SA PAGLAPIT ng elebeytor sa kinakatayuan niyang bakal inihanda niya ang kaniyang sarili. Lalo na't mabilis ang pag-andar niyon paitaas. Tinutok niya ang kaniyang mata sa sipi sa bubong ng elebeytor. Ilang sandali pa nga ay nakarating na ito sa kaniya kung kaya tinalon niya ang elebeytor. Lumagpak ang dalawan paa niyang magkatagpo sa sipi sa pagsalubong niya rito. Dahil sa manipis na bakal lamang iyon nayupi iyon papasok kaya nakalusot siya roon. Inihanda niya kaagad ang mahabang baril sa paglapag niya sa loob ng elebeytor dahil maging ang siyentipikong nakatayo sa sulok ay mayroong ding hawak na mahabang baril. Nagpakawala siya kaagad ng putok sa paa nito bago pa siya nito maunahan. Sinundan niya kaagad ng pagsipa sa hawak na baril ng siyentipiko. Pagkaraa'y tinutok ng baril sa dalaga. Nat

