Chapter 15: I’ll Never Fall In Love

1219 Words
Nandito Ako sa Sala nag aabang na lumabas ang babae. Di nga nagtagal Nakita ko na itong dahan dahang bumaba sa hagdan na akala mo isang magnanakaw. Hindi niya ako makikita sa gawi ko dahil madilim dito. “Where do you think you’re going?” napahinto Naman Ang babae sa paglalakad. Pinindot ko Ang switch ng ilaw para Makita Niya Ako. Humarap Naman ito sa kinaroroonan ko. Nagulat pa ito pero dagli din itong napawi at napalitan ng galit. Lalapitan ko na sana ito pero bigla itong sumigaw. “Wag Kang lumapit sa akin kundi dadagdagan ko yang blackeye mo” Galit nitong sigaw. Nag karate pose pa ito. “Look. Relax okay. Akala ko ba gusto mo akong makausap?” “Hindi na ngayon. Ang gusto ko lang Ngayon makaalis na ako Dito sa pamamahay mo!” Singhal niya. Napabuntong hininga nalang Ako. Konting konti nalang bubusalan ko na Ang bunganga nito. “Why do you have to shout? Can you lower your voice? Aware ka naman siguro na madaling Araw pa Ngayon at tulog pa ang lahat ng tao” irita kong Sabi. “Eh ano Ngayon. Eh di magising Sila! Wala akong pakialam!” “Fine. I’m only wasting my time here. You can go now. Sabihin ko nalang Kay Lolo na umayaw ka sa kasal. I’m sure marami pang mga babae na makuha si Lolo para mapakasal sa akin. You can talk to Lolo for your family’s safety.” Saad ko nalang at tumalikod dahil naiinis na Rin ako. Siya nga itong may kailangan sa akin. Bakit ba Ako mag aaksaya ng panahon sa kanya. “Wait..” napahinto naman Ako sa paglalakad at Napangiti. Pinaseryoso ko Muna Ang mukha ko bago ako humarap sa kanya. Nakatayo na itong maayos habang nakatitig sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. “What?” nababagot Kong Tanong “Mag usap Tayo!” maauthoridad niyang sabi. “Hindi ko gusto ang pananalita mo. Ikaw Ang may kailangan sa akin tapos ganyan ko kung magsalita?” “Please?” labas sa ilong niyang sabi. Hindi ko akalain na makatagpo Ako ng ganitong babae sa buong Buhay ko. Pero bakit napapangiti Ako imbis na Magalit? “Fine. Let’s go.” Saad ko saka tumalikod at naglakad. Hindi ko naramdamang sumunod ito kaya nilingon ko ito. Hindi pa rin ito natinag sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa akin. “What are you doing? I said let’s go” Saad ko. “Saan? Sabi mo mag usap Tayo?” kunot noo nitong Tanong. “Dummy. Sa office ko Tayo mag usap. Hindi pwede dito. Confidential itong pag uusapan natin kaya dapat walang ibang makakarinig. Wag Kang mag alala Hindi kita kakainin” agad naman namula Ang Mukha Niya. Tinalikuran ko na ito at nagpatiuna ng naglakad. Napapangiti naman Ako habang naglalakad. Hindi ko alam marunong din Pala magblush ang Isang tomboy. “Sit down.” Saad ko sa kanya pagkapasok namin sa office ko. Umupo Naman ito katapat na sofa ng inupuan ko. “So, Ms.?” “Sandy nalang” agad Niyang sabi. “You can call me Mavvy.” Tumango lang ito. “So..tuloy ang kasal.” Anunsyo ko sa kanya. “Ano? Ibig Sabihin itutuloy mo ang kasal?” gulat nitong Tanong. “Listen first. Itutuloy natin Ang kasal but after a year let’s have it annulled. Ako na bahala sa lahat. All you need to do is cooperate. If you agree, tuloy Ang pag uusap natin. If not you may go.” saad ko. Napabuntong hininga naman ito. “Bakit itutuloy pa ang kasal? Bakit Hindi mo nalang Sabihin sa Lolo mo na ayaw mong magpakasal?” “Katulad mo Wala din akong choice kundi sundin si Lolo. Marami din akong mga taong maaapektuhan kung Hindi ako susunod sa kagustuhan ni Lolo. Kung Hindi ka papayag, I guess maghanap ako ng ibang babae na ihaharap ko Kay Lolo para pakasalan” Nakita ko namang nag iisip ito. “Paano kung Hindi papayag ang Lolo mo na ma annulled Ang kasal nation after 1 year?” “Ako na Ang bahala Dyan” sagot ko. “Kung makasal Tayo gagawin din ba natin yong mga ginagawa ng mga mag asawa?” derechong Tanong niya. “Sa papel lang Tayo kasal. That’s why sinabi ko Kanina I need your cooperation. Pag nasa public Tayo kailangan nating ipakita na mag Asawa Tayo Lalo na kapag kaharap si Lolo pero kapag nasa Bahay Tayo o tayo nalang dalawa Wala na tayong obligasyon sa isat isa. “Ibig Sabihin magkasama Tayo sa Bahay?” tumikwas Naman Ang kilay ko sa Tanong niya. Kulang nalang pitikin ko ang ulo niya para makapag isip. “Alangan. Eh di maghihinala si Lolo kung Hindi Tayo magkasama sa iisang Bahay.” Inis Kong sagot sa kanya. “Hindi Ako pwedeng tumira dito dahil may trabaho ako.” “Isang taon lang Naman ito. I’m sure makakahanap ka Ng trabaho pagkatapos nito. Kung gusto mo magwork ka sa akin pansamantala. Let’s be civil to each other since we’re together Naman in a year or much better if we will be friends. Just don’t fall in love with me.” “Tss. I’ll never fall in love with you. Tandaan mo yan. Tuluyan nalang Ako magtomboy kaysa mainlove ako Sayo noh. Hindi Ikaw Ang ideal man ko. Pero maging civil or friends agree Ako Dyan. Para maging comfortable Tayo sa isat isa.” “Very good then. So I guess we’re done here” “Pero hayaan mo muna akong magpaalam sa boss ko.” “Fine. Pero sasamahan kita. Dapat pati sa mga kakilala mo alam nilang fiancee mo ako para kapanipaniwala tayo.” Napangiwi naman ito. “Kailangan pa ba nating Gawin yon?” “Yes. Bukas na bukas din pupuntahan natin Ang boss mo para makapagpaalam ka. Basta kailangan sumunod ka sa mga sasabihin ko” tumaas naman ang kilay nito. “Bakit Ikaw lang Ang masusunod?” angal nito. “Kung gusto mong maging successful itong plan natin sumunod ka nalang” Napasimangot Naman ito. “Magsulat ka ng mga rules mo kung ano ang ayaw at gusto mo. Magsulat din Ako Ng sa akin at i-discuss natin ito next time.” Dagdag ko pa. “Okay.” Saad nito sabay alis at Hindi man lang nagpaalam. Napailing nalang ako. Kinaumagahan, nadatnan ko si Jairus sa hapagkainan. “Good morning bro..” bati ni Jairus. Umupo Naman Ako sa harapan Niya. “What happen to your eye bro?” puna nito. “Tss. Kumain ka nalang kaya Hindi yong kung Anu anong pinapansin mo” inis Kong Sabi. “Ikaw naman Kasi. Bakit ba Kasi pinipilit ang ayaw?” pambubuska pa niya kaya masama ko siyang tiningnan. “Sandy, andyan ka na pala” biglang sabi nito kaya napalingon Ako ngunit Wala Namang Sandy na naroon. Pagharap ko Kay Jairus nakangisi na ito. “Got ya bro” nakangisi nitong Sabi. “Pinagloloko mo ba ako?” “Aminin mo na Kasi bro. Na love at first sight ka sa fiancee mo right?” panunukso pa niya. “Kung Hindi ka titigil baka huling almusal mo na ito” seryoso Kong Sabi sa kanya. Pero Ang Gago humagalpak na talaga ng tawa. “Ikaw naman bro Hindi ka na mabiro” natatawang Saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD