Chapter 20

2809 Words
CHAPTER 20 RIEUKA Bumaba na kaming tatlo ng building at dumiretso sa parking lot. Pinatunog ni Akira ang kotse niya. “We’ll see each other in the bar then,” sabi nito at akmang lalakad na papunta sa kotse niya nang pigilan siya ni Roman. Hinawakan siya ni Roman sa braso. “I think it will be more convenient if we just carpool in my car to go there.” Tinignan niya ako. “What do you think?” tanong niya sa ‘kin habang hawak-hawak pa rin niya sa braso si Akira. Tinignan ko si Akira at nakita kong pinanlalakihan niya ako ng mga mata at umiiling-iling. “I agree, and carpooling is also better for our environment,” sabi ko sa kanila ng nakangiti. Akira rolled her eyes and looked at me with disbelief. Hinila niya ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Roman, at muling ni-lock ang kotse niya. Nang pinatunog ni Roman ang kotse niya ay pareho kaming nagmamadaling lumapit dito ni Akira. Dumiretso ako sa pinto ng back seat sa likod ng driver’s seat, at binuksan ko ang pinto nito. Si Akira naman ay nasa kabilang pinto ng backseat dumiretso. Hindi pa niya nabubuksan ang pinto. Nakahawak pa lang siya sa door handle ng kotse ay pinigilan ko na siya. “You should seat in the passenger seat,” sabi ko habang tinuturo ang passenger seat. “Why would I?” Tinaasan niya ako ng kilay. Nagkibit balikat ako. “You don’t want Roman to look like our driver, right?” tanong ko sa kaniya. "Why don't you sit in the passenger seat for him not to look like our driver?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nagkunwari akong nag-iisip. “I can’t.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “At bakit naman?” tanong niya sa ‘kin habang nakakunot ang noo. “Cause I came in first,” sabi ko bago tuluyang pumasok sa loob ng back seat at ni-lock ko ang magkabilang pinto ng back seat. Ilang beses sinubukan ni Akira na buksan ang pinto ng back seat, pero hindi niya ito mabuksan. Sa inis niya ay wala na siyang nagawa kundi hampasin na lamang niya ang bintana ng kotse ni Roman at sumakay sa may passenger seat. Sinamaan niya ako ng tingin. Parang handa na siyang hablutin ang buhok ko. Buti na lamang at sumunod agad si Roman kay Akira nang makasakay na ito sa kotse. “Seat belt first lady,” sabi ni Roman habang sinusuot ang seat belt niya. Nang makapagsuot na kaming tatlo ng seat belt ay pinaharurot na niya ang kotse niya papunta sa bar. Nang makarating kami sa bar ay nag-park muna si Roman sa parking lot bago kami bumaba sa kotse. Papasok na sana ako ng bar ng mag-ring ang cell phone ko. “Una na kayo, susunod na lang ako,” sabi ko sa kanila bago sagutin ang tawag. “Are you sure?” tanong sa ‘kin ni Roman habang si Akira naman ay nakatingin lang sa ‘min. “Hello?” bati ko sa nasa kabilang linya. Tinanguan ko lamang sina Roman at Akira, at sinenyasan ko sila gamit ang kamay ko na mauna na silang pumasok. “Rieuka, at last I’ve got a hold of you,” sabi ng nasa kabilang linya. Nagsalubong ang kilay ko. "Who's this?" I looked at the caller's name, and I saw that it was an unregistered caller. Hindi niya sinagot ang tanong ko. “I’ll see you tomorrow at your office, okay?” sabi nito bago ibaba ang tawag. “Hello? Hello?” tawag ko sa kabilang linya pero nababa na talaga niya ang tawag. Weird. Sino naman kaya ‘yong tumawag. Sa halip na tawagan ko muli ang numero niya ay mas pinili ko na lamang na pumasok na ng bar. “Rieuka, sit here,” tawag sa ‘kin ni Roman nang magtama ang mga mata namin. Nang malapit na ako sa sofa na inuokupa nila ay nakita kong sa pagitan na lamang ni Akira at Diane ang may espasyo pa para maupuan ko. Dumiretso ako kay Akira at tinapik ko siya. Tinuro ko ang upuan sa tabi ni Diane at sinenyasan siyang umusog doon ng upo. Tinaasan niya lamang ako ng kilay. “Why would I?” “Umusog ka na lang, please,” bulong ko na sapat lang para marinig niya pero hindi ng iba pa naming mga kasama. “I can’t,” nginitian niya ako ng nakakaloko. Kumunot ang noo ko. “Why is that?” “Cause I came in first,” she said before she rolled her eyes at me and take a sip at her glass. “Déjà vu, huh?” tanong niya sa akin sa nang-aasar na tono. I looked at her in disbelief and stamped my feet on the ground before sitting between Akira and Diane. Now I can’t imagine how we became friends years ago with that kind of attitude. Sabagay hindi naman niya ako tinatarayan dati noong magkaibigan pa kami. She was always sweet and soft to me…before. “Want a drink?” tanong sa ‘kin ni Roman. “Yeah, sure,” sabi ko habang nilalagay ang bag na dala-dala ko sa may likuran ko. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang baso para sa ‘kin. Wala pa itong laman, at saka lamang niya ito nilagyan ng laman nang makaupo na siya sa tapat ko. We had a lot of drinks in front of us, but nothing was familiar to me because I don't drink. I seldom drink. I could even count in my fingers how much I drank alcohol in my whole life. Tinignan ako ni Akira. “You sure?” tanong niya sa ‘kin habang nakatingin sa baso kong may laman ng alak. Tumango-tango ako. “Yup.” I felt like I needed alcohol in my system to think straight. Buong araw rin akong na-stress kay Diane, at siguro naman ay kahit papaano mapapagaan ng alak ang pakiramdam ko. Sa tabi ko ay tinungga ni Diane ang baso niya na parang tubig lang ito. “Whooo,” sigawan ng mga tao sa table namin. “Wow, you’re a hard drinker,” sita ng isang ka-office mate naming lalake. “Cool! You’re so cool,” sabi naman ng iba naming kasamahan sa table. Sa inis ko ay tinungga ko ang baso ko at halos masuka ako ng maramdaman ko ang paghapdi ng lalamunan ko. “f**k!” mahina kong sigaw. “Don’t push it,” bulong ni Akira sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at sinalinan ko pa muli ng alak ang baso ko. Napapitlag ako ng may humawak sa kamay kong nagsasalin ng alak sa baso. Tinignan ko kung kaninong kamay ang humawak sa kamay ko. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ni Damien. “Stop it, Zy. You know you can’t hold your drink,” sabi niya habang nakatingin sa ‘kin ng mariin. Naputol ang pagtitinginan naming dalawa nang pumagitna sa ‘min si Diane. Humarap siya sa ‘min ni Akira. “Can I call you in your name Ar. Collin and Ar. Auclair?” tanong niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa ‘min ni Akira. "I feel uncomfortable addressing you because it's too formal for me. I mean, we've known each other since our college days. I don't think it's necessary," she said while giving us a soft smile. Hindi siya pinansin ni Akira at uminom lang muli ito sa baso niya. "It's fine with me. You can call me anything you like," I said while playing with my drink. “Really?” tanong niya sa ‘kin. Tinanguan ko lamang siya. “Let’s toast then,” sabi niya habang nilalapit sa ‘kin ang baso niya. “Cheers,” sabi niya nang ipagbangga niya ang mga baso namin. Wala na akong nagawa kundi uminom muli ng alak. Sa pangalawang baso ko ay naramdaman ko na ang pag-ikot ng paningin ko. "I studied for years for people to address me, and she's using batch mate card to me," Akira whispered in an annoyed tone. Nginitian ko na lamang siya at napailing. I couldn't blame her. She never liked Diane even way before our college days. “You’re still a light drinker,” bulong ni Akira sa gilid ko. Tumango-tango ako. "Yeah, I don't drink that much even after all these years." Nabaling ang atensyon ko kay Damien ng may kumausap dito. “Engr. Hayes, why aren’t you drinking?’ tanong ng isang babaeng kasamahan namin sa office. "I can't. I still need to drive home,” simpleng sagot nito. Kumapit naman sa braso niya si Diane. “Aw, you’re even planning to send me home. He’s so thoughtful isn’t he?” tanong nito sa mga kasamahan namin at tumango naman ang mga ito. Napairap ako sa inis. Tinitignan ko silang dalawa ng masama habang nakasandal ako sa sofa. Tumingin sa ‘kin si Damien at nagtama ang mga mata namin. Inirapan ko lamang siya at muling nilagyan ng laman ang baso ko. Ininom ko ulit ito ng isang tunggaan lang. I saw Damien clench his jaw while looking at me, drinking continuously, but I just shrugged it off. "What's so special about not drinking? Even Roman is not drinking because he also needs to drive home safely," bulong muli ni Akira sa gilid ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Akira. Pakiramdam ko ay kahit hindi pa kami ganon ka ayos ay pwede ko pa rin siyang maging kakampi. “Sayaw tayo, Rieuka,” aya sa ‘kin ni Roman. “Sure,” sabi ko bago tumayo at hinawakan ang kamay ni Akira. “What?” galit na tanong nito sa ‘kin. “Join us,” sabi ko habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya. Hindi ko siya tinigilan hangga ‘t hindi siya tumatayo sa kinauupuan niya. Nang maglalakad na ako ay parang umikot ang paligid ko. Muntik na akong mabuwal kundi sinuportahan ni Roman ang likod ko gamit ang mga braso niya. I saw Akira looked at Roman’s hand in my back. Kaya pasimple kong tinanggal ang braso ni Roman na nakahawak sa likod ko. “I’m fine,” bulong ko sa kaniya. We got straight to the dance floor. I swayed my body to the rhythm of the music that the DJ was playing. I rocked my hips left and right. I swung my hands in the air. I swayed my body as if there was no tomorrow, and this would be my last chance to dance. Napalingon ako sa likod ko ng may humawak sa balikat ko at pinigilan ang pagsayaw ko. “You’re drunk,” bulong nito sa tenga ko. "I'm not," reklamo ko. Naramdaman ko ang pagdikit ng katawan niya sa likuran ko. Did I mention that I'm only wearing a spaghetti strap top because I already removed my blazer earlier due to the heat I've felt after drinking alcohol? I felt the heat that he was sending to my body while he was embracing me. He swayed me slowly while still holding me into his arms. Kung titignan mo kami ngayon ay para kaming nagba-back hug sa may dance floor. Sa inis ko ay tinulak ko siya at padabog na nagbalik sa pwesto namin. Hindi ko ikakaila na may naramdaman akong kakaibang init habang nasa likod ko siya. Init na hinahanap ng katawan ko hanggang ngayon na nakaupo na akong muli sa sofa, pero ayokong i-entertain ang nararamdaman ko dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Maya-maya pa ay nakita kong pabalik na siya sa pwesto namin at sa likod niya ay nakasunod rin sina Akira at Roman. I gave Roman and Akira a soft smile while I rolled my eyes at Damien when our eyes met. "Do you know that Damien's so sweet," Diane said while sitting beside me and looking at Damien, who was approaching our table. "I can't believe that he still remembers me after all these years," dagdag pa nito. Hindi ko siya pinansin at tinungga ko na lamang muli ang baso ko. Kelan ba titigil ang babaeng ito sa kaka-trigger sa ‘kin. Kapag ako hindi nakapagtimpi, gigising siya bukas ng umaga na nakahandusay na sa sahig. "And he's also a good kisser," she said while still looking at Damien. Nagpantig ang tenga ko at tinignan ko siya ng masama. What the? Kiss? Really? Pati ba naman ‘yon dapat pa niyang sabihin sa ‘kin. Iniwas ko ang tingin ko kay Diane at nilagyan kong muli ng laman ang baso ko at inisang tungga ito. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko. “And not just a good kisser, but he’s also damn great in bed,” bulong nito sa tenga ko habang nakangiti siya sa akin ng abot tenga. I felt the rushed of my emotions and I poured another drink in my bottle. Palapit-lapit pa siya sa ‘kin sa dance floor, na akala mo naman talaga nag-aalala siya sa ‘kin. As if. Why would he even care about me if he already has a bed warmer? Damn that Damien guy. “Rieuka,” tawag ni Roman sa ‘kin nang makaupo na siya sa tapat ko at napatingin sa alak na iniinom ko. Si Akira naman ay hinawakan ang braso ko nang makaupo na siya sa tabi ko, at ang bote ng alak na kanina ko pa sinasalin sa baso ko Hindi ko sila tinitignan. I didn't want them to see me in this state, in the form of almost crying and bursting into tears. “Zy,” tawag sa ‘kin ni Damien at hinawakan niya ang kamay kong hawak-hawak ang baso ko. Tinulak ko lamang ang kamay niya at nilagok muli ang laman ng baso ko. Maya-maya pa ay nag-ayaan na silang umuwi. “Let’s go home. May mga pasok pa tayo bukas,” sabi ng isa sa mga katrabaho namin. Isa-isa na silang nagtayuan at naiwan kami nina Roman, Akira, Damien, at Diane sa lamesa. Tumayo ako at muntik na akong mapaupo sa sahig kung hindi lamang ako naalalayan ni Akira. “I already told you, that you should not push it too much,” sabi ni Akira habang tinutulungan akong umayos ng tayo. Umalalay rin sa ‘kin si Roman, dahil konti na lang ay pati si Akira mahihila ko paupo ng sahig dahil sa sobrang hilo ko. Dumiretso na kaming tatlo sa parking lot habang akay-akay pa rin nila akong dalawa. Ilang saglit pa ay naramdaman kong may brasong humawak sa ‘kin. “I’ll take you home,” sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko. “You should take Diane home,” sabi ko sa galit na tono habang hinihila ko pabalik ang braso ko. "Can you take Diane home with you?" tanong ni Damien kina Akira. “Yeah, we’ll take her home safely,” sagot naman ni Akira ng hindi sumagot si Roman. Pagkasabing-pagkasabi noon ni Akira ay sinakay na ako ni Damien sa kotse niya. Hindi na ako umangal dahil sobrang sakit ng ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagpintig nito. Bumibigat na rin ang pakiramdam ko at ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising lamang ako nang buhatin ako ni Damien mula sa kotse at buhatin na parang bagong kasal. Titig na titig ako sa kaniya habang lulan kami ng elevator. He's like a sculptor that was sculpted perfectly with his pointed nose, thick brows, and kissable pink lips. Nang makapasok na kami sa condo ko ay ibinaba niya na ako sa kama mula sa pagkakabuhat niya sa ‘kin. "I'll just go to get some wet towel," paalam niya sa' kin. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Napatingin siya sa ‘kin. “Do you need anything else?” tanong niya sa ‘kin habang titig na titig sa ‘kin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. Medyo umikot ang paningin ko at muntik na akong matumba mula sa pagkakatayo. Lumapit agad siya sa ‘kin at hinawakan ako sa magkabilang bewang para alalayan. Nagkatapat ang mga mukha naming dalawa at nakita ko ang bahid ng pag-aalala sa mga mata niya. “Are you fine?” tanong niya sa ‘kin habang pinagmamasdan ako. Tumango ako. “I just want to confirm something about what Diane said,” sabi ko bago ako humawak sa magkabilang niyang balikat at tumigkayad para abutin siya. I felt his soft lips brush into mine. I didn't know where I got the strength to cross the line that we had for years, but I only knew one thing. I didn't want to hear another Diane telling me something that would break my heart into pieces. I didn't want to listen to another story about him being with a girl beside me.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD