"LOLA, kwentuhan mo naman po kami ng kuwentong pag-ibig ninyo noong kabataan n'yo," excited na wika ni Sandra. Kasalukuyan kasing nasa sala silang lahat. Umaga pa ay nambulabog na sina Enzo at Sandra at napiling tumambay kila Georgina. Saktong naro'n ang matandang si Lola Ester kaya't para hindi ito ma out of place, chinika nila ito. "Nako, napakapait ng una at huling karanasan ko sa pag-ibig. Baka umiyak kayo," anito pa. "Sige na, Lola. Ikwento n'yo na nang malaman rin namin," pagpupumilit ni Georgina. Napabuntong-hininga ang matanda. "O, siya sige," panimula ni Lola. "Umibig rin ako no'ng araw mga apo. Una't huling pag-ibig ko na iyon. Mga nasa kaedaran ninyo ako nang makilala ko iyong isang misteryosong lalaki. Kung sa paguwapuhan lang ay taob lahat ng mga kalalakihang nanligaw sa a

