“Pero wait. Bakit Sabi mo masarap maging malaya. Anong ibig mong Sabihin?” curious Kong tanong.
“Ang dami mong Tanong sa Buhay ko. Pero tungkol sa Buhay mo Wala man lang akong alam maliban sa pangalan mo. Tara na nga. Puntahan na natin yong boss ko” tumayo Naman Ako at lumabas na rin. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko na kasama siya. Lalo na nong nagkwento Siya tungkol sa buhay Niya. Parang nag iba bigla Ang pananaw ko sa buhay.
Tinungo Naman Namin ang Isang clinic. Malapit lang din ito sa condo Niya.
“Dito ka nagwork?” gulat Kong Tanong.
“Malamang. Bakit parang gulat na gulat ka?”
“Hindi Naman. Akala ko lang Kasi isa Kang bouncer sa bar. Ang angas mo Kasi.” Natatawa Kong sabi. Napasimangot Naman ito.
“Ewan ko sayo.” Saka Ako iniwan. Inirapan pa ako. Natatawa nalang ako sa inasta Niya. Ang sarap niyang asarin.
“Hey. Wait lang.” tawag ko sa kanya pero nakapasok na ito sa loob. Sumunod nalang Ako sa kanya. Umusok ang ilong ko nang Makita ko si Sandy na niyakap ng isang lalaki pagpasok ko. Tumikhim muna ako kaya naghiwalay Sila sa pagkakayakap.
“Love, Siya ba ang sinasabi mong boss mo?” Tanong ko kay Sandy nang makalapit ako sa kanila. Pareho namang nanlaki ang mga mata nila na nakatingin sa akin. Yong lalaki naman palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sandy. “By the way, I’m Mavvy. Sandy’s fiancee” Saad ko nang Hindi pa rin umimik si Sandy. Nilahad ko din ang kamay ko pero katulad ni Sandy napatanga lang din ito. Pero Maya Maya din ay nahimasmasan ito at nakipagkamay na Rin.
“I’m sorry. Hindi ko alam na may fiancee na si Sandy kaya nagulat Ako.” Saad ng lalaki.
“It’s okay. Kaya din kami narito para ipaalam sayo since magkaibigan kayo at magpaalam na rin na magresign sa trabaho si Sandy para maasikaso ang aming kasal” sagot ko.
“Wait..Ahm..Doc Kris. Excuse lang Muna. May sasabihin lang Ako sa kanya” saad ni Sandy Saka Ako hinila palabas.
“Ano yong sinasabi mong resign? Wala sa usapan yon!” pagpipigil nitong sabi. Alam Kong inis na ito pero nagpipigil lang Siya dahil may mga taong dumadaan dito sa kinatatayuan namin.
“What? Kaya nga tayo nandito para magresign ka sa trabaho mo.”
“Bakit mo ako pinapangunahan? Binigla mo yong tao eh.”
“Bakit ka ba nagagalit? Sinabi ko lang Naman Ang pakay natin sa kanya. Ano mo ba siya? Boyfriend mo ba yong labanos na yon?” inis ko ding Tanong sa kanya. Matalim Naman Ako nitong tiningnan na Akala mo sinaksak na ako ng ilang beses.
“Wala ka na don. Huwag mong pakialaman Ang personal Kong buhay dahil labas ito sa usapan natin. Mag usap lang kami. Hintayin mo lang ako Dito!”
“Let me remind you, walang dapat makakaalam sa usapan natin kundi tayong dalawa lang.” mahinang sabi ko na tanging kami lang ang nakakarinig. Hindi ito sumagot saka tinalikuran nalang ako at pumasok na sa loob. Napasabunot nalang Ako ng buhok.
Sandy POV
Gigil akong bumalik sa loob Ng clinic ni Doc Kris. Mabuti nalang Wala ng mga pasyente. Nagulat pa ako kanina nang bigla akong yakapin ni Doc. Pero mas nagulat Ako sa sinabi ng pakialamerong Mavvy na yon. Ayos na sana kami eh. Magaan na sana Ang loob ko sa kanya kanina kaso nakakainis Siya. Siya pa itong may ganang mainis sa akin.
“Ikakasal ka na Pala? How come? I mean matagal na tayong magkasama pero Hindi ko alam may boyfriend ka Pala” Saad ni Doc Kris. Bat Ganon? Parang may himig lungkot Ang Tanong Niya? Baka nagtampo lang.
“Mahabang kwento Doki. Pero promise sa susunod nating pagkikita sasabihin ko sayo lahat. Sorry kung biglaan itong pagpapaalam ko.”
“Wala naman akong magagawa para pigilan kita diba?” malungkot nitong Sabi habang nakatitig ito sa akin. Seryoso din ito Ngayon kaya nagtaka ako dahil seryoso lang Naman ito kapag pasyente ang kaharap. Parang ibang Doc Kris ang kaharap ko ngayon. Tsaka parang iba ang ipinapahiwatig niya sa kanyang sinabi.
“Malungkot ka ba kaya ka ganyan? Wag ka Ng malungkot babalik din Naman ako kung tatanggapin mo pa ako” ngumiti Naman ito pero hilaw.
“Oo Naman. Anytime welcome ka Dito. Basta kung kailangan mo ako Isang tawag mo lang dadating Ako.” Sasagot pa sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
“Hindi pa ba kayo tapos mag usap?” bagot nitong Tanong. Epal talaga. Kainis.
“Doki, magpapaalam na kami” paalam ko nalang.
“Okay. Mag iingat ka ha.” Saad naman ni Doc.
“Ikaw din Doc ingat ka lagi” sagot ko.
“Tss…” dinig Kong sambit ni Mavvy Saka naunang lumabas. Problema niya. Nagpaalam ulit Ako kay Doc Saka Ako lumabas. Sumakay ako kaagad sa sasakyan nang Makita Kong nasa loob na si Mavvy. Tahimik Naman kaming pareho habang lulan ng sasakyan Hindi katulad kanina na nagkwentuhan pa kami. Napagpasyahan ko nalang na matulog muna dahil malayo pa ang byahe namin. Pipikit na sana Ako nang biglang magsalita si Mavvy.
“I’m sorry sa inasal ko kanina” Saad nito kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa kalsada. Ni Hindi man Ako tinapunan ng tingin.
“Alam Kong importante siya sa buhay mo-“
“Best friend ko siya.” Putol ko sa sasabihin niya. “Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Binigyan niya ako ng trabaho at Siya din ang tumulong sa akin para makapagtapos ako sa pag aaral. Para ko na rin siyang kapatid. Si Doc at si Abby ang tinuturing Kong pamilya simula noong umalis ako sa amin.” Saad ko habang nakatingin din sa kalsada.
“May sinasabi ka?” Tanong ko sa kanya. May sinasabi Kasi ito pero pabulong lang kaya diko narinig.
“Nothing” sagot nito. Hindi na ito nagsalita kaya sumandal Ako sa upuan at pumikit. Hindi ko namalayang nakatulog na Pala ako. Nagising lang Ako nang maramdaman Kong himinto Ang sasakyan. Binuksan ko Naman Ang mga mata ko at Mukha ni Mavvy ang Nakita ko na nakadukwang sa Mukha ko.
“We’re here. Gigisingin na sana kita.” Saad nito saka umayos ng upo sa upuan niya kaya umayos na rin ako ng upo. “Sorry nakatulog ako.”
“Follow me.” Saad nito imbis na sagutin ang sinabi ko. Napasimangot naman Ako nang tuloy tuloy itong lumabas ng sasakyan.
“May tupak talaga” kausap ko sa sarili. Nagmadali na akong bumaba at sumunod sa kanya.
“What took you so long?” sambit nito pagkadating ko sa office niya.
“Bakit kasi Ang bilis mong maglakad?” Tanong ko din sa kanya.
“Tss. Pilosopo. Sit down” sumunod na ako mahirap na baka pag initan pa ako. “Here.” Abot niya ng papeles sa akin. Kunot noo naman akong nakatingin sa kanya. “That’s our contract. Idagdag mo na Rin yong mga gusto mong idagdag Dyan tapos ibalik mo sa akin Yan bukas. And starting tomorrow mag uumpisa ka na sa mga dapat mong Gawin. Ayokong makarinig ng complaints dahil next week kailangan na nating makipagkita kay Lolo.” Nagulat naman ako sa Sinabi Niya.
“Ano ba Ang mga dapat Kong Gawin?” Tanong ko. Magpapanggap lang Naman kami. Kayang kaya ko Naman Gawin yon. Hindi ko na kailangan magpractice o kung ano pa.
“Marami. Kaya bukas maaga kang gumising para makapag umpisa na Tayo” sagot nito. Tumango na rin Ako dahil Wala naman akong magagawa kung magreklamo pa ako.