CHAPTER 11
AKIRA
*FLASHBACK 5 YEARS AGO*
Rinig na rinig sa buong bahay ang paglagutok at pagtama ng kamay ni Mama sa pisngi ni Papa. Naestatwa ako sa pagkakatayo nang marinig ko ang mga sigawan sa baba.
Bumangon ako ng maaga dahil pang-umaga ang mga klase ko ngayong araw, pero mali ata ang tiyempo ko dahil pagkababang-pagkaba ko ay sakto namang nagsisimula pa lamang silang magsigawan.
Narinig ko ang paghikbi ni Mama. “Ang kapal ng mukha mo Joseph, kung kailan matagal na tayo at saka mo pa naisip na magloko.”
“I’m sorry, Love,” rinig kong sabi ni Papa.
“Hindi mo ko madadala sa love love na yan. Kailan pa ito ha?”
Nang hindi sumagot si Papa ay narinig ko ang pagtama ng mga gamit sa sahig. Rinig na rinig ko ang unti-unting tunog ng pagkabasag ng mga ito at pagtama sa lupa.
“Bakit hindi ka makasagot? Kasi matagal niyo na akong niloloko ng babaeng yun?”
Sumilip ako at nakita kong dinuduro-duro ni Mama si Papa sa dibdib. “Sumagot ka Joseph. Wag mo naman kaming pagmukhaing tanga ng anak mo.”
Kitang-kita ko kung paano unti-unting napaupo si Mama sa sahig habang yakap-yakap niya ang sarili niya.
Hinawakan siya ni Papa sa balikat para alalayang tumayo. “I don’t want to hurt you. I didn’t mean to hurt you and our daughter,” sabi niya habang sinusubukang yakapin si Mama.
Tinulak siyang palayo ni Mama. “Well, guess what Fidel. You already did!” sabi ni Mama sa madiing tono bago lumabas ng kusina.
Nagtago naman ako agad sa pader bago ako makita ni Mama. Ayokong malaman niya na narinig ko ang pagtatalo nila ni Papa. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.
Gusto kong lapitan si Mama para i-comfort siya ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko habang sinusundan lamang siya nang tingin.
Maya-maya pa ay narinig ko ang papalapit na tunog ng yapak ni Papa.
Napatigil siya sa paglalakad nang mapatingin siya sa pwesto ko. “Akira, kanina ka pa ba diyan?” tanong niya sa akin nang makita niya akong nakatayo malapit sa pader na pumapagitan sa sala at sa kusina.
“Iha—“ Hindi niya natuloy ang sinasabi niya nang makita niya ang unti-unti kong pag-atras habang lumalapit siya sa akin. “Anak,” pagsusumamo niya.
“Don’t, Papa!” sigaw ko nang lumapit pa siya ulit sa akin ng isang hakbang. “Don’t gaslight me again, ever!” sabi ko sa madiing tono.
“Ilang beses kitang tinanong Pa kung totoo ba yung mga sinasabi nila sa akin.” Tumawa ako ng peke. “At ilang beses mo ring sinabi na kung may tiwala ako sa ‘yo hindi ko dapat sila paniwalaan,” sabi ko habang unti-unting kumakawala ang mga luha sa mata ko.
Sinamaan ko siya nang tingin. “And now what? Malalaman ko na totoo naman pala. Nalaman ko na mas dapat pa pala akong maniwala sa iba kaysa sa tatay kong manloloko,” sumbat ko sa kaniya.
He reached out to me. “I’m sorry anak,” sabi niya sa nagmamakaawang boses.
Tinabig ko ang kamay niya. “Too late, Papa. The damage has been done.” Tinignan ko siya sa mata. “You broke me, and not only me but also Mama. I hope your happy with your new family, cause you just lost one,” sabi ko sa galit at madiin na tono.
Tinignan ko si Papa sa mga mata niya at nakita ko roon ang sakit na bumabalatay sa kaniya, dahil sa lahat ng mga sinabi ko.
Sinubukan niya ulit akong lapitan pero umiling-iling lang ako at humahakbang paatras papalayo sa kaniya. Sunod-sunod ang naging pagtulo ng mga luha ko na parang gripo. Tumakbo ako papalayo rito, papalayo sa tahanang itinuring kong panghabang buhay kong uuwian.
“Sorry,” sabi ko ng mayroon akong mabanggang studyante. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga librong nabitawan niya dahil sa akin.
Naglalakad ako ngayon dito sa may hallway ng university papunta sa pangalawa kong klase ngayong araw.
Hindi ako naka-attend sa una kong klase dahil mugtong-mugto ang mga mata ko. Nahihiya akong magpakita ng ganoon ang itsura ko kaya tumambay muna ako sa banyo at sa library ng isa ‘t kalahating oras para mahimasmasan.
Ilang linggo ng usap-usapan sa school naming may kabit si Papa at ilang araw ko na rin siyang tinatanong tungkol dito.
Sikat kasi ang negosyo ni Papa, at bali-balita ng mga kasosyo niya na nakikita nilang may kasamang ibang babae si Papa. At dahil maraming mayayaman dito sa school ay ang bilis kumalat ng balita. Tunay nga namang may pakpak ang balita dahil andaming marites sa paligid.
Noong una ay hindi ako naniwala agad, na kahit ang sakit-sakit sa dibdib ay mas pinili kong paniwalaan ang pamilya ko keysa sa ibang tao.
Ngunit nagkamali pala ako nang kinampihan, dahil ang pinaniniwalaan kong tao na hindi lolokohin si Mama ay siya rin palang mananakit rito.
I believed that Papa wouldn’t lie to me because I’m her daughter, but look where that takes me. I’m now just a pathetic daughter who believed in her cheating father, who gaslighted her.
Natapos ko ang lahat ng klase ko ngayong araw ng walang pumapasok sa isip ko kundi ang problemang naiwan sa bahay.
Nakatulala lamang ako sa buong klase, at kahit pagalitan na ako ng mga Professor ko dahil hindi ako makasagot sa mga tanong nila hindi kagaya ng dati ay wala akong pakealam.
Sa halip na umuwi na at maalala ko na naman ang lahat ng problema ay mas pinili ko na lamang na gumala muna. Nakaupo ako ngayon sa may parkeng malapit sa school habang tulalang humihigop ng dark chocolate flavored na frappe.
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Sisikuhin ko na sana ito kung hindi ko nakitang maliit lamang ang braso nito na parang braso ng babae.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Rieuka. “Hey,” sabi nito bago umupo sa tabi ko at nilagay ang isang puting plastik sa harapan ko.
“What’s this?” Tinuro ko ang plastik na dala-dala niya.
“Buti naabutan pa kita. Akala ko pagbalik ko ‘y nakaalis ka na,” sabi nito bago nagbukas ng isang bote ng tubig at uminom rito.
“That’s your favorite ice cream from the ice cream parlor you showed me last time. I thought that you might need it to boost your mood,” simpleng sabi nito na para bang wala lang ang ginawa niya.
“Someone told me that you doesn’t look fine, so I’m here trying to comfort you,” sabi niya bago ilahad ang kamay niya para iparamdam sa akin ang presensiya niya.
Unti-unting namuo ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniyang nakangiti sa akin.
“Oh my gosh, why—“ Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang yakapin ko siya bigla.
“Thank you!” I murmured. “I’m so glad to have you as a friend,” sabi ko habang ang higpit nang pagkakayakap ko sa kaniya.
“I’m sorry,” bulong nito.
Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya. “Why are you sorry, when you didn’t do anything wrong?” tanong ko habang magkasalubong ang mga kilay ko.
Hindi siya agad sumagot. Ibubuka niya ang mga labi niya na parang may gusto siyang sabihin, pero sinasara niya rin ito ulit.
Ngumiti siya. “I’m sorry that I came late to comfort you,” sabi niya habang iniiwas ang tingin niya sa akin.
“You’re not late Rieuka. Your timing was just perfect, because I was just about to call you when you came.” Nginitian ko muna siya bago ko tinignan kung anong dala-dala niya.
Napapadyak ako sa sobrang tuwa nang makita kong ito ang paborito kong flavor ng ice cream.
“Thank you, Rieuka. This is my favorite,” turo ko sa ice cream na dala niya. Kinuha ko agad ang kutsarang naka-tape sa gilid nito para masimulan ko na ang pagkain.
Nang maubos ko ang ice cream na dala niya ay kahit papaano ‘y gumaan ang pakiramdam ko. Na kahit walang nagsasalita sa aming dalawa, alam kong may karamay ako dahil kasama ko siya.
Tumingala ako sa langit at nakita kong madilim na pala. Ginabi na pala kaming dalawa kakatambay rito sa parke.
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong andaming missed calls at texts sa akin nila Mama at Papa. Hindi ko ito narinig kanina dahil sinadya kong i-silent at i-turn off ang phone ko para hindi nila ako matawagan.
Hindi ko pinansin ang mga message ni Papa, at tanging si Mama lang ang minessage ko.
'Ma, I’m here in the park near the university with Rieuka. Don’t worry about me, I’m fine. I’ll come home later when I feel a little bit better. I’m always here for you. I love you, Ma.’
Matapos kong i-send ang mensahe ko kay Mama ay ibinalik kong muli ang cellphone ko sa bag ko.
“You’ve probably heard what happened to my family,” panimula ko sa usapan namin ni Rieuka.
Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako sa gusto kong sabihin. “Thank you for not asking me, and waiting patiently until I’m ready to tell it to you,” sabi ko bago ko siya ngitian.
“You don’t have to tell me anything, Akira. Ayos lang naman sa akin kung hindi ka handang magkwento ng kahit ano. Ang mahalaga lamang sa akin ay nandito ako sa tabi mo para damayan ka,” sabi niya habang nakatingin rin sa kalangitan.
“I didn’t tell you not because I’m not ready to spill it or because I don’t trust you.” Huminga ako ng malalim. “But because I’m in denial. I can’t believe that Papa can do that to my mom, to me, to our family.”
Pumikit ako, at sa pagpikit ko ay may naramdaman akong mainit na likidong umagos sa pisngi ko. “I can’t believe that the man I trusted the most is the same man who will break me the most.”
“Bakit ba siya nambabae? Hindi pa ba kami sapat ni Mama para sa kaniya? Is he not happy with us anymore? Did he found a better family? “Doesn’t he love use anymore?” tuloy-tuloy kong tanong habang tuloy-tuloy rin ang pag-agos ng mga luha ko.
Hinila ako ni Rieuka papalapit sa kaniya para yakapin ako ng mahigpit. “Shh don’t think like that, maybe he had his reasons, right?” sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.
“No reason is acceptable for me in this kind of situation, Rieuka,” sabi ko sa galit na tono. “Kahit ano pa ang irason niya, hindi dapat niya kami pinagmukhang tanga.”
“Hindi dapat siya nagsinungaling sa akin noong mga panahong kaya ko pang tanggapin ang mga rason niya. Noong mga panahong handa akong patawarin siya.” Nagtaas ako ng tingin kay Rieuka. “But he didn’t Rieuka. Instead of owning his mistakes, he lied to me,” sabi ko ng may halong puot sa tono.
I felt really furious about my father at that moment. I felt that different kind of range where I want to have my revenge. I want to get even. I want to hurt them the same way that they’ve hurt me.
*END OF FLASHBACK*