Sa isang kilalang salon at spa dinala ni Joaquin ang asawa. Alam niyang darating si Zandro at ang sinabi nitong magtetext na lang ay isa lamang sa paraan ng lalaki upang magpa-espesyal. Pina-massage niya si Rosana upang makapag-relax ito, sumunod ay ang facial spa at foot spa. Pina-manicure at pedicure niya na rin. Doon niya na rin ito pinaayusan ng buhok at simpleng make-up para kung matuloy man ang dinner nila kasama ang investor na si Zandro ay wala ng iintindihin masyado ang kanyang asawa. Nagulat man si Rosana sa ginawi ng asawa ay wala na siyang nagawa, naroon na gusto niya ng umuwi para maalagaan ang anak pero kinontrol niya ng sarili, alam niyang para sa kanya din naman ang effort na ito ni Joaquin. Gusto siguro ng kanyang asawa na presentable siyang haharap sa pinakamayaman nil

