Kabanata 27

4878 Words

MATAAS na ang araw nang makarating ang grupo ni Gregorio sa harapan ng nawasak na simbahan. Matatagpuan ang naturang simbahan sa dulo ng siyudad kung saan hindi na gaanong napupuntahan ng mga tao. Isa lamang iyon sa mga gusaling hindi na inayos pa sa dakong iyon ng New Manila. Kahit saang direksiyon siya tumingin mga wasak na gusali ang sumalubong sa kaniya na dating tirahan ng mga taga-sunod ng simbahan. Tanging ang kampanaryo ang lumilitaw sa simbahan dahil sa kapal ng hamog na nakapaligid dito. Nagsitalon ang lahat mula sa kinasasakyang mga agila para makababa. Siya ang nahuling tumalon bago maglaho ang agilang sinakyan niya sa mumunting ilaw. Sa bilis ng bugso ng hanging tumatama sa kaniyang katawan pinaglalaruan niyon ang puting balabal na kaniyang suot. Pinagmasdan niya pa ang tat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD