CHAPTER 18
RIEUKA
Napapitlag ako ng may biglang kumatok sa pinto ng office ko. Nang tignan ko ito ay sumilip rito ang ulo ng sekretarya kong si Abby.
“Ar., andito na po si Ar. Auclair.” Tinanguan ko siya.
“Let her in,” sabi ko bago tumayo at lumipat ng upuan sa may sofa para mas magkalapit kami mamaya ni Akira habang nag-uusap.
Pinilig ko ang ulo ko at nagbabakasakaling matatanggal nito ang kung ano-ano kong iniisip.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagpasok ni Abby, at sa likod nito ay nakasunod sa kaniya si Akira.
Tumayo ako para batiin si Akira. “Good afternoon, Ar. Auclair,” pormal na bati ko rito.
“Good afternoon,” sabi nito bago umupo sa tapat ko.
“Do you need anything Ar. Auclair,” tanong ni Abby kay Akira.
“Nothing,” sabi nito ng hindi tinitignan si Abby habang abala siya sa pagtingin sa bag niya.
Binaling ni Abby ang atensyon niya sa akin. “Do you need anything, Ar. Collin,” tanong niya sa akin.
“Kuha mo na lang kami ng makakain, Abby,” sabi ko rito bago ko siya tipid na nginitian.
“I know that you’ve already done looking at this, but I want you to have the final say,” sabi ni Akira bago niya iabot sa akin ang brochure ng mga designs.
“I’ve already talked to Roman, and he agreed with these designs,” dagdag pa niya.
Tumango-tango lamang ako habang tinitignan ang mga designs ng bawat kwarto.
“Though I can’t get Damien’s opinion about it. He’s been busy the whole day,” she shrugged.
“Why is that?” tanong ko dahil sa kuryusidad.
Sumandal siya sa upuan at ipinagkrus ang dalawang braso sa dibdib niya. “Well, he’s been busy attending to Diane the whole day.” Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Akira. “You know, letting her be familiar with our building.”
Napairap ako. “I didn’t know that Damien is here as a tour guide,” sarkastiko kong sabi.
“Well, he seems enjoying it,” sabi nito habang nakatitig sa akin.
I shrugged away what she said on my system and focused on the brochures that were in my hands.
Maya-maya pa ay pumasok si Abby ng office na may dala-dalang pagkain.
“Here are your snacks,” sabi niya habang inililipat ang mga pagkain at juice mula sa tray na dala-dala niya at ipinatong ito sa lamesa sa harapan namin.
“Thank you, Abby!” sabi ko at nginitian ko siya.
“Thank you,” sabi naman ni Akira kay Abby bago ito lumabas ng pinto.
“I wonder why did they gave you Abby as your secretary,” sabi nito habang sumusubo ng tinapay na dala ni Abby.
“What do you mean?” tanong ko dito sa nagtatakang tono.
She looked at me. “Well, she was supposed to be Damien’s secretary before you came back to the Philippines. While your secretary should be Mr. Garcia.”
Kumunot ang noo ko. “Isn’t that Damien’s secretary?”
“Yeah, maybe he swapped your secretary with his,” she just shrugged her shoulder.
“Why would Damien do that when Abby was a competent secretary?” bulong ko.
Hindi sumagot si Akira at nagkibit balikat lamang ito.
“What is this room for?” Tinuro ko ang isang kwartong parang walang kabuhay-buhay ang pagkaka-design. Wala masiyadong pasikot-sikot rito. Isang kwarto lang ito na may kama at banyo na pang-isang tao lang talaga. Walang kitchen o di kaya ’y living room.
“Masiyadong plain no?” she asked while pointing at the picture on the brochure. “That’s Damien’s idea. Ang sabi niya ay magugustuhan daw ‘yan ng mga taong kagaya niya. Going home just to sleep, then leave again the next morning.”
Tinignan niya ako. “Do you want to remove it in our sample design?”
Umiling ako. “No, I think he’s right.” Kung titignan mo ay tama si Damien.
“For a person like him who only go home to sleep in a bed, they might like their space to be like this. Though I don’t think that everyone would like this idea, though I’m sure that some of them will.” Nginitian ko si Akira.
Tumango-tango siya at kinuha ang phone niya. “I’ll call him to go here and help us with this.”
Tinanguan ko lamang siya at nagsimula na ulit tumingin ng mga design.
“Hey, can you come here to Rieuka’s office to look at some details of the design?” Narinig kong tanong ni Akira kay Damien na kausap niya na sa phone ngayon.
“Where are you?” tanong nito habang magkasalubong ang kilay niya.
“Just go straight here when you’re done,” sabi niya bago ibaba ang tawag.
“What did he say?” tanong ko sa kaniya pero ang atensyon ko ay nasa brochure paring hawak ko.
“Outside. Having lunch with Diane,” she simply said.
Nagpantig ang tenga ko at napatingin ako kay Akira. “Just the two of them?” Kumunot ang noo ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagkibit balikat. “I don’t know.”
Hindi na lamang ako nagsalita at ibinalik ko na lamang ang pansin ko sa brochure na hawak-hawak ko.
Nagpatuloy kami sa diskusyon pero hindi kagaya ng kanina na buong atensyon ko ay nandito, dahil ngayon ay lumilipad na ang utak ko sa kung ano ang ginagawa ni Damien at Diane sa labas ng building.
“Jeez, Rieuka. You’ve been sighing a million times already,” reklamo sa akin ni Akira habang magkasalubong ang kilay.
“Am I?” bulong ko.
“Yes, you are. You seem so affected by the two of them,” she said. Napayuko ako at humingang muli ng malalim.
I didn’t even knew that she noticed how I was acting today. Ako nga mismo sa sarili ko hindi ko alam kung anong itsura ko buong araw.
“Your mind is flying to I don’t know where, and that’s not healthy for our project.” Inayos niya na ang mga brochure na dala-dala niya. “Anyway, that’s all for today. We’ll just have to meet our client tomorrow afternoon.”
Tinanguan ko lamang siya at sumandal sa inuupuan ko at pumikit. Naramdaman ko ang pagpintig ng ulo ko pero hindi ko na ito masiyadong binigyang pansin. Siguro ay dahil lang ito sa stress o di kaya ‘y sa overwork.
“By the way. Are you going to Diane’s welcoming party?”
Napatingin ako sa kaniya. “Why would she have a welcoming party when she will just be here for three months?” tanong ko sa galit na tono.
Nagkibit balikat si Akira. “I don’t know I’ve just hears the two of them talking about it earlier. Aren’t you invited?” Umiling naman ako bilang sagot sa tanong niya.
“She didn’t invite me yet too. Baka naman mali lang ako nang rinig,” she said while still fixing her things.
“Maybe,” bulong ko. At sana nga ay mali lang siya dahil baka masabunutan ko ang babaeng ‘yon.
A welcoming party was too much for a temporary employee. A temporary one that will stay for only three months. Three f*****g months.
Napatingin kaming pareho ni Akira sa pintuan ng office ko nang bumukas ito. Pumasok dito si Damien, at sa likod niya ay may kasunod siyang higad.
“Good afternoon Ar. Collin and Ar. Auclair,” bati sa amin ni Diane.
Sa halip na bumati kami pabalik ni Akira ay nagkatinginan kaming dalawa. Speaking of the witch. Bakas sa mukha namin na pareho kaming nagtataka kung bakit nandito ang higad na ‘yan sa office ko.
“You’re late,” panimula ni Akira. Hindi niya binigyang pansin si Diane, sa halip ay si Damien ang tinignan niya ng masama.
“We’re already done. You can leave now,” sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanilang dalawa. Baka mamaya ay kung ano pa ang masabi ko kapag nakita ko silang dalawa na magkalapit.
“Oh, it’s fine. May sasabihin rin naman ako sa inyong dalawa,” sabi ni Diane bago umupo sa tabi ko. “Damien!” tawag niya rito. “You can seat there.” Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Akira.
Sumunod naman agad si Damien sa utos niya at naglakad na papalapit sa amin.
“I’m planning to have a welcoming party tonight, so the two of you should come,” simula niya nang makaupo na si Damien sa tabi ni Akira.
“Welcoming party for who?” tanong ni Akira habang nakataas ang kilay.
“For me, of course. Ano ka ba,” biro ni Diane at tumawa. Nang mapansin niyang siya lang ang tumatawa ay tumikhim siya. “Anyway, aasahan ko kayo ha,” she said while handing the two of us an invitation card.
“I’ll check my schedule,” sabi ko ng hindi man lang tinignan ang invitation card at pinatong ko lamang ito sa lamesa.
“Me too. I’m kind of busy these days to attend unimportant matters anymore,” sabi ni Akira sa mapang-asar na tono.
“Kahit dumaan lang kayo saglit. That’s already enough for me,” pamimilit pa nito.
“Half an hour won’t hurt, Guys,” dagdag naman ni Damien pero pareho pa rin kaming hindi sumasagot ni Akira.
“We’ll try,” sabi ko na lamang para hindi na humaba pa ang usapan.
Nang marinig ni Diane ang sinasabi ko ay lumapad ang ngiti niya. “That’s great,” sabi nito bago tumayo. “I’ll see you later then.”
Tumango ako sa kaniya habang si Akira naman ay hindi pa rin siya binibigyang pansin.
“By the way, Ar. Collin. You have a spacious and wonderful office. I think this is bigger than mine,” sabi nito habang iniikot ang paningin sa office ko.
“Of course, her office will be bigger. She’s one of the permanent architects in this building,” Akira said, emphasizing the word permanent.
“Maybe, I should spend more than three months here then,” she said before she walked out with Damien of the office that left me and Akira in disbelief.
“The nerve,” Akira said before walking out of the office.
I was left alone in my office and left in awe. Could she really stay here for more than three months? That might probably stress me out until she finally leaves the building.