CHAPTER 21
RIEUKA
*FLASHBACK 4 YEARS AGO*
Nanonood kami ngayon ni Akira ng basketball match sa loob ng school namin. Nakaupo kaming dalawa sa may bleachers ng gym ng university habang nanonood ng laban. It’s Damien’s team which was also the team of our university versus the team of the other university.
“Go, Damien!” cheer ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya ako maririnig sa dami ng taong nagchi-cheer sa kaniya.
Halos nasa dulo pa naman na kami ng bleachers nakaupo dahil sa late na kami ni Akira dumating. Anong oras na rin kasing nag-dismissed yung huling klase namin. Masiyado atang nag-enjoy ‘yong professor namin na magturo.
“Whoo!” sigaw ko nang maka-shoot si Damien ng three points.
“Go, Damien. You’re so damn good!” cheer naman nung isang babaeng malapit sa ‘min ni Akira sa nang-aakit na boses.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung madumi ba ang utak ko dahil iba ang dating sa ‘kin ng sinabi niya o may pagkamakati talaga siya.
Hindi ko na lamang siya pinansin at muling nag-cheer. “Go, Damien!” I shouted on top of my lungs.
“Ano ka ba Anne. Andiyan yung girlfriend niya baka marinig ka,” sita sa kaniya ng isa niyang kaibigan.
Nakita kong napatingin siya sa ‘kin sa gilid ng mata ko. “Iyan? Sus, hindi niya girlfriend ‘yan,” sabi niya sa kaibigan niya ng hindi tinatanggal ang tingin sa ‘kin.
“Kita mong ang layo-layo niya sa bench ng mga players. Ang girlfriend nandoon lagi nakaupo sa malapit sa mga players,” sabi nito habang tinuturo ang kinauupuan ng mga ka-team ni Damien.
“Mas malaki pa nga ang posibilidad na si Diane ang girlfriend ni Damien kaysa diyan. Tignan mo nakaupo siya sa likod ng mga players.” Tinuro nito si Diane na nag-aabot ng bimpo at tubig sa ibang players habang ngiting-ngiti.
Why was Diane always in the picture whenever Damien’s there? Ayoko nang pakinggan pa ang mga susunod pa nilang pag-uusapan kaya umupo munang muli ako sa tabi ni Akira na abalang-abala sa pagtipa sa cellphone niya.
“If you don’t like him before, I’m sure that you do now,” sabi nito habang pinagmamasdan akong kumain ng mga dala-dala naming snacks.
“I’m not,” tanggi ko bago sumipsip sa iced tea ko.
Pinamewangan niya ‘ko. “I have ears too, Rieuka. You won’t sit here if you’re not affected by what they are talking about.” Tinuro niya ang dalawang babaeng magkaibigan na nag-uusap tungkol sa ‘min kanina. Nagchi-cheer pa rin sila hanggang ngayon kay Damien.
Sa halip na sagutin ang tanong ni Akira ay tumayo na ulit ako para maki-cheer kay Damien. I sighed. I thought that this was not a right time to emote, since this was Damien’s big fight.
Nag-ingay ang mga tao sa loob ng gym nang makahabol at malamangan na ng kalaban ang team nila Damien. Pakiramadam ko ay maiihi ako sa sobrang kaba at sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko habang hinihintay ang mga susunod na mangyayari.
“Damien, fighting!” sigaw ko nang makitang nanghihina na silang magkakagrupo dahil sa pagod.
Nagsigawan ang mga tao sa loob ng gym nang makakuha ng momentum ang team namin. Naagaw ni Damien ang bola mula sa mga kalaban at naka three point shot.
Nasundan pa ‘yon ng maka-shoot rin ang ibang player ng team.
“Oh my god! Nakita mo yun Akira? Damien is so good at handling the ball,” sabi ko kay Akira habang ngiting-ngiting pinagmamasdan si Damien.
“He’s always that good even before,” sabi niya habang pinagmamasdan ang dalawang team na naglalaban at walang may gustong magpatalo. “Is this your first time watching him play?” tanong niya sa ‘kin.
Tumango ako. "I never had the time to watch him before," I said while still watching Damien. "I'm too busy with school and personal stuff before that I haven't been able to accept his invites."
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga mata namin ni Damien. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa ‘kin.
“Go, Damien!” I shouted and I smiled at him. Itinaas ko ang dalawa kong braso. “Fighting!” sigaw ko.
Iniwas niya na ang tingin niya sa ‘kin at nagpatuloy sa paglalaro.
"You didn't tell him that we're going to watch his game?" tanong ni Akira sa likod ko.
“I’m not yet sure if I can come when he asked me. Ayoko namang paasahin siya na manonood ako kung hindi naman,” paliwanag ko kay Akira.
"And he's been disappointed at me before for promising that I can come, but I didn't come to watch his game." Yumuko ako. "I didn't want to disappoint him again," bulong ko.
Nagsigawan muli ang mga tao nang maka-shoot si Damien ng isa pang three points. Nagtilian ang mga babaeng nakapaligid sa ‘kin ng tumingin si Damien sa banda namin nang maka-shoot siya. Ngumiti siya sa ‘min bago siya kumindat at muling nagpatuloy sa paglalaro.
“Hala be, yung panty ko nalaglag ata,” sabi noong isang babae.
“Sis, tumawag ka nga ng ambulansya. Parang aatakihin ako sa puso,” sabi naman noong isa pa.
“Ahh, anakan mo ko Damien!” sigaw naman noong isang babaeng malapit sa ‘min.
Habang sila ay kilig na kilig dahil sa pagkindat ni Damien ako naman ay naestatwa sa pwesto ko. Parang kailangan ko rin ata ng ambulansya. Napahawak ako sa skirt ko at baka mamaya ay may natanggal o kaya ‘y nalaglag na hindi naman dapat.
“Akira, ang puso baka lumabas diyan sa dibdib mo,” bulong ni Akira sa gilid ko sa nang-aasar na tono.
Nakagat ko ang labi ko at hindi na nagsalita pa. Why am I acting like this when it was only a wink? Damn me for being a ‘marupok’ with that guy.
Natapos ang laban na limang punto ang lamang ng team ni Damien. Nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba ay palabas na ng gym habang ang iba naman ay gustong lumapit sa winning team para makapagpa-picture.
Nakita kong kinumog na ng mga tao sila Damien. “Want to go there too?” tanong sa ‘kin ni Akira habang tinuturo niya ang nagkukumpulang mga tao.
“Nah, it’s too crowded over there,” sabi ko habang kinukuha ang basura ng mga pinagkainan namin.
"You sure you don't want to see the man knocking the wall around your steel heart?" she asked me teasingly.
Sumimangot lang ako at nauna na akong maglakad sa kaniya.
“Rieuka!” Narinig kong may sumigaw sa pangalan. Paglingon ko ay may humila sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako.
"I thought that you wouldn't come," he said while he was catching his breath from all the running.
Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. He could probably feel it right now since he’s hugging me and my chest was close to him.
“Thank you!” bulong nito sa tenga ko sapat na para manghina ang mga tuhod ko. He sounded so happy while talking to me.
“Why are you here? Shouldn’t you be with your team?” sabi ko ng hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap niya sa ‘kin. Tinanaw ko ang nagkukumpulang mga tao sa team niya.
Ang iba ay abala sa pakikipag-usap at pagpapa-picture sa ibang players, habang ang iba naman ay pinagmamasdan kaming magkayakap sa may bleachers.
Namula ako at pasimpleng tinulak si Damien para bumitaw na sa pagkakayakap niya sa ‘kin. Ang dami kasing tao ang nakamasid sa ‘min. Kung hindi pa kami bibitaw siguradong kami na naman ang umagahan ng mga chismosa bukas.
“How about me? Don’t I have a hug?” pabirong tanong ni Akira na ikinapula ng mukha ko.
Ngumiti lang si Damien dahil sa tanong ni Akira at napailing.
"You should get back to your team. They're waiting for you." Tinuro ni Akira ang mga ka-team ni Damien. "You'll probably have a team celebration after this."
“Come with me. I’ll introduce you to my team mates,” sabi niya bago niya kami hilahin ni Akira papunta sa team niya.
Nabawasan na ang mga taong nagkukumpulan sa kanila dahil ang iba ay nakapagpa-picture na, pero kahit ganoon ay mayroon pa ring iilan na nakapalibot sa team.
“Coach, team,” tawag niya sa atensyon ng mga kasamahan niya. “These are my friends. Akira and Rieuka,” pakilala niya sa ‘min.
I just gave them a soft smile while shaking hands with them.
And just like that, I've felt my world shattered into pieces. Yeah, friend, of course. What am I thinking?
Paano naman kami magiging higit pa sa magkaibigan kung hindi ko naman kayang sumugal?
How could I be with him if I'm scared of crossing the line? How could I be if I'm afraid that wanting more from him has its own consequences that would break me into pieces?
*FLASHBACK 4 YEARS AGO*