PAGKATAPOS ng saglit lang na pagbisita nila sa Mama ni Enzo ay nagpasya na silang umuwi. Saglit lang rin silang namaalam sa mga magulang ni Georgina. Mangiyak-ngiyak na naman ang Mamsy niya pati na rin ang kanyang Papsy nang magpaalam muli ang dalaga. "Sis, grabe naman. Nakakaiyak ang Mamsy at Papsy mo. Halatang mahal na mahal ka talaga. Sana all talaga one happy family," medyo naiinggit na wika ni Sandra habang nasa biyahe sila. "Nasaan ba ang Mommy mo, Sis?" tanong ni Georgina. "Wala na 'yon, Sis. Iniwan niya kami ng Daddy. Ni hindi ko nga naranasan saglit manlang ang pagkalinga niya. Hindi na bale," malungkot niyang sagot. Natahimik si Enzo sa narinig niya. May kaunting kurot siyang naramdaman sa kanyang puso. Life is really unfair to other people. Lumaki pala si Sandra na walang

