Chapter 12

2442 Words
CHAPTER 12 RIEUKA Pinarada ko ang kotse ko sa unang parking slot na aking nakita. Nagmamadali akong bumaba ng kotse at patakbong nagtungo sa entrance ng bar. Napatigil ako ng may mga kamay na biglang humarang sa dadaanan ko. “May membership card po ba kayo, Miss?” tanong sa akin ng isang guard sa may entrance. Umiling ako. “Wala po eh. Susunduin ko lang po sana yung kaibigan ko. Tinawagan po kasi ako ng isang staff na sunduin siya, dahil lasing na raw po siya sa loob,” pagpapaliwanag ko sa guard. “Sorry, Miss pero para sa mga may membership card lang kasi ang araw na ito.” Napalingon ako sa likod ko ng mayroong sumipol sa akin. “Kung gusto mo Miss sama ka na lang sa ‘min para makapasok ka,” sabi noong isang lalaki. Muntik na akong makasuntok nang kindatan ako nito noong humarap ako. Sa halip na bigyang pansin ko sila ay ang guard na lamang muli ang kinulit ko. “Kuya, kahit saglit lang, please? May susunduin lang po talaga ako,” pagmamakaawa ko rito. “Pagkakuha ko sa kaniya, uuwi na agad kami.” “Sama ka na lang kasi samin Miss. O kaya kami na lamang ang iuwi mo.” Narinig kong nagtawanan ang mga lalaking nasa likod ko. Akala ko sa mga pipitsuging bar lang ako makakita ng mga makikitid ang utak, hanggang high end bar pala nakakarating pa sila. Balak ko na sanang suntukin ang lalaking nangungulit sa akin, pero paglingon ko ay nakita ko ang mukha ni Akira sa tapat ng mukha ko. Nang silipin ko ang mga lalaking lasing na nangungulit sa akin ay hawak-hawak na sila ng mga bouncer ng bar. “Akira,” bulong ko. Hindi niya ako pinansin at dumiretso siya sa guard. “Here.” Inabot niya ang isang yellow card sa guard. “She’s with me,” dugtong pa nito. Member siguro siya rito kaya mayroon siyang membership card. Hindi na rin nakakapagtaka dahil alam kong may mga panahon talaga kung saan halos sa bar na siya natutulog dahil sa mga problemang dinadala niya. Nang makita ng guard ang card na iniabot ni Akira ay hinayaan na niya akong pumasok sa loob. Nakasunod lamang ako sa likod ni Akira habang naglalakad siya kung saan man na hindi ko naman alam kung saan. This was actually not my first time to go to a bar, but this was the first time after three years. Huminto siya malapit sa dance floor. “He’s that guy.” Tinuro niya ang isang lalaking nakaupo sa may bar stool habang nakayuko sa counter top. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Akira ay nakita kong naglalakad na siya papalayo sa akin. Hinawakan ko siya sa palapulsuhan. “Can you go home alone?” tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. “Yeah, I am,” she said in a cold voice. “I don’t need your help.” She held my hand, using her other hand to take my hand off from holding her wrist. I was left in awe when she slowly walked away from me. Napahinga ako ng malalim at napapikit bago kumawala ang ilang butil ng luha sa mga mata ko. Maya-maya pa ay natauhan ako kung ano ba talaga ang pakay ko kaya ako nagpunta rito sa bar. Dumiretso na ako sa may bar counter at nilapitan siya. Tinapik ko siya sa balikat. “Damien, wake up.” Tinapik ko pa siyang muli pero wala akong nakuhang sagot. Inilapit ko ang bibig ko sa kaniya at bumulong. “Damien, come on. Let’s go home.” Umungol naman ito at tinulak ako ng mahina. “I don’t want you here,” bulong niya sa hindi maintindihang boses. Hindi ko na lamang pinansin ang sinasabi niya dahil alam kong lasing lamang siya kaya niya ‘yon nasabi. “Tumayo ka na diyan, Damien.” Hinila ko siya patayo at isinabit ang braso niya sa balikat ko. Hindi pa kami nakakahakbang ay muntik na akong ma-out of balance. “Ah s**t!” sigaw ko nang tumama sa isang bar stool ang hita ko ng ma-out of balance kami. I should really start exercising by now.  Inabot na kaming dalawa ng siyam-siyam bago kami nakarating sa pinagparkingan ko. Nakailang hinto ata kami at bangga sa kung sino-sino bago ko siya mapaupo rito sa passenger seat. Sinuotan ko na muna siya ng seatbelt bago ako umikot papunta sa driver’s seat. Pinaharurot ko na ang kotse ko papunta sa condo ni Damien. Hindi kami nakatira sa iisang building ni Damien, pero halos magkalapit lamang ang condo ko sa condo niya. Walking distance lang kasi halos ang pagitan namin. Nang makarating na kami sa building na kinaroroonan ng condo niya ay ayoko nang lumabas. Nai-imagine ko pa lang kung gaano kahirap ang akayin si Damien ay gusto ko ng mag-back out. Bumaba na ako ng kotse at umikot sa passenger seat. “Damien!” tawag ko sa kaniya habang tinatapik siya sa braso. Umingit naman siya at sinubukang lumabas ng pinto. Ang kaso ay muntik na siyang mabuwal dahil sa kalasingan. “Damien, aalalayan kita. Wag kang magmadali.” Kinuha kong muli ang braso niya at isinukbit sa balikat ko. Nang makasakay kami sa elevator na nasa parking lot ay tinapik ko siya. “What floor is your condo?” tanong ko sa kaniya habang nakasandal sa may pader bilang suporta. “28,” bulong niya. Pinindot ko na ang floor 28 at muling sumandal sa pader. Nang makarating kami sa floor 38 ay nararamdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko pero isinawalang bahala ko na lamang ito. “What room are you in?” “There.” Turo niya sa dulong kwartong may numerong 3808. Dumiretso na kami sa room 3808 habang kinakapa ko ang bulsa niya para sa key card niya. “Where’s your key card?” sabi ko habang patuloy ang pagkapa ko sa bulsa niya. Hindi niya ako sinagot. “What’s your passcode then?” tanong ko ng may makita akong password door lock. “081394,” sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. I felt like some insects were running around inside my stomach. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pinindot ang mga numerong nagrerepresenta rin ng birthday ko. Nang makapasok kami ay ibinaba ko muna siya sa kama bago ako dumiretso ng banyo. Kumuha ako ng planggana at nilagyan ko ito ng tubig na mayroong sabon. Nagmamadali ako palapit sa kaniya nang makita kong pahulog na siya sa kama. “Damien!” Pinalo ko siya sa braso niya. “Wag ka munang gumalaw, utang na loob.” Sinimangutan ko siya ng hindi niya ako pinansin at gumalaw pa rin ng bahagya. Dumiretso ako sa walk-in closet niya para kumuha ng damit pantulog. Inabot na ako ng siyam-siyam kakahanap ng pantaas niya na pwedeng ipangtulog pero wala akong makita. Ano ba naman itong lalaki na ito at puro boxer lamang ang nasa damitan niya. Kumuha na lamang ako ng isang white inner shirt at isang boxer bago ako bumalik sa may kama. Nakatulala lamang ako sa tapat ng kama habang tinitignan siya. Teka saan ba ako dapat magsimula? Sa top or sa bottom? s**t, this was my first time taking care of a drunk person, so I didn’t know what to do. Unti-unti akong lumapit kay Damien. Sinilip ko muna kung mayroon pa ba siyang inner shirt sa suot niyang dark blue na long sleeve pero wala akong nakita. Inisa-isa ko ang pagtanggal ng butones, pero nasa pangatlong butones pa lamang ako ay pawis na pawis na ako kahit pa nakabukas naman ang aircon sa loob ng kwarto niya. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang hiya dahil lagi ko naman na siyang nakikitang topless noong nasa U.S. pa kaming dalawa. Nakapikit ako habang tinatanggal ko ang mga sumunod pa niyang butones. Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman kong hindi na butones ng long sleeve ang nakapa ko, kundi butones na ng slacks niya. Naramdaman ko rin ang pagtama ng kamay ko sa bagay na hindi ko sinasadyang masagi. s**t! My sinful hands.  Nakapikit ang isang mata ko habang hinuhubad ko sa braso niya ang damit niya. See, I’m trying my best to not be sinful and look at something that I shouldn’t. Nang matanggal ko na ng tuluyan ang long sleeve niya ay napatingin ako sa slacks niya. Sa slacks lang promise wala ng iba. Hindi ko sinasadyang mapadaan ang tingin ko sa hubad niyang katawan. He looked so manly with his biceps and six pack abs. Plus point pa ang messy hair niya sa hot look niya today. Ganito na ba talaga siya kamacho dati pa? O ngayon lang na nasa Pilipinas na ulit kami? Hindi ko naman maalala na namangha ako sa katawan niya dati. Binabato ko pa nga siya dati kapag naglalakad siya paikot-ikot sa apartment namin na tanging boxer shorts lang ang suot. Iniling-iling ko ang ulo ko para mawala ang masamang iniisip ko. Damn, Rieuka. Hindi ka naman ganito dati ah. Ang akala ko ba inner beauty is greater than physical beauty? Eh bakit ngayon mukha kang hayok na hayok sa lalaki. Narinig kong nagri-ring ang cellphone ko kaya dali-dali akong dumiresto dito para sagutin, at mabura ang berde kong iniisip. Hindi ko na tinignan ang caller at basta ko na lamang itong sinagot. “Hello?” bungad ko matapos kong pindutin ang ‘accept’. “Rieuka, it’s me.” Tumaas ang kilay ko sa nagsalita. I looked at the name of the caller and I’ve seen that it’s unregistered. “Yeah, who’s this?” tanong ko dahil hindi ko naman nakilala ang boses niya. “It’s me.” A long pause as if he thought if he would introduce himself. “… Roman.” “Oh hi, Roman,” awkward kong sabi bago muling lumapit kay Damien na nakahiga pa rin sa kama. “I’m really sorry about earlier,” panimula niya. Nagsalubong ang kilay ko. “Yeah, I hope that it never happens again, and you never bring it up again,” sabi ko sa malamig na tono. “You see I don’t really like what you did, earlier,” dagdag ko pa. Isang mahabang katahimikan muli ang bumalot sa aming dalawa bago siya nagsalita. “Yeah, I’m really sorry.” Tumango-tango lamang ako kahit hindi niya ako nakikita. “So, what made you call me this late?”   “It’s about the project. The client wants to add extra details on the design.” “Yeah, what is it?” I put my phone into a loudspeaker. Talking to him while undressing Damien might be an excellent trick to eradicate my green-minded thoughts, right. “It’s actually hard to explain in a call. Can we see each other now?” Aabutin ko pa lang ang butones ni Damien ng mapatigil ako. “Now? As in ngayon na?” ulit ko pa para masigurong tama ang rinig ko. “If you won’t mind,” sabi niya sa mahinang boses. I looked at the wall clock inside Damien’s room, and I saw that it was already past eleven. “But it’s already late,” I stated as a matter of fact. “I know, I know. I just really want to tell you about the project.” Nang hindi ako magsalita agad ay muli siyang nagsalita sa kabilang linya. “I also want to sincerely ask for an apology.” “I—ah!” napasigaw ako ng bigla akong hilahin ni Damien papatong sa kaniya. “Damien!” Pinalo ko siya sa balikat dahil sa sobrang gulat. Humigpit ang pagkakapit niya sa akin. “Don’t go,” bulong nito habang nakapikit at yakap-yakap ako ng mahigpit. “You’re with someone?” tanong ng nasa kabilang linya. Muntik ko ng makalimutan na may kausap nga pala ako sa telepono. “I’m really sorry, Roman, but can we just see each other tomorrow morning?” Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap ni Damien pero sobrang higpit nito. “I can’t really make it tonight,” paliwanag ko rito.   “Oh, okay Rieuka, take care.” Hindi na ako sumagot sa kaniya at ibinaba ko na lamang agad ang telepono. “Let go, Damien,” utos ko sa kaniya ng kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakayakap niya sa akin kahit anong piglas ko. Umungol siya at napapikit ng mariin. “Don’t move, Zy!” sabi nito na para bang hirap na hirap siyang magsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong may matigas na bagay na tumutusok sa tiyan ko. Ngayon ko lang na-realize ang posisyon naming dalawa. Nakahiga siya sa kama habang walang pang-itaas at nakababa ang dalawa niyang paa sa lupa. Habang ako naman ay nakapatong sa itaas niya, at ang mga binti ko ay nasa gitna ng mga binti niya. “Damien!” Pinalo ko siya sa dibdib. Pakiramdam ko ay kasing pula na ako ng kamatis ngayon dahil sa posisyon naming dalawa. Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nakita kong titig na titig siya sa mga mata ko. Maya-maya pa ay nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ko papunta sa labi ko. “Damien,” bulong ko sa pangalan niya ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa halip na takot at pangamba ang maramdaman ko kagaya ng naramdaman ko nang ilapit ni Roman ang mga labi niya sa akin. Ang nararamdaman ko ngayon ay kakaiba, na para bang mayroon gustong kumawala sa tiyan ko. At para bang may nagtutulak sa akin na ako na mismo ang lumapit sa kaniya. Papikit na ako ng biglang magsalita si Damien. “I f*****g want to kiss you right now,” sabi niya habang titig na titig sa nakaawang kong labi. “But I can’t kiss that sinful lips.” Pumikit siya at muling humiga ng maayos sa kama. Naramdaman ko rin ang unti-unti niyang pagbitaw sa pagkakayakap sa akin. “Huh, bakit?” tanging nasabi ko na sa huli ay pinagsisihan ko rin. Gaga ka talaga, bakit ba parang hinihintay mong may mangyari ha. Bakit ba parang kating-kati ka kay Damien. “I’m fine, you don’t have to worry about me,” sabi nito bago itago ang sarili niya sa comforter. Wait, what did just happen? I’m just left here being clueless after all that I’ve done to take him home. I’ve left craving for that one stupid kiss. Sinipa ko ang kama niya sa inis at padabog na nag-walk out palabas ng condo niya. How dare that damn brute to made me feel like this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD