“Hay, naku! Gigisingin pa ‘yan dapat para magsipilyo,” anang ina ni Jesse. “Oo nga kaya ihiga mo na muna ‘yan diyan sa sofa,” sabi ng dalaga na itinabi muna ang nakabukas na payong malapit sa nakabukas na pintong mayor. “Okay,” napangiting anang binata at marahang inihiga ang bata. “Want to have something to drink?” ang alok niya. Kumibit naman ang lalaki. “Juice?” “Sige, halika sa kusina. Si Mama na ang bahala diyan sa apo niya. Mag-aaway na naman ang mga ‘yan dahil sa pagsisilpilyo. ‘Pag tinatamaan ‘yan ng katamaran, eh lagi iyang napagsasabihan ni Mama,” kuwento niya. Pinaupo niya ang lalaki sa may kabisera ng medyo pahabang mesang nasa gitna ng kusina saka kumuha siya ng pitcher ng mango juice na halos palaging naka-stock sa kanilang refrigerator. Kumuha na siya ng baso at inilap

