ko si Damien at nahuli kong nakatingin rin siya sa akin. Siguro ay naririnig niya rin ang usapan sa kabilang lamesa. Sinamaan ko siya ng tingin at binigyan ng ‘look at what you did’ na tingin. Binigyan niya naman ako ng ‘what did I do’ na tingin bilang sagot.
“Hindi naman siguro. Matalino ‘yang si Rieuka eh,” sabi ni Babae 1.
Mayabang ko namang tinignan si Damien at binigyan siya nang ‘see, you can’t fool me’ na tingin.
“Pero sabi nga nila yung mga matatalino raw sa school ay mga tanga sa pag-ibig,” sabi ni Babae 4.
Napatingin ako sa kabilang table at tinignan sila ng masama.
“True, Te. At saka ang pogi kaya ni Damien, makalaglag panty,” sabi ni Babae 2.
“Kahit ako magpapaloko, Sis kung ganiyan kapogi ang lalapit sa akin,” sabi ni Babae 3.
Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay nagsikuhan na sila at nagsipaan. Sinenyasan nila ang isa’t isa at sabay-sabay silang umiwas nang tingin sa akin at yumuko.
Nang ibalik ko ang tingin ko ay Damien ay nakangiti siya ng nakakaloko sa ‘kin habang naka-patong ang dalawa niyang braso sa sandalan ng mahabang upuan na inuupuan niya.
Napakayabang talaga nito. Parang ang sarap tuloy basagin ng pagmumukha niya.
“Tignan mo, dahil sa ‘yo kung ano-ano ng chismis ang kumakalat tungkol sa akin,” reklamo ko.
“What?” he said in an annoying tone. “Don’t you like it when people talk about you?” Ngintian niya ako.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “I like it, but not when your name was also mentioned.”
“What’s wrong with my name? I’m known in this whole university,” pagmamalaki niya.
“Yeah, known for being a womanizer,” rebat ko sa kaniya. “Baka akalain nila kagaya ako ng mga babaeng habol ng habol sa ‘yo.”
“Of course you’re not,” he said in a serious tone.
“I’m not.” Tumango-tango pa ako bilang pagsang-ayon.
“Cause they’re way prettier and sexier than you,” he said before he burst into laughter.
“Aw!” sigaw niya nang sipain ko siyang muli sa kaliwang paa niya na nasa ilalim ng lamesa.
“You brute!” galit kong sabi bago ako napatayo sa inuupuan ko.
Paalis na sana ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. “Rieuka!” sigaw ni Akira habang kumakaway at tumatakbo palapit sa pwesto namin ni Damien.
“Buti nakaabot ako,” she smiled at me before sitting beside me. “Hi, Cous,” bati niya kay Damien na ngayon lang ata niya napansin.
“Oh, the two of you were done eating,” sabi niya nang mapansing ubos na ang pagkain namin na nasa ibabaw ng lamesa.
Nagkatinginan naman kami ni Damien. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa awkward na sitwasyon namin ngayon.
“Yeah, kanina pa kasi kami nandito at kumakain,” simpleng sabi ko.
“Kainis kasi si Mr. Galvez eh, nagpa-late dismissal na naman,” sabi niya habang nakasimangot.
Tumingin siya kay Damien. “Order mo nga akong pagkain, Cous. Kagaya na lang ng inorder niyo.” Tinuro niya ang mga plato at mangkok na nasa harapan namin.
“I’m not your maid,” angal ni Damien.
“Sinong gusto mong utusan ko? Si Rieuka?” she pointed at me.
Natawa naman si Akira ng padabog na tumayo si Damien at dumiretso sa counter para umorder.
“Tagal na rin ha,” bulong nito.
“Huh? Nang ano?” I asked.
“Him.” Tinuro niya si Damien. “Ang tagal ka na niyang kinukulit.”
I shrugged. “Yeah, probably.” Napaisip tuloy ako kung matagal na nga ba.
Hindi ko na rin kasi matandaan, dahil sa araw-araw niyang pangungulit sa akin ay parang nakasanayan ko na rin na may laging nakabuntot sa akin. Nakalimutan ko ng magbilang kung gaano katagal ko na siyang kakilala.
“A month. That’s the longest time he stayed with a single person without flirting with any other girl,” she said while looking at the ceiling as if she was thinking.
Parang hindi ko gusto kung saan papunta ang pag-uusap na ‘to.
“He’s been with you for almost a semester. The longest record he has now,” she said while moving up and down her brows at me. “And to mention that I haven’t seen him with any other girl since he met you.”
Napahinga na lang ako ng malalim at napailing dahil sa pang-aasar niya.
“Stop it, Akira,” pigil ko sa kaniya at baka mamaya ay marinig kami ng mga marites, nickname ng mga chismosa, sa kabilang lamesa.
“What? I’m just stating the fact,” she said while still smiling from ears to ears.
“Shh!” I signaled her to silence her mouth.
Tinawanan niya lamang ako at nagpatuloy. “I’m excited, and we should try a double date with my boyfriend. Bring Damien with you,” she said while browsing through her phone.
Nagta-type na siya ng message para sa boyfriend niya nang hilahin ko ang phone niya. “You’re over reacting, Akira,” sabi ko habang binubura ang mensaheng sinulat niya.
“I’m not. It looks like my cousin really likes you, Rieuka,” she said while pointing at Damien walking towards us. “Faster, lovesick guy,” sigaw niya na sapat para marinig ng mga taong nasa cafeteria.
“Pustahan ikaw ang unang papansinin niyan paglapit sa lamesa natin,” bulong nito sa akin. “You should give it a try if he will, okay?” pabulong niya pa ring sabi habang nakatingin kay Damien.
“I bet he wouldn’t,” bulong ko. “If I win, you should stop match-making me with him, okay?”
Nag-okay sign siya sa akin at umayos na kami ng upo. Napahinga na lamang ako ng malalim at sumuko nang titigil pa siya sa pangungulit.
Hindi ko tinitignan si Damien simula ng palapit na siya sa lamesa namin hanggang sa makaupo siya sa harapan ko.
“Thanks, Bro,” Akira said when Damien sat on his chair while giving Akira’s food.
“Aren’t you late for your class, Rieuka?” he said while his gaze was fixed at me. That’s the first thing he said after coming back from the counter to order Akira’s food.
Napatingin ako kay Akira at nakita kong ngiting-ngiti siya sa akin. “Told you,” she said before eating her food.
Nagmamadali naman akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Nang mapatingin ako kay Damien ay nakatayo na rin siya at tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ko.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga marites sa kabilang mesa na nakatingin rin sa amin. Mukhang narinig pa ata nila ang pustahan namin ni Akira.
Maging si Akira ay ngiting-ngiting nakatingin sa amin ni Damien habang humihigop ng tubig sa straw.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa kamay ni Damien at nagmamadaling umalis doon.
“Rieuka!” Narinig kong sigaw ni Damien pero hindi na ako lumingon muli.
Baka mamaya ay kapag lumingon ako ay makita nila ang mukha kong para ng kamatis sa sobrang pula.
*END OF FLASHBACK*