Chapter 19

1597 Words
CHAPTER 19 RIEUKA Sinandal ko ang ulo ko sa backseat ng kotse ko. Kababalik ko lamang ngayon mula sa isang meeting sa labas ng office. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas at nakita kong madilim na pala ang kalangitan. Anong oras na rin kasi kami nag-start at matagal rin bago matapos. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone na nasa bag ko. Nakita kong may isa akong unread message. ‘Where are you?’ Kumunot ang noo ko. Bakit naman kaya ako tine-text ni Roman? Lumingon ako sa paligid at nakita kong naglalabasan na ang mga empleyado sa building.   ‘In front of the building,’ I replied. Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya agad. ‘Sabay ka na sa ‘kin pumunta sa welcome party’ ‘I don’t plan to go there.’ I immediately got out of the car after I sent my message. “Rieuka, iha,” tawag sa akin. Inikot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin kung sino ang tumawag sa akin. Medyo natagalan pa ako dahil andaming taong nagkalat sa labas. Nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin ay napangiti ako. “Tito Fidel.” Kumaway muna ako sa kaniya bago ako naglakad palapit sa kinatatayuan niya. “Good evening po, Tito!” bati ko kay Tito. “Good evening po,” bati ko sa mga kasama niya isa-isa. May iba pa kasing kasama si Tito Fidel na mga naka-business attire rin. Siguro ay galing rin sila sa isang meeting kagaya ko. Ngumiti sila sa akin. “Good evening!” bati rin nila sa akin isa-isa. “Are you on your way to my godchild’s welcoming party?” tanong nito sa ‘kin. Kumunot ang noo ko. “Godchild?” tanong ko sa kaniya habang nagtataka. Wala naman akong kakilalang inaanak ni Tito Fidel. I’ve never got to know his family, because I’ve stayed longer overseas than I’ve stayed here in the Philippines since I met Tito Fidel. “Yup, godchild. Si Diane, iha,” sabi nito sa ‘kin ng nakangiti. Lalong nagsalubong ang kilay ko. “Si Diane?” Kaya ba ang lakas ng loob ni Diane na magpa-welcome party kahit tatlong buwan lang naman siya sa office?  Kaya rin ba niya nasabi na pwede siyang manatili rito ng mas matagal dahil may koneksyon siya kay Tito? “Iha,” tawag sa akin ni Tito Fidel ng hindi ako sumagot sa kaniya dahil lumilipad na ang utak ko. I snapped back at reality, and I shook my head. “I’ll try, Tito. I still have some things to finish today. I need to meet Akira for a while.” I gave him a soft smile. “Sasabay ko na lang siya sa ‘kin, Sir,” sabi ni Roman na hindi ko alam kung saan nanggaling. Lumapit siya sa kinatatayuan namin ni Tito Fidel at tumabi sa akin. “Good evening po,” bati niya kila Tito. Tumango-tango si Tito Fidel habang magkasalubong ang mga kilay nang makita si Roman. Palipat-lipat ang tingin niya sa ‘min dalawa ni Roman. “I see that you’re talking again,” sabi niya sa ‘min ni Roman makalipas ang ilang minutong pananahimik. “I’ll see you later then,” sabi ni Tito Fidel bago niya kami talikuran ni Roman at sumakay na sa kotseng kanina pa naghihintay sa kaniya. Hinarap ko si Roman. “I told you that I don’t plan on going there.” “I know, I just don’t think that he would let you go without assuring him that you’re coming.” Tinanguan ko na lamang siya bago siya tinalikuran at naglakad na patungo sa elevator. “Where are you going?” tanong niya sa ‘kin habang nakasunod siya sa likod ko. “I have something to do in the office first, and I still need to talk to Akira about the project.” Pinindot ko ang elevator at hinintay itong magbukas. “I’ll come with you then,” sabi niya habang nakatingin sa tuktok ng elevator kung saan nakasulat kung nasa pang-ilang floor na ito. Hindi na ako umangal pa. Wala ako sa mood ngayon para makipagtalo kaya mas makabubuti siguro sa akin kung hayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya. Nakatingin lamang ako sa sahig at nilalaro-laro ang hawakan ng bag ko habang naghihintay na magbukas ang elevator. Nang bumukas ito ay inangat ko ang tingin ko, at dahan-dahan kong nakita kung sino ang sakay nito. Nestatwa ako sa kinatatayuan ko nang nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ni Damien. Maya-maya pa ay pareho kaming umiwas ng tingin sa isa ‘t isa nang tumikhim si Diane na nakatayo sa gilid ni Damien. “Hi, Ar. Collin. Hi, Engr. Reign,” bati niya sa amin ni Roman. Binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti at naglakad na papasok ng elevator habang silang dalawa naman ay palabas. “See you later at your welcoming party,” sabi ni Roman habang papasok rin ng elevator. Napatingin ako sa labas at nakasalubong ng mga mata ko ang mapaghanap na mata ni Damien. Lumipat ang tingin niya kay Roman na nakatayo sa tabi ko at nginingitian ako. Bago tuluyang magsara ang elevator ay nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya at ang pagkunot ng noo niya. “What are you going to do in your office? Will it take long?” he asked before he clicked the button for the floor of my office. “I just need to check on something and talk to Akira. Then we’ll go to the welcome party. I don’t think it will consume so much time,” I said coldly. Mukhang kailangan ko pa rin talagang pumunta sa welcome party kahit hindi ko naman siya gustong i-welcome. Tinanguan na lamang niya ako at hindi na muling nagsalita pa. Nang tumigil na ang elevator ay dumiretso na kami sa office ko. Nanlaki ang mata ko ng hindi ko inaasahan na nasa loob na siya ng office ko. I looked at my wrist watch and it was thirty minutes before our agreed time to meet. “Hi,” bati ni Akira bago siya tumayo para salubungin kami. “Roman,” bulong niya habang nakatingin sa taong nasa likod ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. “Nakasalubong ko siya sa entrance,” paliwanag ko. Ayokong mag-isip siya ng masama dahil magkasama kami ni Roman. Dumiretso ako sa office table ko at ibinaba ang bag ko. “Sabay kaming pupunta sa welcome party. Sabay ka na rin sa ‘min,” aya ko sa kaniya. “You’re going?” Ibinaling niya ang atensyon niya sa ‘kin. “Yeah,” simpleng sagot ko. “We should take a rain check with finalizing the designs for tomorrow’s meeting.” Tinignan ko siya. Ngayong gabi kasi namin napag-usapang tapusin ang ipre-present namin bukas. “But it’s due tomorrow,” sabi niya habang nakayuko at nakakunot ang noo. “Can we finish that in the morning?” Inangat niya ang tingin niya sa akin. I shrugged. “We’ll try. I just don’t have a choice but to go because Tito Fidel wants me to go there,” paliwanag ko sa kaniya. “Besides, it is already fine earlier. We’re just too cautious that we want to recheck it.” “Okay, tomorrow morning then,” sabi niya bago kuhanin ang mga gamit niyang nasa lamesa. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso. “You should come with us,” sabi ko habang hawak-hawak ko pa rin ang braso niya. Tumikhim ako at dahan-dahang binitawan ang braso niya. “I mean, Tito Fidel would love it if we will both go to his godchild’s welcome party.” Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. “Godchild? Pamangkin niya si Diane?” tanong niya sa akin habang magkasalubong ang mga kilay. “I didn’t knew that,” bulong niya sa sarili niya. “Yeah, ngayon ko lang din nalaman. Anyway, sumama ka na sa ‘min,” aya ko pang muli sa kaniya. Tinignan niya ang relo niya. “I’ll see—“ Hindi na natapos ni Akira ang sasabihin niya nang sumingit si Roman sa usapan naming dalawa. “You should come with us. It would be best if you took a rest time to time from your stressful workload,” sabi ni Roman habang nakatingin kay Akira. Muntik ko nang makalimutan na nandito siya dahil kanina pa siya hindi nagsasalita simula nang pumasok kami sa office ko. Hindi agad nakasagot si Akira at parang naestatwa siya sa kinatatayuan niya. “I’ll get my things at the office then,” Akira said after contemplating for some time. “Samahan na kita,” sabi ni Roman kay Akira. “No, I prefer if you’ll stay here,” Akira said before walking out of the office. Nagkatinginan kami ni Roman at binigyan ko lamang siya ng isang tipid na ngiti bago dumiretso sa office table ko at kunin ang mga gamit ko. “We should follow her. Wala na naman akong gagawin dito,” sabi ko kay Roman nang makuha ko na ang bag ko at mapirmahan ko na ang pinapapirmahan sa ‘kin ni Abby. Tumango siya at sumunod na sa ‘kin papunta sa office ni Akira.  I’ve never imagined that the three of us would be together again. Us again after all these years, and after all that happened. I mean, not really again because the three of us had never been together. Maybe there’s really a first time for everything, huh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD