Chapter 9: Home
__________________________
May - Summer Before Junior year (Highschool)
"Nasaan na si Dennise?" tanong ng Daddy ni Alex ng makita niyang naglalakad na pababa sa hagdan si Alex dala yung baso ng tubig.
"Nakahiga na... Pero siguro di yun makakatulog ngayon, umiiyak pa din siya Dad," sabi ni Alex "Okay lang ba kung samahan ko siya? She needs me," sabi ni Alexandra.
"Sure... Everyone who lives here is family. Sige na asikasuhin mo na siya, magpapahinga na din kami ng Daddy mo" sabi ng mommy ni Alex.
"Oo nga, may trabaho pa kami bukas..." sabi ng Daddy niya at umakyat si Alex papunta sa guest room. Nakita niyang nakaupo si Den sa kama na iniwan niya kaninang nakahiga na.
"Hey..." sabi ni Alex at lumapit siya kay Den. Umupo siya sa tabi ng girlfriend niya at hinawakan kamay ni Den "I wont ask anything tonight, I know its hard... But you must sleep." sabi ni Alex at tumingin lang si Den sakanya. Mga ilang saglit pa lang niyakap siya ni Den at umiyak ulit. "Let it out... I'll be here forever whenever you needed me" sabi ni Alex. Ganun lang sila ni Den hanggang mag 2am na.
Tumayo si Alex at niyaya niya si Den sa kwarto niya. Pagkaupo ni Den sa kama ni Alex naghubad si Alex ng damit. Tumingin si Den sakanya tumaas yung kilay na nakita naman ni Alex.
"Relax... I'll change lang ng shirt." sabi ni Alex at nakita ni Den na sinuot ni Alex yung damit niyang Mickey Mouse. Nagsmile si Den. "Dont say anything!" sabi ni Alex at nagpout siya kay Den at umupo sa tabi niya.
"Ang cute" sabi ni Den at nagsmile siya kahit konti.
"Nakakatulog kasi ako ng maayos pag suot ko to. Favorite shirt ko to" sabi ni Alex. "Yan nagsmile na ikaw." humiga si Alex at tumingin siya kay Den "Tulog ka na... Halika na" humiga si Den at niyakap si Alex. "Good night" sabi ni Alex
"I love you" sagot naman ni Den at napasmile si Alex at hinalikan niya yung forehead ni Den at natulog silang dalawa.
__________________________
June - Junior Year (Highschool)
Three weeks na si Den kanila Alex. Minsan pupuntahan ng Mommy ni Den yung bahay nila Alex pero hindi hinahayaan ng mga Parents ni Alex na makalapit sila kay Den.
"Lex okay na ba kayo ni Den? Hahatid ko na kayong dalawa sa school..." sabi ng Daddy ni Alex.
"Wait lang Dad!" sumigaw si Alex galing sa kwarto niya at lumakad siya papunta kay Den. "Baby... Okay na ba talaga sayo pumasok?"
"Hm-mm, first day ng klase... ofcourse. Tara na..." sabi ni Den.
Dumating silang dalawa sa school at naghiwalay na sila. Si Den pumunta sa Chemistry Class nila ni Ella, si Alex naman at Jovee nasa English literature na subject.
Umupo si Alex sa tabi ng bestfriend niya.
"How is she?" sabi ni Jovee pagkaupo na pagkaupo ni Alexandra sa tabi niya.
"Still keeping up... She's better, tumatawa na siya kahit papano." sabi ni Alex.
"Bakit parang malungkot ka din?" sabi ni Jovee.
"I dont know... I feel like na medyo sinisisi niya ako sa nangyari which is-" naputol yung pagsasalita ni Alex.
"Stop. You always blame yourself, Alex hindi ikaw ang may gawa. Yung parents ni Dennise ang hindi nakakaintindi, pag nalaman ni Dennise na ganyan ang iniisip mo magagalit sayo yun. Tama na." sabi ni Jovee. "If I were you, I'll just take care of her, okay? Dont be stupid."
"Okay" sabi ni Alex at umiling lang si Jovee sakanya.
Lunch break na. Sama sama nanaman yung apat sa table. Habang kumakain si Ella, Jovee at Alex si Den naman nakalean lang sa balikat ni Alex.
"Besh kumain ka naman oh? Kahit konti lang... May training tayo mamaya" sabi ni Ella.
"Oo nga... Den please kahit konti-" napatigil si Alex nang makita niyang padating yung mommy ni Den.
"Mom..." sabi ni Den at napakapit siya kay Alex.
"Anung ginagawa mo dito?" sabi ni Alex sa mommy ni Den.
"Gusto ko sanang makausap kayong dalawa..." sabi ng mommy ni Den at nagexcuse na si Jovee at Ella. Umupo yung mommy ni Den.
"Kung sasabihan niyo nanaman po siya ng masasakit na salita, makakaalis na po kayo" sabi ni Alex and she is not letting her anywhere near Den.
"Nandito ako para magsorry sayo at sa anak ko..." sabi ng mommy ni Den at hinawakan niya kamay ni Den pero inalis agad ni Den kamay niya.
"Nakikinig po kami" sabi ni Alex.
"Actually pinuntahan ako ng Mommy mo Alexandra sa bahay kaninang umaga, we've talked and I realize how bad I am as a mother... Dapat I gave you two a chance, Im so sorry" sabi ng Mommy ni Den "Honey please, bumalik ka na sa bahay"
"Si Daddy?" sabi ni Den.
"I’m so sorry, I cant change his mind. He still doesn't approve but he let me take you home... Please Den umuwi ka na," sabi ng mommy ni Den at hinawakan ni Den kamay ni Alex sa ilalim ng lamesa. Tumingin si Alex sakanya at tumango at ngumiti.
"Sige po. Magpapaalam lang ako kanila tito at tita mamaya." sabi ni Den.
"Ofcourse, susunduin na lang din kita mamaya sa house nila Alexandra... Gusto ko din magpasalamat sa parents niya" sabi ng mommy ni Den at tumingin siya kay Alex "Alagaan mo si Dennise, siguro naman matututuhan ko din intindihin kayong dalawa in the process. Just dont let her cry," sabi ng mommy ni Den at naluluha .
"Mom... Dont harassed her," sabi ni Den at ngumiti siya kay Alex at namula si Alex.
"Nagbibilin lang naman ako" sabi ng mommy ni Den "Sige I'll see you soon, Hija. I'll pick you up around 8..." tumayo siya at niyakap si Den at umalis.
Naiwan si Alex at Den sa table nila.
"Lex thanks... I really want to kiss you right now, kaso ang daming tao" sabi ni Den.
"Its okay..."
"Thank you for taking care of me"
"Of course..."
"Okay ka lang? Para namang di ka masaya. Okay na tayo kay mommy... Smile ka naman" sabi ni Den.
"Im gonna miss you..." sabi ni Alex.
"Me too." sabi ni Den. Tumayo si Alex at hinila niya si Den "Hey! San tayo pupunta?"
Hindi siya pinansin ni Alexandra nakita na lang niya na kinuha ni Alex sa bulsa niya yung susi at binubuksan niya yung quarters ni Max.
"Panu ka nagkaroon niyan?!" sabi ni Den.
"I told you, close kami" sabi ni Alex at sinara niya yung pinto nung nakapasok na sila. "Well you can kiss me now... Wala ng tao" sabi ni Alex at taas kilay niya.
"You drag me here for that?!" sabi ni Den as she cupped Alex's face and drag her down. At hinalikan niya si Alex.
"Sarap ng feeling...hehehe" sabi ni Alex.
"Anu namang feeling?"
"Yung feeling na pasok ang team sa finals..." sabi ni Alex at natawa si Den sakanya. Hinalikan ulit siya ni Den at mas matagal.
"Oh ayan... anung feeling?" tanung ni Den
"Finals MVP..." sabi ni Alex at constant lang yung ngiti niya habang medyo kinilig si Den
"I don’t know how you do that..."
"Do what?"
"Relate everything to volleyball... you're such a dork," sabi ni Den at pinisil niya ilong ni Alex. "Puro volleyball na nasa ulo mo"
"Puro ikaw naman nasa puso ko..." sabi ni Alex at napangiti si Den at hinampas niya si Alex pero biglang nagbell. "Wow... yung timing ng bell"
"Tara na... Ayoko malate"
Lumabas silang dalawa at naghiwalay na sila ng Daan. Pagliko ni Alex sa Hallway nakatayo si Jovee at nakangiti lang sakanya.
"What?!" sabi ni Alex.
"Wala pa kong tinatanong. Masyado kang guilty..." sabi ni Jovee at inakbayan niya si Alex "Anu? Usapang magbestfriend nga... Naka home run ka na?" sabi ni Jovee as he wiggle his brow.
"What?! No! What the hell Jov!" sabi ni Alex at binilisan niya maglakad hanggang maiwan si Jovee.
"Chill lang Lex, nagtatanong lang..." sabi ni Jovee at hinahabol niya maglakad si Alex "Pero buti ako nakakita sainyo... Kung ibang tao yun naku, be careful minsan ah? Hanggang kailan kayo ganyan?"
"Until we're ready... I really don’t know when. Hirap."
"You'll make it... Both of you. I really believe that whatever happens kayo pa din sa huli" sabi ni Jovee.
"How do you know?"
"Because I know you... That's why" sabi ni Jovee at naglakad na sila papasok sa classroom.
__________________________
After ng klase umuwi na si Den at Alex. Nagliligpit na ng gamit si Den at nakaupo lang si Alex sa kama at nakatingin sakanya. Tumayo si Alex at kinuha niya yung favorite niyang tshirt. Yung Mickey Mouse.
"Oh" sabi ni Alex at binigay niya kay Den.
"Anu to?"
"Keep it, alam kong mamimiss mo ko, kaya sayo na yan."
"Yabang. Hehehe. Thanks. Pero favorite mo to okay lang?"
"Oo nga!"
"Galit agad? Hmm. Hayaan mo aalagaan ko sarili ko."
"Dapat lang..."
__________________________
Dumating na si Den at yung mommy niya sa bahay. Ayaw pa pumasok ni Den, pero hinawakan ng mommy niya kamay niya.
Pagpasok nila sobrang tahimik nung bahay.
"Mukang tulog na Daddy mo. Magpahinga ka na din. May pasok ka pa bukas." sabi ng mommy ni Den.
Lumakad sila papunta sa kwarto ni Den ng papasok na sila biglang lumabas yung daddy ni Den sa kwarto.
"Dad nandito na si Den..." sabi ng mommy ni Den. Tumingin sakanya yung asawa niya at naglakad papunta sa kusina. Di man lang niya tiningnan o pinansin yung anak niya.
Nasaktan si Den, alam niyang di agad siya matatanggap pero di man lang siya pinansin ng Daddy niya. Pero kailangan niyang maging malakas, para mapakita niya sa mga magulang niya na seryoso siya...
Rejection hurts the most if it’s from someone you love but I must be strong... If there's a person I can be vulnerable with, it’s Alex. Only her. This is my Home, but it doesn't feel one.
"Den. I’m sorry. It’s hard for me, all of these lalo na sa Daddy mo... just understand him," her mom pleaded at her, kulang na lang lumuhod siya sa harap ni Den para iwan si Alex, but she knows Den, she wants what she wants, and the only thing she can do is compromise.
"No. Its okay Mom, hindi man ako matanggap ni Daddy na ganito ako... maybe eventually but obviously not too soon, he'll come around... Una na po ako magpapahinga na ko" sabi ni Den. Niyakap siya ng Mommy niya.
"Good night baby girl... I love you"
"I love you too mom..." sabi ni Den at pumasok siya sa kwarto niya. Umupo si Den sa kama niya at dinial ang isang familiar na number.
"Baby?" sagot ni Alex
"Lex..." sabi ni Den at tumulo na ang luha niya.
"Wait... are you crying?"
__________________________