“Hey Jai, Masaya ka yata.” Saad ng babaeng nasa likuran.
“Sandy, Ikaw Pala. Masaya talaga Ako dahil sa wakas in love na Ang kaibigan ko” sagot nito pero sa akin nakatingin kaya pinandilitan ko Siya ng mata. “Halika na. Sabay ka na sa Amin” Aya Niya kay Sandy. Salubong Naman Ang mga kilay ko dahil umupo ito sa tabi ni Jairus. Kailan pa naging close ang dalawang ito.
“Hindi ka pwedeng umupo Dito” sambit ni Jairus Kay Sandy. Kunot noo naman itong tiningnan ni Sandy.
“Ha? Bakit naman?” takang tanong nito.
“Baka huling almusal ko na talaga ito kung Hindi ka lilipat” sagot ni Jairus. Lalo Namang nangunot ang noo ni Sandy.
“Ha? Hindi ko magets.”
“Basta lumipat ka nalang Doon sa tabi ni Mavvy” Wala Namang nagawa si Sandy dahil tinulak na ito ni Jairus papunta sa upuan na katabi ko. Hindi ko nalang Sila pinansin. Tahimik lang Akong kumakain.
“We’ll leave at 8. Bilisan mo dahil ayokong pinaghihintay Ako.” Sambit ko Saka tumayo at iniwanan Sila.
“Sinong sinabihan non? Ikaw ba?” dinig Kong Tanong ni Sandy kay Jairus.
“Wala Naman kaming lakad ngayon. Wala ba siyang sinabi Sayo na aalis kayo?” tanong din ni Jairus.
“Oo nga Pala” sambit ni Sandy
“Dummy” bulong ko sa hangin Saka tuluyan ng umalis Doon.
Bumalik ulit ako sa room ko para maligo at magbihis. Pagkababa ko Nakita ko na si Sandy at kaibigan Niya sa Sala. Tumayo Naman Sila kaagad pagkakita sa akin.
“Let’s go.” Saad ko at dinaanan lang Sila.
“Sungit!” dinig Kong Sabi ni Sandy pero Hindi ko na ito pinansin. Pero napahinto din Ako at lumingon sa kanila nang may maalala Ako.
“You’re friend will stay here. Okay lang ba Sayo Ms?” Tanong ko sa kaibigan ni Sandy. “Babalik din Naman kaagad si Sandy Dito Mamaya.” Dagdag ko pa.
“Oo Naman. Hindi Naman Kasi sinabi ni Sandy. Basta nalang niya akong hinila eh ayoko pa ngang umuwi.” Sagot Ng Kaibigan ni Sandy.
“Hoy babae. Ayaw mong umuwi? Paano ang trabaho mo doon?” singit ni Sandy
“Don’t worry about sa work mo Ms. What’s your name again?” Tanong ko. Nakalimutan ko kasi ang pangalan Niya.
“Abby Sir.” Sagot Naman nito.
“Right Abby. Bibigyan kita Ng trabaho Dito. We will discuss about it when we come back. And Jairus will accompany you to buy your personal needs. Kung may gusto Kang Kunin na gamit sabihan mo lang si Jairus para samahan ka. Nasabihan ko na Siya”
“Talaga boss! Thank you po” Nakita Kong napasimangot naman si Sandy.
“Let’s go.” Saad ko nalang dito at nagpatiuna na akong naglakad. Nauna na akong sumampa sa sasakyan dahil kausap pa ni Sandy ang kaibigan Niya kaya hinintay ko pa ito. Nakakapagtaka dahil okay lang sa akin Ngayon na maghintay dahil pinakaayaw ko sa lahat yong pinaghintay ako. Nakita ko ito na pasakay sa likuran kaya binusinahan ko ito. Napatalon Naman ito sa gulat at Galit na sumilip sa bintana sa passengers side kaya binuksan ko Ang window. Bubugahan na Niya sana Ako pero inunahan ko na siyang magsalita.
“Sit here.” Ma-authoridad Kong Sabi sabay Turo sa upuan katabi ko. Mabuti Sumunod naman ito kaagad kahit padabog.
“Rule #1: Bawal makipaglapit sa mga lalaki kahit kaibigan mo pa.” may diin kong Sabi. Napatingin Naman ito bigla sa akin.
“Ano?”
“And that’s effective today.” Napanganga Naman ito. “And about your look you need major changes to match my preference” dagdag ko pa. Tumikwas Naman Ang kilay nito.
“Anong problema sa hitsura ko?” Singhal niya. Ewan ko bakit ayos lang sa akin na sigaw sigawan Ako Ng babaeng ito. Ang cute Niya lang Kasi Magalit Lalo kapag namumula na siya. Baliw na ata ako.
“A very big problem. Baka mapagkamalan Ka pang bodyguard ko. I don’t want to be a laughing stock.”
“Eh di mabuti nga yon para Makita ng Lolo mo na ganito Ako para Hindi niya ituloy ang kasal.”
“Well Tama ka. Pabor sa akin Yan but not you. Knowing Lolo, kapag Malaman Niya na katulad mo ang ipinagkasundo sa kanya para mapakasal sa akin I’m sure Lalo Niya papahirapan Ang family mo dahil iisipin non he was deceived.” Pangungumbinse ko. “Don’t worry. Ako na Ang bahala sa lahat. Ang Sabi ko nga kailangan lang ng iyong cooperation and good acting skills. Let’s discuss about it pagbalik natin.” Tumango tango lang ito kaya nagfocus na Rin Ako sa pagdrive.
Hindi Naman boring ang byahe namin dahil madaldal ito. Naikwento din Niya Ang tungkol sa kanyang pamilya Hanggang sa makarating kami sa kanyang condo.
“This is where you live?” Tanong ko sa kanya. Maayos Naman Ang building kahit medyo maliit at parang Hindi safe dahil maraming taong dumadaan tapos Wala man lang itong gate.
“Yes. Kaya nga Tayo nandito di ba” sarkastikong sagot niya
“Is it safe here?”
“Oo naman. Kahit nga Doon sa tinirhan Namin noon ni Abby safe kami kahit na pitikin mo lang yong dingding namin lipad agad.”
“Bakit kailangan mong magtiis. Pwede ka namang bumalik sa family mo. I’m sure Hindi ka nila matitiis.”
“Mas gusto ko Naman Dito kaysa Kasama Sila at siguradong Ganon din Sila maliban Kay Mommy. Teka nga. Ang galing mong mag advise na umuwi Ako don eh Ikaw nga Ang dahilan kung bakit napalayas ako” nakasimangot nitong Sabi.
“What? Bakit nadamay ako?” gulat Kong Tanong. Ngayon lang Naman kami nagkita. “Is it because of the arrange marriage?”
“Hindi noh. Muntikan mo lang naman akong masagasaan noon. Pero yong project ko sa school lasog lasog. Hindi ako pinagbigyan Ng professor ko kaya Hindi ako nakapagraduate noon. Yon din ang naging dahilan or chance na Rin siguro nila para mapalayas Ako sa Bahay.” Pinitik ko Naman Ang mga daliri ko nang maalala ko na ito.
“Right! Kaya pala you look familiar.”
“Yeah..Tinandaan ko talaga Ang pagmumukha mo at sinusumpa pa kita. Ikaw Ang sinisi ko sa nangyari sa akin noon”
“Hey, it’s not my fault. Kung makasisi naman to. Well partly yes. Pero Hindi naman magandang isisi mo lahat sa akin yon” depensa ko.
“Alam ko Naman yon. Alam Kong kahit makagraduate Ako noon ayaw pa rin nila sa akin. Ginawa lang kitang rebound para Sayo ko ibunton Ang Galit ko at Hindi sa family ko. Somehow nakatulong sa akin yon para makasurvive ako. At masasabi Kong yon Ang best achievement ko sa Buhay dahil nalampasan ko yon. At unti unti ko ngang natutupad ang mga pangarap ko. Nabili ko itong condo. Hindi kalakihan at kagandahan pero ayos na sa akin para may mauwian. Masaya yong Malaya ka.” Napatitig Naman Ako sa kanya. Kung may similarity man kami iyon ay tungkol sa mga family namin.
“See nakatulong pa Pala Ako kaya dapat lang pasalamatan mo ako” masama naman ako nitong tiningnan.
“Ang kapal mo talaga.”