Chapter 13

2182 Words
CHAPTER 13 RIEUKA Nakasimangot akong naglalakad papasok ng coffee shop sa first floor ng building ng office namin. Antok na antok pa ako dahil halos hindi naman ako nakatulog kagabi. Paano ba naman ako makakatulog kung hindi ako maka-move on sa nangyari bago ako umuwi sa condo ko. Tapos kinailangan ko pang gumising ng maaga ngayon dahil mayroon akong kikitain bago ang working hours. Ayoko kasing maapektuhan ang mga kasalukuyang naka-pile up na trabaho ko sa office dahil lamang sa trabahong hindi pa naman nagsisimula. Pagkapasok ko ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Roman mula sa kinauupuan niya para salubungin ako. Bebeso sana siya sa akin pero umiwas ako. “Good morning,” simpleng bati ko bago ako umupo sa upuang nasa harapan niya. Nakaupo kami ngayon sa tag-isang two seater na upuan sa may pinaka-dulong parte ng coffee shop. “So, what is it you want to talk about,” panimula ko sa usapan namin habang naglalabas ako ng maliit na note pad at ball pen mula sa bag ko. Inabot niya sa akin ang isang menu booklet. “Have you eaten breakfast already?” tanong niya sa akin habang titig na titig siya sa mga mata ko. Tumikhim ako ng makaramdam ako ng pagkailang sa pagitan naming dalawa. “Nope, but I don’t like to eat breakfast,” sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng maliit na ngiti bago ko ibalik sa kaniya ang menu booklet. Pinigilan niya ang kamay ko. “At least eat breakfast even just for today.” Hindi ko siya sinagot at umiling na lamang ako. "Should we order croissants and coffee as usual?" he asked while pointing at the menu booklet that I was holding. “I don’t really feel like eating today.” Aabot ko na sana sa kaniya muli ang menu booklet na hawak-hawak ko ng mayroong humila nito. Magkasalubong ang kilay kong sinundan ang kamay ng humila ng menu booklet sa kamay ko. “Damien,” bulong ko nang makita kong binabasa ni Damien ang menu booklet habang nakatayo sa gilid ng lamesa namin. Umusog ako pakanan ng bigla siyang umupo sa tabi ko. “What are you doing here?” bulong ko sa kaniya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinarap niya sa akin ang booklet na nasa kamay niya at pinakita sa akin ang nakasulat dito. “Should we order sandwich and salad, as the usual?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Binigyang diin niya pa ang mga salitang ‘as the usual’. Binigyan ko lamang siya nang ‘what the f**k are you doing look’ at saka ko siya inirapan. Nang hindi ko siya pinansin ay ibinaling niya ang tingin niya kay Roman na nakatingin sa kaniya habang magkasalubong ang kilay. “You see, her taste have changed after being with me for years,” sabi nito kay Roman habang nakatingin dito na parang nanghahamon. Pinanlakihan ko ng mata si Damien at inirapan. “Come on, Damien,” bulong ko rito. "Oh, I see, but now that she's back here in the Philippines, she can eat the same foods that she ate years ago," sagot naman pabalik ni Roman. “I don’t—“ Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumingit si Damien. "Oh really? Do you think she wants to taste the food she tossed away again?" hamon nito kay Roman. “I’m—“ Hindi na natapos ni Roman ang sasabihin niya nang mapatayo ako mula sa pagkakaupo. Sakto namang nahagip ng paningin ko si Akira na papasok ng coffee shop. Nang makita niya akong nasa loob ng coffee shop ay akmang lalabas na siya. “Akira!” sigaw ko para matawag ko ang atensiyon niya. “Sabay ka na samin,” aya ko sa kaniya ng may nagmamakaawang mga mata at tinuturo ang dalawa kong kasama gamit ang labi ko. Hindi niya ako pinansin at akmang lalabas na siya ng pinto ng muli siyang tawagin ni Damien. “Akira, join us,” tawag sa kaniya ni Damien. Nakita kong napairap siya at dahan-dahang lumapit sa amin habang nakasimangot. Napatigil siya sa paglapit sa amin nang makita niya kung sino ang kasama namin. “Come on,” muling tawag sa kaniya ni Damien. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya pero sa huli ay naglakad pa rin siya palapit sa amin at umupo sa upuang nasa tabi ni Roman. “What is it?” tanong niya nang makaupo na sa tapat ni Damien. "Engr. Reign was just talking about the clients' design in mind. Since you are the co-architect of the project and the one who will be making the first draft, I think you should be here with Zy, right?" tanong niya kay Akira. Umirap ito sa ere. “Yeah, whatever,” sabi nito bago kuhanin sa kamay ni Damien ang menu booklet. “Am I right Engr. Reign? Ar. Auclair should be here right, and not only Ar. Collin?” Tinignan siya ng masama ni Roman. Ibubuka na sana ni Roman ang mga labi niya, pero nang makita kong may namumuo na namang tensiyon sa kanilang dalawa ay sumingit na agad ako. “Are you done picking? Can we order now?” tanong ko sa kanilang tatlo. “Yup,” sabi ni Akira bago siya tumawag ng waiter. "I'll have a bagel and fresh fruit juice," sabi ni Akira sa waiter na lumapit sa lamesa namin. "I'll have a croissant and a cup of coffee, Ms.," sabi naman ni Roman sa waiter. "We'll have a salad, sandwich, fruit smoothie, and iced tea," sabi ni Damien sa waiter. Hindi na ako umangal sa inorder niya dahil ganoon rin naman ang oorderin ko kung saka-sakali. “Thank you!” sabi ko matapos ulitin ng waiter ang order namin. “So what is it, Engr. Reign?” tanong ko kay Roman para matapos na kami. He explained to us the things that the clients wanted while Akira and I took notes. On the other hand, Damien was just busy looking at what I was writing while he was silent beside me. At least he knows where to interrupt and when to shut that precious lips of his. "So basically, he wants this design added to the plan that Ar. Auclair have in mind?” tanong ko. Tumango-tango naman si Roman. "Yes, they clarified this to me yesterday." “Are you fine with these Ar. Auclair?” tinignan ko si Akira na titig na titig sa skinetch niyang design habang ine-explain ni Roman ang gusto ng client namin for this project. "Yeah, I think I am. I have a particular design in mind, and I think it will fit the client's request. I’ll send the draft to you by the end of the week so that you can take a look at it,” sabi nito habang titig na titig sa sketch na drinawing niya. Kitang-kita ko ngayon kung paano siya ka-focus sa trabaho niya bilang architect. Siguro ay dahil napamahal na rin siya sa trabaho niya kaya nae-enjoy niya na ito. Nginitian ko naman siya at tinanguan. Nang magawi ang tingin ko sa may kaliwa ko ay sinimangutan ko lamang si Damien nang magkatinginan kaming dalawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kahapon. Kahit na lasing siya kagabi, hindi ko pa rin matanggap kung paano niya ako pinagmukhang hayok na hayok sa kaniya kagabi. Nang dumating ang order namin ay inilagay niya sa gitna naming dalawa ang pagkaing inorder niya para sa aming dalawa. "So that's it? He doesn't have anything to say anymore, Engr. Reign?" Napahinga na lamang ako ng malalim ng muli na namang pinansin ni Damien si Roman. Tinapik ko siya. “Damien, ah,” agaw ko ng atensiyon niya. Nang humarap siya sa akin ay isinubo ko sa kaniya ang salad na nasa kutsara ko at nginitian ko siya. “Sarap?” tanong ko habang nakangiti sa kaniya at pinanlalakihan siya ng mata. Tumango-tango siya. “But your salad is way better than this,” sabi niya habang tinuturo ang salad na nasa harap ko. “You’re salad is tasty now?” tanong sa akin ni Akira habang nakangiti ng mapang-asar. I always made her salad years ago, but she always says that it sucks. I left the Philippines three years ago without even making her a perfect salad. Nakangiti naman akong tumango at tumingin sa kaniya, dahil ngayon lamang niya ako tinanong tungkol sa buhay ko simula ng bumalik ako ng Pilipinas. "Yeah, I did some practice. I can make you one if you want," nginitian ko siya. “Really? Thanks!” Tumango-tango naman siya habang nakangiti. Maya-maya pa ay unti-unting nawala ang ngiti ni Akira at tumikhim na para bang na-realize niya na siya ang nagsimula ng pag-uusap namin. Tumikhim ako at yumuko na lamang muli para kumain. "Here, have a sandwich." Itinapat ni Damien ang sandwich sa bibig ko. “Thanks,” sabi ko bago kumagat dito. “Why don’t you just order two portions, so that you don’t have to share?” tanong ni Akira habang nakataas ang kilay niya sa aming dalawa. “No need. Sanay naman na kaming mag-share sa pagkain. Right, Zy?” Hinihintay niya ang sagot ko pero inirapan ko lamang siya. "Or maybe she doesn't have a choice," hamon naman ni Roman.  Nakita ko kung paano nagtaas baba ang balikat ni Damien at nagsalubong ang mga kilay niya. Hinawakan ko si Damien sa kamay para pakalmahin siya. "Or maybe they're used to being together," singit naman ni Akira. "Cause they've been together for more than three long years." “Kasi pinili nilang mag-stay sa isa ’t isa” Nakatingin siya sa aming dalawa ni Damien habang nagsasalita. But I know better that what she’s saying was not meant for me and Damien. Tumikhim ako. "Yeah, I must have been too comfortable with Damien because he's been with me the longest." Nginitian ko sila bago ako humigop sa smoothie na nasa harapan ko. Napatingin kami kay Roman nang tumayo ito. “I’ll go now. I have some other errands to attend to,” sabi niya bago nakipagkamay sa ‘min. Muli siyang nagpaalam at lumabas na siya ng pinto. “That’s all he have to say after calling you yesterday late at night,” sabi ni Damien habang nakatingin ng masama sa likod ni Roman. "Did you go home safely last night?" tanong ni Akira kay Damien. "You looked so wasted yesterday." "Yeah, Zy fetched me yesterday," he simply said while eating his sandwich. "Thank you for being with me yesterday," he said to Akira. “Magkasama kayo kagabi?” I asked. “Yeah, why do you think I’m there?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Nothing, I thought you’re with someone else.” Noong nakita ko siya kagabi ay hindi ko naman alam na kaya pala siya nandoon ay dahil nandoon din si Damien. “Why did the two of you decided to have a drink?” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “It’s—“ Hindi na natapos ni Akira ang sasabihin niya nang sumingit si Damien. "You don't have to know," Damien simply said while drinking at my smoothie. “I think she should,” hamon naman ni Akira. "Right, Rieuka?" she asked while looking at me. "Yeah, I wanted to know why." “Akira!” pagbabanta ni Damien kay Akira. "Why? Your family's building is not a motel Damien." She stands up. "I'm done eating. I'll go now," she said before walking away gracefully toward the exit door. "What was that?" I asked Damien, but when I looked at him, I saw him clenched his jaw. "What is it Damien," pilit ko pa. “It’s nothing. Just finish your meal.” Inilapit niya sa akin ang kalahati pang sandwich na nasa plato niya. "But I want to talk about it." Hinawakan ko ang kamay niya. "Don't let it bottle up inside you." "I don't want to talk about it," he said while looking at me straight into my eyes. "I can't." Iniwas niya ang tingin niya sa akin. “Why?” tanong ko habang nasa kaniya ang buong atensiyon ko. "Because I don't have the right to ask you," he said before standing up and leaving me alone in my seat. Patayo na sana ako nang may pumigil na kamay sa braso ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Akira na hawak-hawak ang braso ko. Hindi ko napansin na pumasok pala siya ulit ng coffee shop. "Akira," bulong ko. "Don't play with my cousin's feelings, Rieuka. Stop playing with everyone's feelings," she said before letting go of my hand. She walked towards her seat and took the laptop bag that she left in her chair. "Stop playing with my family," she said before walking out of the coffee shop. Nanghina ang mga tuhod ko at dahan-dahan akong napaupo sa upuan ko. Nakawala ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala. I felt the same pain, frustration, anger, and feelings that I felt three years ago. What have I done with the people I loved?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD