Pinaliwanag pa Niya Ang mga rules niya Bago Ako lumabas sa office. Napagod yata ako sa Dami ng bawal Niya kaysa sa malayong byahe namin kanina. Kaya pagkadating ko sa room pasubsob akong tumalon SA kama. Magpapahinga na muna ako. Mamaya nalang Ako maligo.
Kinabukasan nagising Ako dahil sa ingay ng nag uusap. Dahil antok pa Ako Hindi ko nalang sila pinansin.
“Kapag Hindi mo pa yan gigisingin papaliguan ko Siya Dito mismo sa kama” dinig Kong Sabi ng kung sino kaya napadilat ang mga mata ko. Nakita ko Naman Ang Isang bakla na nakapamewang kay Abby.
“Abby, Anong problema?” Tanong ko Kay Abby. Hindi pa kasi nila ako napansin.
“Mabuti Naman at gising ka na. Ikaw Ang problema. Anong Oras na Marami pa tayong gagawin! Bibigyan kita ng 10 minutes para makagayak. Hintayin kita sa baba. Bilisan mo!” pagtataray ng bakla Saka umalis. Kunot noo naman Akong nakasunod ng tingin Dito.
“Sino yon? At Anong problema niya?” Tanong ko ulit Kay Abby na nakanganga rin.
“Mamaya ka na magtanong. Bumnagon ka na at maligo. Bilisan mo. Baka Magalit na naman ang butiki na yon pati Ako lagot” sagot nito. Aangal pa sana Ako pero hinila na niya ako Saka tinulak papuntang CR. Nagmamadali naman akong maligo at magbihis.
Nakita ko Naman yong bakla at si Mavvy na nag uusap sa Sala. Inirapan pa ako Ng bakla pagkadating ko.
“Aba. Ang lakas Ng loob. Baka Isang pitik ko lang dito talsik na ito. Kung makapagtaray Akala mo kung sinong matibay” ngitngit ng kalooban ko.
“So paano Sir, aalis na po kami. Asahan niyo po pagbalik namin Mukha na po siyang tao” Saad ng bakla sabay sulyap sa akin. Tumaas tuloy ang kilay ko. Lumapit naman ako Kay Mavvy ng umalis na si butiki.
“Anong Meron? At sino Naman yon?” Tanong ko kay Mavvy.
“Ito yong sinasabi ko Sayo na kailangan mong magcooperate. Basta sumunod ka lang sa mga pinapagawa Niya.” Sagot nito. Napakunot noo Tuloy Ako.
“Fine. Pero kapag sumusobra na siya tutuhugin ko talaga Siya” Saad ko nalang Saka ko ito iniwan.
“Bat ang tagal mo!” pagsusungit na naman ng bakla.
“Hindi pa naman siguro nag init yang pwetan mo para sabihing ang tagal ko” inis ko ring sagot sa kanya. Problema ba niya.
“Kung gusto mong maging maayos itong lakad natin wag mo akong pakitaan ng ganyang ugali dahil sa pagkakaalam ko Wala Naman akong ginawang masama sayo. Kung gusto mong sundin kita makipag usap ka sa akin ng maayos” dagdag ko pa. Diniinan ko pa ang pagkakasabi ko sa bawat kataga. Natahimik Naman ito at parang nagulat pa ito dahil nakatulala lang kaya sumampa na ako sa sasakyan. Pangiti ngiti naman si Abby na naghihintay din pala sa loob ng sasakyan.
“Buti nga..” pabulong nitong sabi.
Nagpunta kami sa isang salon. Parang mapapasabak talaga ako ngayong Araw na ito. May idea na ako sa gagawin Namin pero Hindi na Ako umimik dahil baka kapag pabalang na Naman Ang sagot ni Diva baka Hindi na ako makapagtimpi at maisabit ko na siya Dito sa mall kasama ng mga Christmas decors. Mabuti nalang medyo umayos na ito sa pakikipag usap sa akin pero mataray pa rin. Nalaman ko Rin Ang pangalan Niya kaninang nagpakilala siya.
Nakaupo lang Ako naghihintay kay Diva na nakikipag usap sa isa pang bakla. Wala naman akong problema sa mga bakla. Ayoko lang Ng sinusungitan Ako dahil Wala Naman akong ginawang masama.
“Grabe naman Dito girl, sobrang mahal” biglang sambit ni Abby na nagbubuklat Ng list Ng mga services at products.
“Wag mo nalang tingnan. Di naman natin maafford yan.” Sagot ko. Nakita ko naman itong tiniklop Ang listahan.
Mayamaya lumapit na si Diva at may mga kasama.
“Siya ba?” maarteng Tanong ng bakla Kay Diva. Nakita ko lang tumango si Diva. Sinuri Suri Naman Ako nito. Hindi nalang Ako nagreklamo. Wala Rin naman akong magagawa.
Halos limang Oras din ang tinagal ng mga ginagawa nila sa akin pero ayos lang dahil narelax Naman ako kahit na sa una masakit. Pagkatapos Namin sa salon Kumain Muna kami dahil sobrang nagutom na ako. Pagkatapos naming Kumain naghintay pa muna kami sa labas ni Abby dahil nagbayad pa si Diva.
“Look who’s here. Buhay ka pa Pala? Akala ko patay ka na?” Saad ng isang babae kaya napatingin ako dito. Si Trisha at Tanya Kasama Ang dalawang lalaki.
“Syempre kailangan Kong mabuhay para mabuhay din kayo. Makakagala pa kaya kayo Ng gangan kung Patay na ako” sarkastikong sagot ko.
“Dapat lang Noh, para may silbi ka naman sa pamilya at bayad mo na Rin Yan sa pag aalaga ni Mommy Sayo” sigaw ni Trisha kaya pinagtitinginan na kami Ng mga tao. Bubwelta pa sana ako pero pinigilan na Ako ni Abby. Sabay Biglang may lumapit na mga kalalakihan.
“Okay lang Po kayo Madam?” Tanong ng isang lalaki sa akin. Nagtaka man pero tumango na rin ako.
“Anong nangyari?” Tanong ni Diva pagkadating niya.
“Wala Naman” sagot ko nalang sa kanya.
“Sino kayo at Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Diva sa mga lalaki.
“Bodyguards kami ni Madam. Inutusan kami ni Boss para sa safety ni Madam. Akala Namin may umaway sa kanya kaya nandito kami” sagot Ng Isang lalaki. Nagulat Naman Ako sa sagot Ng lalaki. Bodyguards ko? Kailan pa ako nagkaroon Ng bodyguard.
“Sige na. Ako Ng bahala kay Madam. Balik na kayo sa pwesto niyo” Saad Naman ni Diva. Tumalima Naman Ang mga ito kaya napapasunod nalang Ako ng tanaw sa kanila. Nakita ko namam si Trisha na gulat na gulat.
“Okay ka lang?” untag ni Diva. Tango lang Ang sinagot ko sa kanya.
“Let’s go. May pupuntahan pa Tayo” sumunod Naman ako. Nilingon ko pa Sila Trisha na masamang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga nalang Ako. Ano kayang nagawa sa kanila dahilan para Magalit Sila Ng husto sa akin. Nagbalik Ang diwa ko nang mauntog Ako sa likuran ni Abby.
“Ano ba yan, bat huminto ka bigla?” Reklamo ko dito habang hinihilot Ang ilong ko na tumama sa ulo Niya.
“Talagang hihinto na ako kasi nandito na Tayo. Ikaw nga diyan Ang Wala sa sarili mo. Ano na Naman ba Ang iniisip mo. Yong mga Kapatid mo pa rin ba? Wag mo nalang Silang pansinin. Ma-stress ka lang. Halika na. Tawag na tayo ni Diva” Hindi na ako nakaangal dahil hinila na Ako nito papasok.
Halos mahilo Ako sa sobrang Dami Ng mga damit sa loob kaya umupo nalang Ako. Mabuti nalang may sofa Dito. Iidlip nalang Muna Ako habang hinihintay Sila. Pipikit na sana ako nang may lumapit na saleslady.
“Excuse me Ma’am. Mag umpisa na Po tayong magsukat Ng damit.” Malumanay nitong Sabi.
“Ay nagkakamali Po kayo Miss. Hindi Po ako bibili Ng damit. Nakikiupo lang Ako Dito dahil hinihintay ko yong mga Kasama ko.” Paliwanag ko.
“Hindi Siya nagkakamali kaya tumayo ka na diyan. Bilisan mo dahil baka malate ka na.” sabat ni Diva
“Malate saan?” kunot noong Tanong ka.
“Mamaya ka na magtanong. Sayang ang Oras. Oh ito. Isukat mo Ang mga yan” sabay abot ng mga gown?
“Ano to?”
“Duh! Obvious namang mga damit yan” inirapan pa ako.
“Anak ng butiki Naman oh. Alam Kong mga damit Yan pero bakit ko isusukat Yan Hindi Naman Ako nagsusuot Ng ganyan.” Reklamo ko.
“Well masanay ka na. Tsaka utos Yan Ng Fiancee mo dahil may lakad kayo Mamaya. Kaya bilisan mo na. Kapag Ikaw nalate Ako Ang malalagot. Bilis na.” Aangal pa sana Ako pero tinulak na ako nito. Kahit naguguluhan sumunod nalang Ako.