“Tinanong kita pero Ang Sabi mo ayaw mo!”
“Talaga ba? Bakit kailangan mo pa akong tanungin gayong Ikaw Naman Ang nagdala sa akin dito. Ang Sabihin mo ayaw mo akong isama dahil nandon ang babae mo. Bakit mo pa ako dInala Dito kung nandito Naman Pala Ang babae mo!”
“Wait, are you jealous?”
“Huh! Kahit na Isang katerbang babae pa ang lumingkis Sayo Wala akong pakialam!” magsasalita pa sana ito pero may dumating na babae at lalaki kaya nahinto ito.
“Mr. Guerrero!” sambit nong lalaki.
“Mr. Dela Peña” Saad Naman ni Mavvy saka ito lumapit at nakipagkamay dito.
“This is my wife, Amara.” Pakilala nito sa babaeng Kasama Niya.
“Nice to meet you Mrs. Dela Peña” Saad ni mokong don sa babae pero parang may something. Iba kasi makatingin si mokong sa babae at Ganon din Ang babae.
“Who’s with you?” Tanong Ng lalaki. Lumingon Naman si mokong sa akin at lumapit saka ako inalalayan palapit sa dalawa.
“This is my fiancee, Sandy. Hon, they are Mr.and Mrs Dela Peña” Saad nito
“Hello, nice to meet you” nakangiti Kong bati ko sa kanila. Pero Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagulat ng babae.
“Masyado ka Namang formal Mavvy right Love? Call me Amara nalang and my husband Vince. Di Naman nagkakalayo Ang mga edad natin” natatawang Saad Ng babae. Natameme naman Ako Kasi sobrang Ganda niya talaga tsaka parang anghel kung magsalita.
“Oo nga Naman. Mabuti naman lumagay ka na sa tahimik Mavvs.” Saad Naman Ng lalaki.
“Well, Sabihin nalang natin this is the right time and the right woman for me.” Sagot Naman ni Mavvy. Kikiligin na sana ako kaso pagtingin ko sa kanya na Kay Amara ito nakatingin. Palihim akong huminga Ng malalim Kasi parang nakaramdam Ako Ng konting kirot sa dibdib.
‘Hoy heart! Anong kadraman Yan! May pakirot kirot ka pang nalalaman!’ saway Ng utak ko. Hindi ko kasi dapat maramdaman yon.
“So Sandy, kailan ang kasal?” Tanong ni Vince kaya napatingin Ako Dito. Tapos tumingin ulit Ako Kay Mavvy para sana saluhin Niya yong Tanong pero Ang walang hiya kinindatan lang Ako.
“Ahm Wala pang official date Kasi pinag uusapan pa lang Ng family namin.” Sagot ko.
“Yeah. Pero kung Ako lang masusunod gusto ko na maikasal kami kaagad. Right hon?” sambit Naman ni Mokong sabay hawak sa kamay ko. Napatulala Naman ako dito Kasi kung Hindi ko alam na palabas lang ito maniniwala na talaga ako sa kanya. Nagbalik Ang diwa ko nang pisilin niya Ang kamay ko.
“Right hon.” Saad ko sabay ngiti Ng matamis. Biglang nagring Ang cellphone ni Vince kaya nagpaalam Muna ito. Naging akward naman kaming tatlo kaya nagpaalam Akong magcr dahil medyo Hindi na maganda Ang pakiramdam ko. Feeling ko Kasi third wheel Ako sa kanila.
Pagkatapos Kong magcr Nakita ko pa si Vince na may kausap sa phone nang pabalik na Ako. Hindi ko nalang ito pinansin. Napahinto Ako sa paglalakad nang Makita ko si Mavvy at Amara na masayang nagkukwentuhan.
“So alam ko na Ang dahilan kung bakit niya ako dinala dito” kausap ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit Ako nasasaktan . Siguro dahil feeling ko ginamit Niya ako.
“Tsee! Bat ka naman masasaktan eh yon naman talaga Ang kasunduan niyo. Ang maggamitan sa isat isa!” sumbat ng utak ko. Napatango tango nalang ko.
Dahil Hindi ko na kayang bumalik sa loob naisipan kong umuwi nalang. Mabigat Ang mga paa kong nilisan Ang Lugar. Malayo layo pa nilakad ko dahil wala palang taxi nagawi Doon kaya heto ako pagod na pagod. Napaupo Muna ako sa gilid dahil pagod na ako kakalakad dabil nakaheels pa ako. Naisipan Kong tawagan si Doc Kris para sana magpasundo pero nadismaya din ako dahil Wala Ang phone ko sa bag. Kahit Pera Wala din. Puro make up lang Laman Ng handbag ko. Parang gusto Kong isumpa si Diva. Paano Ako uuwi nito. Kung alam ko lang sana nagtiis nalang Ako Doon. Ngingiti lang Naman Ako..Parang gusto ko tuloy mag lupasay ngayon.
Nakaramdam din Ako ng takot dahil Gabi na at walang masyadong dumadaan Dito sa kinaroroonan ko. Kaya napatayo ulit Ako para maglakad sana pabalik pero napaupo din Ako ulit nang sumakit Ang paa ko. Hindi ko namalayang nagkaroon na pala ako ng sugat sa paa.
“Are you alright Iha?” Tanong Ng kung sino kaya napaangat Ako. Nakita ko ang isang matandang lalaki na nakatayo. Hindi ko siya namalayan dahil busy Ako sa pagsusuri sa paa ko. Kahit na desente ito Hindi ko pa rin maiwasang matakot Dito.
“Don’t worry Iha, Wala akong gagawing masama sayo. Nag aalala lang Ako Sayo dahil mag Isa ka lang sa Lugar na to. Baka may mangyari pang Hindi maganda sayo. Ako pala si Ali. You can call me Lolo Ali” Saad nito. Tumango nalang Ako Kasi ayoko na Rin talaga bumalik kasi masakit na Ang mga paa ko.
“Saan ka ba nakatira iha para maihatid ka namin doon” Tanong ni Lolo nang makasakay na kami sa sasakyan.
“Ano Po kasi Lolo, ayoko Muna umuwi soon” nahihiya Kong sagot. Ayoko pa kasi makita Ang mokong na yon. Ni Hindi nga niya ako hinanap. Nakakainis Siya.
“Ganon ba. Kung ayaw mo doon may iba ka pa bang mauuwian?” gusto ko sanang sumagot SA condo ko kaso masyadong malayo nakakahiya. Wala din akong perang Dala Ngayon.
“Gusto mo doon ka Muna sa bahay magpalipas kung ayaw mo pa umuwi”
“Talaga Po Lo?”
“Oo Naman. Kaysa kung saan saan ka pa pupunta baka mapahamak ka pa.”
“Thank you po Lo at pasensiya na Rin Po sa abala” hinging paumanhin ko.
“Itong batang ito. Syempre tinuturing na kitang apo ko”
“Po?”
“Ibig Kong Sabihin para na kitang apo kaya wag Kang humingi ng pasensiya” napangiti Naman Ako dahil first time Kong maranasang magkaroon Ng Lolo kahit Ngayon lang. Never ko kasi Nakita ang mga Grandparents ko.
Namangha Ako pagkadating namin sa bahay ni Lolo. Mali pala ako. Mansion Pala ito. Grabe. Ang yaman Pala talaga ni Lolo.
Kaso pagkapasok ko sa loob parang malungkot na vibes Ang sumalubong sa akin. Wala akong ibang taong nakikita maliban sa mga katulong na bumabati sa Amin.
“Lo, kayo lang Po mag isa dito?” curious kong Tanong
“Ano bang tingin mo sa mga taong Yan? Hindi mo ba sila nakikita?”
“I mean Po Lo yong family po” Bigla Naman itong nalungkot kaya naguilty tuloy ako.
“Ang Ganda Po talaga ng Bahay niyo Lo” Saad ko nalang.
“You can stay here whenever you want”
“Talaga Po?”
“Mukha ba akong Joker?”
“Hindi Naman Lo. Excited lang Po ako”
“O sya! Magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka na. Magkwentuhan nalang ulit tayo bukas. Iska samahan mo na si Sandy sa mgiging room Niya” Saad ni Lolo at tumalikod na ito. Pero wait paano Niya nalaman Ang name ko? Hindi ko pa naman ito nasabi sa kanya kanina.