“Bro, ilang Araw na ako Dito pero Wala pa Rin akong nakikitang mga chickababes” nababagot na Tanong ni Jairus. Nandito kami Ngayon sa Bahay ko.
“Ikaw lang naman kasi may sabi na may mga babae dito” sagot ko habang naglilinis Ng katana.
“Ano ba Yan. Ang boring.” Tiningnan ko Naman ito.
“Para Hindi ka maboring dyan, samahan mo nalang ako.”
“Saan?”
“Basta! Magugustuhan mo yon” masigla Naman itong bumangon sa sofa.
“Dito? Dito mo lang pala ako dadalhin” reklamo nito pagkadating Namin sa Lugar kung saan Ako nag eensayo.
“Here.” Sabay hagis ko sa kanya Ng katana. Marunong Naman ito dahil nakapagtraining ito sa agency ko. “Let’s warm up first then later let’s do sparring.” Nakita ko naman sa mga mata ang thrill na parang game na game ito.
“Game. I will beat you this time” Puno ng kompyansa niyang Sabi.
“Wanna bet?”
“How about let’s bet our cars?” Saad niya.
“For real? Are you sure? I mean walang bawian bro.” natatawa Kong Sabi.
“Wag Kang pakakasiguro bro. I know your good at this but I’m better than you” confident niyang Sabi.
“Let’s see then” Saad ko. Nag umpisa na Muna kaming nag warm up. Pagkatapos at nagsuot na kami Ng mga gear. Kita ko naman sa kanya na determinado ito kaya kailangan ko din magseryoso. Ayokong mawala sa akin ang sasakyan ko dahil pinaghirapan Kong bilhin yon.
Kasalukuyan kaming nagsparring nang may sumigaw na babae kaya napahinto kami at nilingon Ang pinanggalingan nito. Nakita ko ang babae..no Hindi babae kundi Isang tomboy sa may di kalayuan. Mukha Naman itong babae maliban sa suot nito. Hindi ko ito Kilala pero mukhang familiar siya sa akin.
Unti-unti itong umatras Saka kumaripas Ng takbo kaya hinagis ko Ang hawak Kong katana sa direksyon Ng tinatakbuhan Niya. Mabuti nalang huminto siya kundi putol Ang leeg niya.
“Grabe ka naman bro. Muntikan na yon ah.” Sambit ni Jairus.
“Tantyado ko Naman bro. Isa pa baka spy Yan dahil Hindi ko Naman Kilala yan.” Tinggal ko ang nakalagay sa ulo ko Ganon din so Jairus.
“Baka Naman nagkamali ka. Bat Hindi mo muna alamin kung bakit siya nandito?” Tumango Naman Ako sa kanya at nilapitan namin ito. Bakas sa mukha nito ang takot. Pero nabigla Ako nang singhalan Niya kami. Aba matapang. Kanina lang halos manginig na Siya sa takot.
Nagulat pa Ako nang Sabihin niya Ang tungkol sa kasal. Kaya Hindi ko mapigilang humagalpak Ng tawa dahil Hindi Ako makapaniwala na Isang katulad Niya Ang ipapakasal ni Lolo sa akin. Siguro frustrated na talaga si Lolo na makapag Asawa Ako para mabigyan Siya Ng apo.
Nagkaroon kami ng biglaaang operation kaya Hindi ko pa nakausap Ang babae. May agency kaming itinayo ng kaibigan Kong si Dexter. Naging successful Ang operasyon Namin kaya magkakaroon kami ng party. Ganito kami lagi tuwing may successful na operasyon. Pero Bago Ako umuwi pinuntahan ko Muna si Lolo. Pinauna ko lang Ang mga tauhan ko.
“Mabuti Naman Ang naisipan mong magpakita Dito” sambit ni Lolo pagkapasok ko sa Bahay. Parang alam niyang dadating ako dahil parang hinihintay niya ako sa Sala.
Si Lolo Ang kinalakihan ko dahil namatay Ang mga magulang ko dahil sa mga masasamang tao. Kaya ko Rin naisipang magtayo Ng isang agency para hanapin Ang pumatay sa mga magulang ko. Pero Hanggang Ngayon Wala pa Rin akong makuhang impormasyon. Pinanghawakan ko lang ang bracelet na hawak Ni Dad nong mangyari ang incident.
“Sino na naman itong babaeng ipapakasal mo sa akin Lo? Hindi ka ba talaga titigil? Sinabi ko na po sa inyo Wala pa sa isipan ko Ang pag aasawa” reklamo ko say kanya. Masama Naman ako nitong tiningnan.
“At kailan mo balak mag Asawa? Lahat Ng mga kaibigan mo may kanya kanya Ng pamilya!” Singhal ni Lolo.
“Hindi Naman Kasi minamadali Yan Lo. Kusang dumadating Yan. Sa Ngayon Hindi pa talaga dumating Ang mapapangasawa ko”
“Hindi mo na nga kailangan hintayin dahil Ako na mismo ang naghanap Ng mapapangasawa mo” sabat agad ni Lolo. “At sinasabi ko sayo, last na ito. Kapag ito tinanggihan mo pa alam mo na Ang mangyayari sa agency mo. Wag mo akong subukan Maverick. Dapat noon ko pa ito ginawa pero hinayaan muna kita. Pero Ngayon Ako na Ang masusunod!” Singhal ni Lolo Saka Ako iniwan. Napabuntong hininga nalang Ako. Alam Kong kayang kayang Gawin ni Lolo yon SA agency namin.
Sa inis ko tinawagan ko si Ace para mapadalhan Ako ng mga babae para may mapagbuhusan ako ng inis. Pagdating ko ng Bahay nakaready na Ang party Namin. Pumunta Muna Ako sa room ko para maligo at magbihis. Pagkababa ko sinalubong Naman Ako ng mga babae kaya napangisi Ako. Alam talaga ni Ace Ang mga tipo ko.
Habang inaaliw ako Ng mga babae Hindi ko namalayan Ang paglapit Ng Isang babae o lalaki. Nakalimitan ko na nandito Pala Siya. Akala ko umuwi na sila.
Hindi ko alam pero aliw na aliw talaga Ako na iniinis Siya. Hindi ko akalain na magaling Pala siyang kumanta.
Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa kokoti ko kung bakit nagawa ko yon. Nasa Veranda ako nagpapahangin nang makita ko Ang babaeng yon papunta sa pool. Dahil curious Ako kung anong gagawin Niya, sinundan ko ito ng tanaw. Nanlaki Ang mga mata ko nang bigla itong naghubad. Hindi ba niya iniisip na baka may mga tao sa paligid na makakakita sa kanya? Hindi ko akalain na may tinatago Pala itong alindog. Kung manamit Kasi ito Akala mo Hindi babae kaya Ang alam ko isa siyang tomboy. Kaya nagtataka Ako bakit Siya Ang pinagkasundo ni Lolo na maikasal sa akin.
Nakita ko itong lumusong sa pool. Pinagmamasdan ko lang Siya na nag eenjoy na lumalangoy. Hindi ko alam kung bakit nag rereact Ang katawan ko sa kanya. Hindi Rin Ako nakatiis na nakatanaw lang kaya bumaba na ako. Kahit yong mga babaeng Kasama ko Hindi ganito magreact Ang katawan ko pero sa tomboy na ito iba Ang epekto sa akin.
Naiinis Ako dahil nabitin Ang ginawa namin. Siguradong makakatikim sa akin Ang kung sino mang gumambala sa Amin.
Tiningnan ko sa monitor Ang ginawa ng babae sa kanyang room. Lahat ng kasuluk sulukan dito sa Bahay ay may CCTV na tanging Ako lang Ang may access at nakakita. Nakita Kong nagliligpit ito ng mga gamit niya kaya nagmamadali akong lumabas ng kuarto ko.