NAGHIHINTAY na sa kaniya ang kaibigan niyang si Kenji pagkabalik niya ng bahay ng matandang lalaki. Prente itong nakaupo sa sofa nang mag-isa na para bang hindi ito galing sa malalim na pag-iisip. Hindi makikita sa mukha nito na napaglaruan ito ng demonyo, tumingkad ang balat nitong kayumanggi dahil katatapos lang maligo. Nakuha pa nitong ilagay ang kamay sa katapat ng kilay para sumaludo sa kaniya. Maayos man itong tingnan pero alam niya sa kaloob-looban nito mabigat ang nararamdaman nito. Hindi siya maloloko ng pagpapanggap nito na parang wala talagang problema. Sa tagal nilang naging magkaibigan alam niya ang ipagkahulugan ng mga kinikilos nito. Nakikita niya rin ang bigat ng dala-dala sa mga mata nitong mapungay. Hindi na siya nito nakausap nang marinig nila ang paglapag ng dalawang

