Mavvy POV
Habang hinihintay si Sandy nakakwentuhan ko Naman si Amara. Hindi ko akalaing magkikita kaming muli kaya nagulat Ako kanina.
“Hows married life?” Tanong ko sa kanya.
“I’m happy naman being married for 2 years.”
“Im happy for you” Saad ko.
“Really? You’re not mad at me?” malungkot nitong tanong.
“Well dati galit ako sayo, to the point na napabayaan ko Ang Sarili ko at nakalimutan ko Ang mga taong nagmamalasakit sa akin. My life was a mess. You left me without saying anything. I have played and hurt a lot of girls in return to what you did to me thinking that maybe I can get back at you. Then Sandy came that somehow changed me.” Pagtatapat ko.
“Im so sorry Mavvs” malungkot nitong sabi.
“It’s past already. I’m glad na nagkita Tayo and reconcile before My wedding.”
“I can see that you’re happy kaya I feel relieved now. I was expecting na susumbatan mo Ako”
“Lets just say nakamove on na ako. No hard feelings”
“So, can we be friends?” alangan nitong tanong.
“Sure. Why not?” sagot ko. Lumiwanag Naman Ang Mukha nito.
“In fairness ha, Ang Ganda Ng fiancee mo. She has angelic face but I can sense that she has this audacious aura.”
“Sinabi mo pa. Kaya nga niya akong pasunurin at paghintayin. You know ayaw ko sa lahat yon” natawa Naman ito.
“Nakahanap ka rin ng katapat mo. I can’t imagine the mighty Mavvy Guerrero to be a slave to a girl. But of course she will be your wife soon so dapat lang yon” natatawa nitong Sabi.
Napansin ko namang Ang tagal bumalik ni Sandy. Sabi Niya mag Cr lang Siya pero bakit Ang tagal Nito bumalik?
“Whats wrong?” puna ni Amara.
“Hindi pa Kasi bumalik si Sandy” sagot ko.
“Baka nag retouch pa siya. Ganon kasi talaga kaming mga girls” Saad nito pero knowing Sandy Hindi niya ginagawa Ang mga bagay na yon. Nasaan na ba siya? Hindi kaya nagkita na Naman Sila nong labanos na doktor na yon?
“Excuse me Amara, sunduin ko lang siya” paalam ko.
“Sure. Go ahead” nagmamadali akong lumabas at tinungo Ang CR. Naghintay lang Muna Ako sa labas. Mayamaya may lumapit sa akin.
“Boss, Nakita ko Po si Ma’am Sandy na lumabas.” Saad Ng bodyguard ko.
“What? Kailan pa?”
“Kani-kanina lang Po”
“f**k! Bakit Hindi mo sinabi sa akin?” Sigaw ko Dito.
“Pasensiya na Po Boss. Ipaalam ko Po sana sa inyo kaso may kausap pa po kayo” kakamot kamot nitong sabi. Kinuha ko Ang phone ko para tawagan ito pero nakailang ring na Ako Hindi pa Rin ito sumasagot.
“What are you still doing here? Go find her!” Galit Kong utos dito. Nagkukumahog Naman itong tumakbo.
“Mavvs, what’s wrong” Tanong ni Vince. Hindi ko namalayan nakalapit na Pala ito sa akin.
“Nothing. I’m sorry Vince but I really have to go. May aasikasuhin lang Ako” paalam ko Dito.
“Sure. Go ahead” nagmamadali na akong lumabas. Nagtanong Tanong pa ako sa mga guards kung napansin nila si Sandy. Mas Lalo akong nag alala nang Sabihin nitong naglalakad lang si Sandy mag Isa. Dinial ko ulit Ang number ni Sandy. Natuwa Ako nang sinagot nito ang tawag ko.
“Sandy, where are you?” bungad ko.
“Ahm, Boss si Abby Po ito. Naiwan Po kasi ni Sandy itong cellphone niya. Bakit niyo Po tinatanong kung nasaan si Sandy? Diba pa kayo Ang magkasama?”
“Umalis Siya Ng Hindi nagpapaalam. Anyway, tawagan mo ako kaagad kapag nakauwi na siya Dyan” utos ko. Hindi ko na hinintay Ang sagot niya dahil binaba ko na kaagad Ang tawag. Pinuntahan ko yong direction na tinuro Ng guard kung saan pumunta si Sandy. Mas Lalo Akong nag alala dahil walang katao tao sa Lugar na ito at madilim pa.
Napagpasyahan ko nalang na umuwi na baka nasa bahay na si Sandy. Dumerecho Ako kaagad sa kuarto nito nagbabakasakaling nandon na siya. Pero nadismaya din ako dahil Wala pa rin siya doon.
“Boss, Hindi pa po umuwi si Sandy. Hindi Po kaya umuwi Siya sa condo? Pero alam ko malayo yon Dito tsaka boss Wala din po yon dalang Pera Kasi nasa bag Po lahat mga gamit Niya.” Saad ni Abby na lalong nagpaalala sa akin.
“Meron ba kayong kilala na malapit lang dito na pwede Niyang matuluyan?”
“Sa pagkakaalam ko po Boss Wala.”
“Ibigay mo sa akin ang phone ni Sandy. Itimbre mo rin sa akin kapag nagtext Siya Sayo.”
“Okay Po Boss.”
Pumunta Muna ako sa room ko para magpalit Ng damit. Tinawagan ko Rin Ang tauhan kung ano na status sa paghahanap nila.
“Boss, Hindi pa po namin mahanap. Wala din pong CCTV sa lugar na yon. Pero may Nakita Po kami sa ibang CCTV na sasakyan na nanggaling sa Lugar na yon kaso Hindi namin malocate dahil Wala pong plate no.yong sasakyan.”
“Send me the footage” utos ko sabay Patay ng tawag.
“f**k! I’ll definitely punish you Sandy for doing this to me!” inis Kong Sabi. Nagmamadali akong lumabas para puntahan Ang condo ni Sandy. Habang nasa byahe ako iniisip ko kung anong dahilan Niya bakit Bigla nalang Siyang umalis na Hindi nagpaalam.
Lalo akong nainis nang walang Sandy akong nadatnan sa condo dagdagan pa ng antok at pagod na nararamdaman ko Ngayon. Kaya pagkadating ko sa Bahay Hindi ko na napigilang makatulog. Nagising lang Ako dahil sa tawag kaya napabalikwas ako ng bangon. Baka tauhan ko Ang tumawag at may update na Sila tungkol Kay Sandy kaya sinagot ko ito kaagad. Ngunit nadismaya Ako nang marinig ko si Lolo sa kabilang linya.
“Lo!” gulat Kong sambit.
“Bakit parang gulat na gulat ka?”
“Hindi Naman Po Lo. Kakagising ko lang po kasi” paliwanag ko. “Bat Po kayo napatawag?” Tanong ko.
“Napatawag Ako dahil may gusto akong ipakilala Sayo.”
“Lo, I told you already I’m not interested in your business.”
“Its not about my business. I want you to meet your fiancee. I like her to be your wife.”
“What! Pero my fiancee na ako Lo! Ikaw din Ang nag recommend sa kanya, nakalimutan mo ba?”
“Nasaan? Akala ko ayaw mo sa kanya dahil Hindi pa kayo nagpakitang dalawa sa akin. I’ll send you the location. You must come or else I will get rid of your agency.” Banta pa ni Lolo sa akin.
“Please Lo, hear me out.“ pakiusap ko.
“Okay, give me one valid reason.” Tamad nitong Sabi.
“You know that I’m against with this marriage Lo, but Sandy is different sa lahat ng mga babaeng nirecommend mo”
“Paanong iba?”
“I don’t know how to explain it to you Lo, but Sandy is special to me. Just give us time.” Pagtatapat ko.
“Then, I want to meet her tomorrow” saad ni Lolo.
“Not tomorrow Lo”
“Why not?”
“I haven’t found her yet Lo”
“What do you mean?”
“We have a little argument and she ran away”
“What? Forget about her then. I want you to meet someone else on Saturday.”
“But Lo-“
“No buts! See you on Saturday.” Putol ni Lolo sa sasabihin ko sabay Patay Ng tawag.
“f**k!” sa inis ko hinagis ko Ang cellphone. Hindi ko pa alam kung saan ko hahanapin si Sandy. Kung nandito lang Siya makakagawa pa Ako Ng paraan.