NATABUNAN ng sikat ng araw ang naiwang tanda ng sama ng panahon na dumaan sa nakalipas na gabi. Hindi na makita ang hagupit ng hangin sa mga lansangan sa magandang simula ng panibagong umaga na para bang payapa sa siyudad na iyon. Panandaliang naging malamig ang paligid dulot ng mahabang pag-ulan na hindi naman niya mabigyan ng atensiyon. Nanunuot ang lamig sa kaniyang balat habang nakamasid siya sa bintana na nakaupo sa hinila niyang upuan. Tumatama sa kaniyang mukha ang lumulusot na sinag ng araw sa salamin. Sa dami ng tumatakbo sa kaniyang isipan nawawalan na siya ng panahon para malugod sa ibang mga bagay. Hindi siya kumilos sa kinauupuan mula pa nang matapos siyang magluto ng almusal bilang pasasalamat sa pagtulong ng matandang lalaki. Nakararamdam na siya ng kirot sa likod sa taga

