SA KASUNOD na siyudad na mas nakakaangat sa pinanggalingan nila sila nagpunta kaya natagalan sila sa himpapawid. Dahil dito nanuot sa kaniyang balat ang lamig na gawa ng umiihip na hangin. Kung hindi siya sanay sa lamig pihadong nangatog ang kaniyang mga ngipin. Mabuti na lang manhid ang kaniyang katawan pagdating sa ganoong temperatura. Kahit saan siya tumingin ang sumasalubong sa kaniya ay buhay na buhay na mga lansangan. Sapat ang kuryenteng naitutustos sa lugar na iyon dahil sa pinatayong planta na nag-iipon sa sikat ng araw. Hindi naman iyon ang sentro ng bansa ngunit nagkakailaw buong araw at gabi. Pumaibaba ng eskenita ang lobo nang malapit na sila sa pinakamataas na tore kung saan hindi sila mapapansin. Sa puntong lumapag ang apat na paa ni Paco doon na ito nagsalita. "Kailangan

