HINDI niya namalayang nakatulog siya sa paghihintay niya na magising ang kaibigan niyang si Kenji. Nakapatong ang kaniyang mukha sa gilid ng kama habang nakaupo sa sahig. Nagising na lamang siya dahil sa mabibigat na yabag na pumasok sa kuwarto. Dahil sa ingay na iyon unti-unti niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Una niyang napansin ang alaga niyang aso na nakatulog din katabi niya. Dahan-dahan siyang kumilos paupo nang kama upang hindi magising ang kaniyang alaga. Pinanghugas niya pa ang dalawang kamay sa kaniyang mukha nang maalis ang naiiwang antok sa kaniyang mga mata. Matapos niyon doon na niya tiningnan ang matandang lalaki na nakasandig sa pintuan. "Ano ang plano mo kapag nagising na ang kaibigan mo?" tanong ni Menandro. Magkatagpo ang mga braso nito sa dibdib. Tuwid siya niton

