Nandon nga Ang mokong at may nakalingkis pang babae. Bat pa Niya Ako dinala dito ganong marami naman pala siyang babae Dito.
“Hey! Are you okay?” untag nito.
“Oo naman.”
“So, okay lang Sayo na may kasamang ibang babae ang Fiancee mo.”
“Okay lang. Bahala siya sa Buhay Niya.” Huminto Naman ito sa pagsasalita pero tinititigan Ako.
“Wag mo nga akong tingnan Ng ganyan!” saway ko Dito. Pero Hindi pa Rin ito natinag.
“Baka Isa Yan sa kameeting Niya. At tingnan mo naman, yong babae lang naman Ang lumilingkis. Hindi Naman yong fiancee ko tsaka may tiwala Naman ako sa kanya” Saad ko pero parang Hindi pa Rin ito kumbinsido.
“Do you love him?” walang tigil pa Rin nitong Tanong.
“Ano namang klaseng Tanong Yan Doki? Syempre naman. Kaya nga mga tiwala Ako eh” parang biglang nalungkot Naman ito pero nakangiti pa Rin.
“That’s good then. Sana lang Ganon din Siya Sayo at Hindi ka niya sasaktan” madamdamin nitong Sabi.
“Kung alam mo lang Doki” sambit ko sa isipan ko. Tumingin ulit Ako sa kinaroroonan nila. Nakikipagtawanan pa ang walang hiya. Pero bakit parang nasasaktan Ako?
‘Hindi. Nainis ka lang Kasi sinama ka dito tapos iiwan lang din” sagot Ng utak ko. Tama. Yon na nga yon.
“Sandy, are you hungry? Let’s order food?” napatingin Naman Ako ulit Kay Doc.
“Kanina pa ako gutom Doki kaso Wala akong dalang Pera” pabulong Kong Sabi sa kanya. Tumingin tingin pa Ako sa paligid baka may nakarinig, nakakahiya.
“No need. A beautiful lady like you should receive a complimentary from me” Saad nito.
“Cheez..Hindi Ako sanay sa mga Linyahan mo ha. Parang naririnig lang yan mga lalaking nagpapaimpress sa mga nililigawan nila”
“Ito naman. Privilege ko lang na may makasamang magandang dilag tonight. Worth it din Naman Pala Ang pagpunta ko dito”
“Oo na. Sige na umorder ka na dahil gutom na ako. Yong favorite ko ha” nakangiti Kong Sabi.
“Napakademanding mo. Ikaw na nga itong ililibre” reklamo pa nito.
“Syempre, sulitin ko na”
“Sige na na? Kung di lang kita…”
“Ano?” sabat ko sa sasabihin Niya.
“Kung di lang kita kaibigan!”
“Yon Naman Pala eh.” Saad ko. Iiling iling nalang ito pero nagsimula na Rin mag order.
Kung anu-ano pa Ang Napagkukwentuhan namin ni Doki habang enjoy sa pagkain. Ngayon nga natatawa Ako sa kanya dahil Panay reklamo Niya don sa pumalit sa akin na secretary niya.
“Ano ka ba Doki, nagpapansin lang yon Sayo. Naku may kaagaw na si Abby Sayo” natatawa Kong Sabi habang sumusubo.
“Hon, nandito ka lang pala. I’ve been looking for you” biglang Sabi ng lalaking nasa likuran ko kaya napaubo Ako. Inabutan Naman Ako agad ni Doc Ng tubig.
“Are you alright?” nag aalalang Tanong nito. Tumango lang Ako sa kanya Bago Ako humarap sa lalaking nasa likuran ko. Si mokong na salubong Ang kilay Ang bumungad sa akin. Lumapit ito sa akin Saka Ako siniil ng halik sa labi. Parang huminto Ang paligid dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Eto na naman Ang Hindi ko maipaliwang na nararamdaman.
“May I join you?” Tanong nito kaya nahimasmasan ako. Nakangiti ito na nakatunghay sa akin.
“s**t. Ang gwapo Niya talaga” sa isip isip ko. Tumikhim ito kaya napakurap kurap Ako. Siguradong pulang pula na Ang Mukha ko dahil sa kagagahan ko.
“Sure.” Dinig Kong sagot ni Doc. Napabuntonghininga nalang Ako nang umalis na ito sa harapan ko at umupo katabi ko kaya umayos na Rin ako ng upo.
“Im sorry if I left you earlier hon. It’s good you’re friend is here to keep you company”
“It’s only a fortunate coincidence that we met here.” Sagot Naman ni Doc
“Really?” seryosong Tanong naman ni Mavvy at masamang nakatingin sa akin. Ano na namang problema nito? Totoo namang coincidence na nagkita kami ni Doc Dito.
“Yes. At mabuti nalang Nakita ko Siya Dito because I’m alone and bored. I also had this chance to be with a gorgeous lady tonight” napalingon Naman si Mavvy agad Dito.
“Its really true not to leave valuable things unattended because someone might take it” Saad Naman ni Mavvy.
“If you know its valuable, you should not leave it out. You should keep it unless someone will cherish it” Banat din ni Doc at parang nagkasukatan pa Sila Ng tingin.
“Why cherish it if in the first place it’s not for them to keep it because somebody owns it?”
“Ano ba yang mga pinagsasabi niyo?”reklamo ko sa kanila. Para na kasing nagkakainitan Silang dalawa sa Hindi ko malamang dahilan.
“If you’ll excuse us, we need to go now” Saad ni Mavvy pero Kay Doc nakatingin. Hindi man lang Pinansin Ang Tanong ko.
“Ha? Uuwi na tayo?” kunot noong Tanong ko.
“No. I still have a meeting.” May diin nitong Sabi.
“Sige pumunta ka na sa meeting mo. Dito lang ako maghintay dahil uubusin ko pa itong –“
“I need you there” putol Niya sa sasabihin ko at tiningnan na Naman Ako ng masama. Kita ko ang pag igting ng panga niya kaya dahan dahan kong binaba and kutsara at tinidor.
“Ano namang gagawin ko don?” mahinang Tanong ko. Pero Nagpipigil lang din ako na mainis sa kanya. Kanina iniwan lang Niya Ako Ngayon Naman nagpupumilit itong mokong na ito.
“Gusto kitang ipakilala sa kanila” Sagot nito kaya nagulat Ako. Kanino Niya ako ipakilala? “Lets go” Aya nito. Hindi ko namalayang nakatayo na Pala ito.
“Doki, Mauna na kami ha. Thanks ulit sa food. Next time nalang ulit Tayo magkwentuhan.” Tumango Naman ito kaya tumayo na Ako. Nagulat pa ako nang hawakan ni Mokong Ang kamay ko.
“Kailangan ba talagang hawakan mo ang kamay ko?” reklamo ko dito. Hindi kasi ako comfortable.
“Of course! Fiancee kita. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Hinayaan ko nalang Siya Hanggang sa makarating kami sa isang room.
“And you break my rules kaya you deserve a punishment.” Dagdag pa niya.Napahinto Naman Ako nang marinig ko Ang sinabi Niya.
“At Anong rules ang nilabag ko”
“Rule no.1: Don’t talk to boys. Pero Anong ginawa mo nakikipagharutan ka pa sa ibang lalaki. Anong iisipin Ng mga taong nakakita sa inyo tapos malaman nilang fiancee kita.” Kumulo Naman kaagad Ang dugo ko pagkarinig ko sa sinabi Niya.
“Remind ko lang Sayo na kaibigan ko yong tinutukoy mo. At Anong sinasabi mo? Nakikipagharutan ako? Eh Ikaw nga Dyan halos gapangin ka ng sawa sa harap Ng maraming tao ayos lang sayo. Ako nakikipag USAP lang at kaibigan ko pa. Wala kaming ginagawang masama pero kung makapanghusga ka. Eh di sana Hindi mo ako iniwan kanina.” Diko mapigilang sigaw sa kanya.