Habang si Juancho naman ay nasa ilalalim na ngayon ng mesa at nagtatago pilit niya pa ring sinisilip ang mga kaganapan. Nakaramdam tuloy ito ng inggit dahil si Enzo ay buong confidence at puwedeng makita ng ina ni Georgina samantalang siya, narito sa ilalim ng mesa at itinatago ng dalaga. "Juancho, humihinga ka pa ba riyan?" pagbibiro ni Sandra. Nakuha pa nitong magbiro kahit kinakabahan na sila dalawa ni Georgina. "Bakit kasi kailangan niyan ni Juancho na magtago?" Si Kaye. "Basta, Ma'am mahabang kwento, e," maagap na sagot ni Sandra rito. Sinakyan lamang nilang lahat ang pagtatago kay Juancho. "Ah, puwede bang maupo?" ani Mamsy ni Georgina. Napatalon tuloy ang dalaga sa gulat at pagkataranta. "Po?! H'wag po—I mean, doon na lang po kaya tayo sa kuwarto ko?" alok ni Georgina. "Bakit

