Tumagal ng ilang segundo ang alingawngaw ng putok ng baril habang tumataginting sa kaniyang dalawang tainga. Inasahan niya talagang matatamaan siya ng lalaking mayroong tatu sa leeg, ngunit hindi naman ganoon ang nangyari. Sapagkat wala naman siyang ibang naramdaman na p*******t sa kaniyang katawan maliban sa kaunting kirot ng nagamot na ring sugat sa kaniyang balikat. Dumagundong pa ang puso sa kaniyang dibdib dahil sa gunamgunam, nawalan siya ng kontrol upang mapigilan iyon Sa pagtipon niyang muli ng mga senaryo sa isipan, ngumisi ang lalaki na pinapakita ang bahagyang naninilaw nitong ngipin. Kapagkuwan ay matuling pinaikot nito ang baril sa daliri sabay isinukbit sa lagayan sa hita. Sa itsura nito malalamang pinaglaruan nga lang siya nito, hinuhuli siya sa kamaliang naiisip nito na

